Chapter 67: LQ

831 50 1
                                    

ZEY'S POV

Mag-isa ako ngayon na nakatambay dito sa gilid ng gymnasium. Masyado kasing madaming tao sa field kaya dito na lang ako. Tahimik pa.

"Sabi na andito ka lang eh!"

Napalingon ako sa biglang nagsalita sa likod ko.

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Ba't wala ka dun sa field? Ba't late ka?" sunod sunod na tanong ko, wala lang para isahang salitaan lang. Sayang laway eh.

Mahina siyang natawa tsaka umupo sa tabi ko

"Actually I also want a peaceful place, yung walang maingay kaya napadpad ako dito. Coincidentally na andito ka so sasamahan na lang kita. Siguro naman nasagot ko na yung 2nd question mo why I'm not in the field, and lastly. 11:30 na ko nagising that's why nagpalate na lang ako tutal late na din naman talaga. Okay na ba? Grabe ka magtanong eh sunod sunod." natatawang sabi ni Xaymond

Di ko na lang siya pinansin at sinalpak ang earphone sa tenga ko pero bigla namang hinablot ng kumag

"Wag ka mag soundtrip. Wala akong makakausap. That's boring. Imagine it." nakabusangot na sabi niya. Ano ba yan asungot.

"So? Then go back to the field para di ka mabored." sabi ko

"Ayoko nga dun. Why don't you just chitchat with me?" ngumingising sabi niya habang tinataas baba ang kilay

Inirapan ko lang siya at humarap ng kaunti sa pwesto niya

"Ayoko makipag-usap sayo." bigla siyang umakto na parang nasaktan habang nakahawak pa ang dalawang kamay sa kaliwang dibdib niya

"Ouch Ms. Zey. Ouch."

Inirapan ko lang siya at tumayo na

"Oh? Where are you going?" he asked

"Kay dora." sagot ko tsaka naglakad paalis dun, wala na kasing peaceful sa lugar na yun kasi may bubuyog na maingay.

"Anong gagawin mo kay Dora?" habol niya sakin

Tumigil ako at pinagtaasan siya ng kilay

"Seriously?" tumawa naman siya ng malakas, nahawak pa nga sa tyan eh. Siraulo talaga

"Ang saya mo naman." sabay kaming napalingon ni Xaymond sa nagsalita. Si Liam na masama ang tingin kay Xaymond na sa wakas ay tumigil na din sa pagtawa. Nakakarindi kasi yung tawa niya.

"Oo naman, basta nakikita ko si Zey masaya ako." nang-aasar na sagot niya kay Liam. Gago naghahanap pa ata ng gulo. Inirapan ko na lang sila tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Bahala silang dalawa dun problema na nila yun, magsapakan sila hanggang mamatay sila.

"Why did you leave me!" galit na sigaw ni Liam ng makarating sa tabi ko

"And where do you think your going? At san ka ba galing?!" sigaw niya pa

"Sa bikini bottom." walang ganang sagot ko sa kanya. Inis na hinablot niya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya kaya natigil kami sa hallway na wala na din masyadong nadaan na estudyante dahil halos lahat nasa field lang kung hindi sa field nasa auditorium.

"Mukha ba kong nakikipagbiruan? Tsk. Sumama ka sakin bukas." sabi niya at nilagay sa bulsa ang dalawang kamay

"Where?" tanong ko

"Sa mall. May bibilhin ako." seryosong sabi niya

"Where is my pake?" pambabara ko sa kanya kaya naman nagalit na naman ang mukha niya at dinuro ako

"Bwisit ka talagang babae ka! Matapos mo kong halikan dahil kay Chris Evans gaganyanin mo na ko!" sigaw niya

Ay puta.

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon