WA 24 - Unveiled Truth

80.8K 2.4K 444
                                    

Stop reading UNSPOKEN kasi sa second half ang timeline niya. It's a major spoiler. Anyway, merry christmas!!!! I hope you'll like this chapter ;)
      

CHAPTER TWENTY~FOUR

UNVEILED TRUTH

Ilang ulit akong napailing. Parang may bumabara sa lalamunan ko dahil hindi ko man lang magawang magsalita. A deafening silence envelopes us. We have reached this far... Nagkasakitan na't lahat, nagsisihan na't nag-iyakan... ang katotohanan ay nasa harapan ko lang pala? Tangina. Ang saya ko bang saktan?

My life is full of lies.

Nang nahagip ng mata ko si Ynior na nakatitig sa akin. Kaagad akong umiwasat nagbaba ng tingin. Halos araw-araw ko siyang kasama pero bakit hindi niya nagawang sabihin sa akin ang totoo? Bakit kailangan pang umabot na maraming masasaktan bago niya aminin na lang sa akin na magkamag-anak nga talaga kami?

He made me a fool!

I heard Papa's heavy sigh. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos iyon... hindi ko inaasahan ang susunod niyang itatanong. "Do you want to meet your... real Mom?"

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa tanong niya. My Mom. He's not pertaining to Mama Esme... but to my real mother. Nanikip bigla ang dibdib ko na at nakaramdam ng labis na lungkot. The thought that Mama Esme is not my real mother pains me to bits. Buong buhay ko, hindi ko inisip na hindi ko siya totoong Mama. She was an amazing mother to me. She was so loving and caring. I couldn't ask for more. Kaya hindi ko lubos na maisip na hindi ako nanggaling sa kanya. Walang araw na hindi niya ipinaramdam sa akin na iba ako... na hindi niya ako anak.

There goes again the anxiety.

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Para ulit akong sinaksak ng paulit-ulit nang narinig ko ang sinabi niya. Bumalik na naman sa akin ang alaalang mga napagdaanan ko noong dati.

Those are just lies!

I never thought—never ever thought that she's not my real Mom.

She is, for me.

She is.

Esmeralda Delacroix is my Mom.

But this thought is bugging me... Sino nga ba ang totoo kong Mama? And, where is she? Why did she left me? What is she doing? Is she... still alive?

Pero ang huling tanong ko ay nasagot ni Papa nang muli siyang magsalita, "She's here."

Nangunot kaagad ang noo ko sa sinabi niya. "Then where is she?" matabang kong tanong.

I felt a little hatred towards my real Mom. Bakit niya ako iniwan? At anong rason niya para iwan ako at ipaalaga sa iba? What is she like?

Naagaw ang atensyon ko ni Ynior, "Huwag ka muna pangunahan ng galit mo sa amin... Malalaman mo rin ang lahat. Hindi ka namin niloloko, pinoprotektahan ka lang naman."

"Ah, talaga?" Walang modo kong tanong. Umirap ako at nag iwas ng tingin.

Natigilan siya at pinagmasdan ako gamit ang mga mapupupungay niyang mata. I can see Papa's resemblance.

"I promise to tell you everything." He added.

Umiling ako at ibinaling kay Papa ang tingin, "Gusto ko siyang makilala." Deretsahan kong sinabi. "Kahit saan man siya ngayon, gusto kong puntahan natin siya. May mga tanong akong gusto kong masagot niya." Words came out like an acid to my throat.

Kitang-kita ko ang panlulumo ni Papa. Tumango siya at inilalayan ako sa pag-upo. "Kaya mo na bang maglakad?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon