Kabanata 18

72 6 4
                                    

Filipinas, Abril 12,1954 (Ang pang anim na pagkikita)

Nagkalat ang mga papeles ni Don Vicente dahil nilipad nang hangin gawa nang masamang panahon, isa isa niyang pinupulot ang papel nang biglang may dumating si Imelda.

"Tulungan ko na po kayo, ama" wika ni Imelda.

Tumango naman si Don Vicente, tahimik ang silid na opisina ni Don Vicente pagkapasok mo bubungad agad sayo ang mga litrato ni Don Vicente na nakasuot nang pang congressman, litrato ni Donya Remedios na nakaupo at litrato nilang buong pamilya may naunang asawa si Don Vicente si Donya Juanita Romualdez bago si Donya Remedios.

Napansin ni Imelda ang isang papel hindi niya mawari ngunit agad niyang napansin ang pangalan ni Don Benigno Sr.

Agad naman kinuha ni Don Vicente kay Imelda ang hawak na papel na ikinagulat nito.

"B-bakit po nariyan ang pangalan ni Don Benigno?" tanong ni Imelda.

Tumayo naman agad si Don Vicente at mulin isinaayos ang papel at inilagay sa isang kahon, "Wala anak, kasulatan lamang ito" palusot ni Don Vicente.

Ngunit tila hindi kumbinsido si Imelda dahil sa isinaad ni Don Vicente alam niyang nagsisinungaling si Don Vicente sa kaniya.



Tanghaling tapat at nasa balkonahe si Alita habang nagbuburda ito, "Ate Alita" tawag ni Imelda.

Napakunot naman ang noo ni Alita dahil batid naman ni Imelda na nagbuburda ito at baka pumangit ang burda nito kaya't minabuti ni Imelda na lumapit na lamang.

"Alam mo ba kung ano ang nakita ko?" tanong ni Imelda kay Alita.

"Nakita?" nagtatakang tanong ni Alita.

Napabuntong hininga muna si Imelda bago niya ito ibulong kay Alita, tila nagulat si Alita dahil sa sinaad ni Imelda.

"Totoo? Paano mo naman nalaman?" tanong muli ni Alita.

"Kanina, tinulungan ko si ama dahil yung mga papel nagkalat tapos nakita ko sa isang papel yung pangalan ni Don Benigno hindi ko batid ngunit parang may masama" wika ni Imelda.

Nagtaka naman ang itsura ni Alita sa salitang masama, "Anong masama doon, baka naman kontrata o hindi kaya ipapaabot kay Don Benigno" wika ni Alita.

Ngunit napailing iling lamang si Imelda, "Iba ang kutob ko pero mukhang masama ang mangyayari sana huwag madamay si ama" saad ni Imelda.

Tulala lamang na napatingin si Alita sa kaniyang binuburda habang si Imelda ay nakatitig lamang sa sahig habang iniisip kung ano ba ang papel na nakita niya.



"At sa tingin mo papayag ang iyong ama?" tanong nang pinsan ni Ferdinand.

Tumango naman si Ferdinand, "Pero kung hindi man mangyayari papakasalan ko si Imelda nang lihim at judge ang magkakasal sa amin" wika ni Ferdinand.

"You mean, secret marriage? Baka mapahamak kayo niyan" wika nang pinsan ni Ferdinand.

Umiling si Ferdinand, "Mahuli na kung mahuli ngunit yun ang nais ko malay mo ipakasal kami ni ama sa simabahan kung sakali man malaman nila hindi ba?" tanong ni Ferdinand.

"I don't know, pero baka madamay ako diyan" wika nang pinsan ni Ferdinand.

"Basta ihanda mo lang ang mga papel at pupunta tayo doon sa kanila" wika ni Ferdinand.

Tumango naman ang pinsan nito at agad din silang umalis patungo sa bahay nila Imelda.




Tahimik na nagkatinginan sina Alita at Concepcion habang si Imelda ay nagtatakang napatingin sa kanila.

"Ngunit baka totoo ang kutob ni Imelda" wika ni Concepcion.

