17

915 34 21
                                    

17


''Hindi mo ako pinapansin.''

Umirap ako at tinalikuran siya. Dumiretso na lamang akong maglakad papasok sa mansyon ni Konsehala, kung saan naroroon na ang mga ka-opisina ko. Mayroong maliit na celebration ngayon dahil approved na ang Seniors' Code sa Sanggunian, pirma na lang ni Mayor Hassen ang kailangan, na sigurado rin namang pipirmahan niya.

Sa lahat nang makakasalubong ko, siya ang hindi ko pinakainaasahan. Or maybe I just did not think of him at all. Kaya nang mapansin ko ang sasakyan niyang nakaparada, agad-agad din akong naglakad para makapasok na. Too bad he caught me.

''Iniiwasan mo ako,'' aniya na para bang nagsusumbong.

Malalim akong napabuntong hininga at mas lalo nga siyang hindi pinansin. Dalawang linggo na rin siguro simula nang iwasan ko siya, at alam kong nanggagalaiti na siya sa iritasyon ngayon dahil hindi na lang ako biglang nagparamdam. I don't know what's gotten into me but I felt like avoiding him is the right thing to do.

Wala akong sinabing dahilan, bigla ko na lang talaga siyang iniwasan.

''Miss Guevarra,'' he called me with utmost control laced on his voice.

Napahinto ako sa paglalakad. He called me like a professional; with so much restraint, malayo sa tono kanina na para bang manlalambing siya. Ngayong tinawag niya ako ulit, para bang walang espasyo ang pag-iwas ko dahil kailangang propesyunal ko siyang harapin. It's like he called me and I have no choice anymore but to oblige.

Malalim akong bumuntong hininga bago siya hinarap.

''Yes, Mayor Hassen?'' I emphasized his authority.

Wearing a black polo shirt that fits his broad shoulder and arms well, maong pants, leather shoes, and his eyeglasses that gave more emphasis to his eyes, he looked at me like a problem needed to be solved.

Umiwas ako ng tingin.

''Do we have a problem, Joshien?'' his tone suddenly shifted to a softer one. He took a step, I didn't move. Kaya nang hinawakan niya ang magkabilang siko ko ay halos manlambot ako. He slowly caress my elbow using his thumb.

''Bakit naman tayo magkakaproblema, Mayor Hassen?'' I once again emphasized his authority.

Napatingala siya at napapikit. Mukhang stressed, o nawawalan ng pasensya. Ewan ko sa kaniya!

''Did I do something wrong?'' he asked tenderly. ''It started when I called you in front of everyone last week, right? Noong sa session?''

Direkta kong tinignan ang mga mata niya, at humakbang ako paatras.

I don't like confrontation. I may have been seen as a tough woman but I have always hated confrontations. Ayokong tanungin niya ako kung bakit ko siya iniwasan.

Ayokong pag-usapan.

Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya at iniwanan doon. I heard him call my name once more but I didn't turn to look at him anymore. I don't think I can handle him today. Ayoko. Lalo na't pinapaligiran kami ng mga katrabaho namin ngayon.

''Saan ka galing? Tara na! Kain na, Joshien!'' ani Ma'am Sheryl na kasabay kong maglakad. May bitbit siyang plato puno ng pagkain. Tumango lang ako at dumiretso sa upuan.

Ang mga la mesa ay nasa garden ng mansyon ni Konsehala. It's only a two-storey mansion, but it's wide and spacious. Mayroong swimming pool katabi nitong garden, at mayroon ding maliit na fish pond.

There are about six or seven tables. Ilan lang naman ang imbitadong opisina but of course there are friends and colleagues that were invited. Hindi ako pamilyar sa ilan ngunit mas marami naman ang kakilala ko.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now