Chapter 7

1.6K 67 2
                                    

"Gago! Ang guwapo ni Sir Uy!" tumitiling kantiyaw ni Archie, niyugyog pa ang parehong balikat ko. Kulang na lang ay tumilapon ako sa sahig dahil sa panulak-nulak niya sa akin. "Tang ina, akin lang si Sir Dominic, sa 'yo na si Sir Evans," bulong niya sa tainga ko.



"Aywan ko sa 'yo, Cheng, wala akong paki kay Sir Evans," masungit kong sabi.



"Ayaw mo pang aminin, eh. Wagas makapag-deny, ah? Kumikislap-kislap kaya 'yang mga mata mo nang masilayan si Sir. Kunwari ka pa," pabulong niyang sabi para hindi marinig ng iba. Sinundot niya pa ang tagiliran ko.



Naaasar na talaga ako! Sobra!



"Bakit n'yo ba ako inaasar kay Sir? Ang tanda na kaya niyon," sabi ko lang at umiwas ng tingin.



Humalakhak si Archie. "Gaga, anong matanda? Mas matanda lang siya sa 'yo ng siyam na taon. Kung natatandaan ka na talaga sa kaniya, gawin mo na lang siyang sugar daddy mo."



Akmang bubuka ang bibig ko para murahin siya nang inunahan niya ako. Dinuro niya ako at tumatawa pa ang bakla. Ang babaw talaga ng kaligayahan!



"Ops! Bawal magmura!" pagbabanta niya sa akin, nakaduro pa rin sa 'kin kaya tinabig ko ang kamay niya.



I glared at him. "Sana 'pag kumain ka, mabulunan ka."



"Oy! Ano 'yang binubulong-bulungan n'yo riyan?" si Jeydee at inakbayan ako. "Gago, nakita mo ba 'yong titig ni Sir Evans sa 'yo, Elle? Hindi ko maipaliwanag, eh. Ako lang ba 'yong nakakita ng titig niya? O paningin ko lang 'yon?" inosente niyang dugtong.



Kumibit-balikat ako at inalis ang pagkakaakbay ni Jeydee sa akin. "Paningin mo lang 'yan, Jeyd. Naku, malala na 'yang mga mata mo. Punta ka sa EO, nanlalabo na yata paningin mo," nagbiro na lang ako dahil ayoko rin namang pag-usapan si Sir dito.



"Pa'no na 'yan, Ellai? No boys for today raw sabi ni Sir Evans," si Marco. Nakangisi siya kaya inismaran ko siya. "Susumbong kita kay Sir 'pag manlalaki ka, matik bagsak ka na naman sa klase niya! Lagot ka!" banta niya sa akin sa pabirong tono.



"Bagsak naman talaga ako roon, 'no." Lumabi ako. "At saka, buhay ko 'to. Susundin ko pa rin ang gusto ko."



"Ang tigas-tigas ng ulo mo, Ellai, kaya maraming ulong tumitigas sa 'yo, eh," mapilyong singit ni Clark.



"Gago! Pulos kamanyakan laman ng utak mo, Clark!" Binatukan naman siya ni Prince. "Kung ako sa 'yo, sabunan mo na 'yang utak mo nang sa ganoon ay luminis na 'yan. Masyado nang marumi, eh!"



"Wala naman akong ibang sinabi, ah?" pagmaang-maangan ni Clark. "Gago! Ikaw maglinis ng utak! Masyado kang green-minded!"



"Fuck you, dre! 'Pag ako yumaman, kakainin mo 'yang sinabi mo!" Prince raised his two middle fingers at Clark.



"Gago? Ano'ng konek? Bobo!"



"Paniguradong yayaman si Prince," sawsaw naman ni Jeydee. "Maraming sugar mommies, eh, talagang a-apply si Prince!"



"Gago!"



"Pa'no na 'yan, Prince, mukhang nasa sugar mommies mo ang kapalaran mo?" si Archie.



"Gago talaga kayo! 'Pag 'yan ang maging kapalaran ko, susunod na lang ako sa yapak ni Padre Damaso! Ang sama-sama talaga ninyo, parang hindi n'yo 'ko kaibigan!" parang batang utas ni Prince.



"Ang sama naman ninyo, baka hindi sugar mommies hanap ni Prince... kung hindi, sugar daddies!" Humagalpak ng tawa si Doremi at itinapon pa sa ere ang kaniyang kamao. Pinagtutulungan talaga nila si Prince kaya wala akong nagawa at natawa na lang sa kanila.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now