"Huwag niyong paghinalaan yung tao nang masama baka talagang kasulatan lamsng iyon" wika ni Alita

Maya maya ay may biglang kumatok sa kanilang pinto,pinagbuksan naman ni Concepcion iyon.

"Binibini, nariyan po si Ginoong Ferdinand" wika ng kanilang serbidora.

Nagkatinginan naman si Concepcion at Alita na para bang nang aasar, napabuntong hininga naman si Imelda at sumabay sa paglabas nang kaniyang dalawang kapatid.

Pagbaba ni Imelda naabutan niya si Ferdinand na may hawak na papel kasama nito ang pinsan nito napabuntong hininga muli si Imelda.

"Nice to see you again, Imelda" nakangiting wika ni Ferdinand.

Tumango naman si Imelda at nagpaypay muli nang pamaypay, "So, ano yang hawak mo?" tanong ni Imelda.

"A paper right?" pilosopong sagot ni Ferdinand natawa naman nang palihim ang pinsan nito na napansin ni Imelda ngunit agad na sumeryoso ang mukha nang pinsan ni Ferdinand.

"Can i see it?" tanong ni Imelda.

Tumango naman si Ferdinand at inabot ang papel, binasa muna maigi ni Imelda ang kasulatan.

"Secret marraige" pabulong na wika ni Imelda na siya namang narinig ni Ferdinand.

Tumingin muna si Imelda kay Ferdinand nang seryoso, gaganapin ang kanilang secret marriage sa Abril 17,1954 at walang ibang makaka alam kundi silang dalawa, ang pinsan ni Ferdinand at ang judge na magkakasal sa kanila.

"Nasaan ang panulat?" tanong ni Imelda.

Agad naman iniabot nang pinsan ni Ferdinand ang panulat, napanguso pa si Imelda bago niya ito pirmahan.

Napangiti naman si Ferdinand at dahil nagtagumpay ang kaniyang plano at mapapa sa kanya na si Imelda.

Ngumiti naman si Imelda at iniabot ang papel na hawak niya, "Thank you Imelda, ilang days nalang at ikakasal na tayo ihanda mo ang iyong sarili" wika ni Ferdinand.

Nagtaka naman ang itsura ni Imelda ngunit napangiti din ito, "Sadyang mabilis ka lang talaga" wika ni Imelda habang nakangiti.

Yumakap si Ferdinand kay Imelda na ikinagulat nito lihim naman na napangiti ang pinsan ni Ferdinand.

"You know that I want to marry you not only because of your beauty but also because I love you" wika ni Ferdinand.

"I love you too, Ferdinand" ngunit para lamang siyang nagsisinungaling sa sarili niya hindi niya batid ngunit hindi niya maramdaman kung talaga bang mahal niya si Ferdinand.

"I know you don’t feel for me yet but I will wait until I know you already love me" nakangiting wika ni Ferdinand.

Nagulat si Imelda nang isaad iyon ni Ferdinand dahil hindi naman niya sinasabi kung talaga bang wala siyang nararamdaman pa para kay Ferdinand.

"Bueno, salamat sa iyong pag pirma we wait until the date of our marriage, Imelda" nakangiting wika ni Ferdinand.

At nagpaalam na silang dalawa nang pinsan niya na aalis na sila, napangiti naman si Imelda kay Ferdinand bago maka alis ang kanilang kalesa.

This is the day Imelda signed the paper deed of their secret marriage.




*******************
#HeStealABeautifulButterfly

Yes! Imelda signed five days to go ikakasal na rin silang dalawa!!!!

Abangan ang kabanata 19! Thank you sa support sa story ko sobrang thank you ko kasi kahit paano may mga nagbabasa din naman HAHAHAHA!

Pakibasa na rin po ang first story ko historical fiction din po siya magugustuhan niya po yun dedicated ko po yun sa lolo ko at lola ko
"My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) please vote and comment.
Second story ko "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) please vote and comment.

Don't forget to vote and follow me!

SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon