CHAPTER 34

42.2K 1.2K 47
                                    

MADELINE


     "PA, kamusta ang bukid?" Tanong ko dito habang kumakain kami

"Ayun, bukid pa din." Sagot nito. "May putik pa din at natatamnan."

Pano manampal ng Papa? Yung hindi siya magagalit

"Yung mga kalabaw ho?" Tanong ko

"Ayun, apat pa rin ang paa." Sagot nito. "May sungay pa din."

Inirapan ko lang si Papa. Walang kwentang kausap

"Pinagawan ako ng tindahan ni Karson." Sabi ni Mama

"Hindi ko tinatanong." Sagot ko dito

"Hindi lang ikaw kausap ko." Umirap ito.

"Ganyan talaga kayo mag usap usap?" Tanong ni Jomela. "Weird, kung si Mommy yan, sinampal nako nun."

"Nasanay na kaming ganito." Sagot ko. "New born kumbaga."

"Inborn yun." Pagtatama sakin ni Marilyn

"Parehas lang yun, wag kang epal." Inirapan ko ito

"Napakasama talaga ng ugali mo." Sita sakin ni Jomela

"Mas masama ugali mo."

"Mamu, Tita nasa harap po tayo ng pagkain." Istriktong sabi ni Nlex. "Mamaya na po ang bardagulan."

Sungit minsan, parang si Karson.

"Nlex is right, don't fight in front of food." Pag-sang-ayon dito ni Karson.

"Ay hindi pa malala yan Papu." Singit ni Baklita. "Kapag kumakain kami noon, kulang na lang po magsaksakan 'yang dalawa."

"OA mong baklita ka." Inirapan ko ito

Tumahimik na lang kami at nagpatuloy sa pagkain, nang matapos kami ay si Jomela ang nagprisintang maghugas, kami naman ay bumalik sa sala.

"Mama, ano bang ginagawa nyo dito?" Takang tanong ko

"Anong, Anong ginagawa? Diba pinapunta mo kami dito?" Nangunot ang noo ni Mama. "Yan ang sabi ni Karson."

Napatingin ako kay Karson, ngumiti ito bago umusog palapit sakin.

"Hindi ko pa sinasabi sa kanila ang totoo kaya gumawa na ako ng alibay." Bulong nito sakin. "Ayaw kitang pangunahan Madeline."

Napatango lang ako. "Ah, oo nga pala. Na-miss ko kasi kayo Mama."

"Pwede namang ikaw na lang ang dumalaw sa probinsiya Ate." Sabi ni Mylene

"Ay kapal ng muka mo, kung nakapag-reklamo ka parang namasahe kayo ah?" Sinamaan ko ito ng tingin. "Kayo naman mag adjust aba."

"Joke lang naman." Sabi nito. "Gusto ko rin namang makapunta dito sa Manila, maranasan ko naman ang fresh air."

"Anong fresh air? Usok ng tambutso ng mga sasakyan lang ang nalanghap ko dito." Sabi ni Marilyn

"Nasa probinsiya kasi ang tunay na fresh air." Sabi ko. "Mas okay din ang mga tao doon, eh dito sa Manila, maraming masasamang tao at toxic minsan ang mga tao."

"Bakit ikaw Ate? Taga-probinsiya pero toxic."

Mabilis kong dinampot ang maliit na ash tray sa lamesa at binalibag kay Mylene na agad tinamaan sa ilong niyang pango.

"Puro ka pambabara." Sabi ko dito. "Pango kana nga, laitera kapa!"

"Pango nga ako, maganda naman, maputi pa." Umirap ito habang hinahaplos ang ilong niya. "Eh ikaw? Maganda lang, hindi ka maputi."

"Mas bobo kapa sakin, may morena bang maputi?"

"Kalerki kayo mag away." Hinampas ni Slex ang braso. "Mamu, tigil na po."

"Slex, parang hindi ka nasanay kay Mamu." Sabi naman ni Nlex. "Warfreak yan."

"Pero sa lahat ng war freak siya ang favorite ko." Niyakap ako ni Slex sa beywang. "Mamu, paano kayo nagkakilala ni Papu?"

Nagkatinginan kami ni Karson, ngumiti lang ito

"Katulong ako ng Papu n'yo." Sagot ko. "Pati ng Tita Jomela n'yo na masama ang ugali. Basta naging magulo, tumira kami ng Papu n'yo dito, naging magkarelasyon kami agad, walang ligaw na naganap."

"Tapos ayun, nag-tut kami." Dagdag ko pa. "Marami kaming pinagdaanan ng Papu n'yo na mahirap i-kwento."

"Bakit po kayo naghiwalay?" Tanong naman ni Nlex.

"Mahabang kwento Anak." Sagot ko. "Hindi ko alam kung maiintindihan n'yo na, basta ang alam ko, hindi ko ginustong makipaghiwalay sa Papu n'yo. Swerte nga ni Papa n'yo at minahal ko siya eh, kahit na babaero yan."

"Pero mga Anak kahit babaero ako tinigil ko yun para kay Mamu n'yo." Singit ni Karson. "Si Mamu n'yo lang ang minahal ko at gustong pakasalan."

"Scam ka po sa kasal, si Tita Jillian pinakasalan mo eh." Sabi dito ni Nlex

"Mahabang kwento din yun." Natatawang sagot dito ni Karson. "Pero ito ang ipapangako ko, bibigyan ko kayo ng maayos na Pamilya, papakasalan ko ang Mamu n'yo kapag maayos na ang lahat "

"Promise po?" Paninigurado ni Nlex. "Man to Man talk?"

"Promise Nlex."

"Mag-promise ka din po sakin." Pakikisali dito ni Slex. "Woman to Man talk."

"Yes Slex, promise ni Papu mo yan."

Hinawakan ni Karson ang kamay ko at hinalikan, binawi ko naman agad yun.

"Mag-kumpare pa lang tayo, wag kang malandi." Tinalikuran ko siya

Ngingiti kasi ako, ayokong makita niya

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon