Kabanata 19

69 8 0
                                    

Filipinas, Abril 13,1954 (Ang pang pitong pagkikita)

Tahimik ang buong kapaligiran sa San Miguel habang ang mga taong naglalakad ay tahimik ding naglalakad, karamihan sa mga daan ay makalat pa buhat nang tag ulan maputik at may mga naiwan pang kaunting tubig na kapag nadaanan mo matatalsikan ka talaga.

Nagkakape ngayon sa hapag si Don Vicente, mag isa siyang nagkakape tulog pa ang iba niyang anak tahimik niyang pinagmamasdan ang kaniyang baso na may laman pang kape.

"Baka lumamig iyan ama" wika ni Alfredo na kagigising lamang.

Bumalik sa ulirat si Don Vicente, "Akalain mo iyon sa susunod na taon 70 na ako" natatawang wika ni Don Vicente.

"Malakas lakas pa rin naman kayo ama" nakangiting wika ni Alfredo.

Umupo sa tapat ni Don Vicente si Alfredo nag utos naman si Alfredo na gumawa nang kaniyang kape sa kanilang serbidora naghain din nang makakain ang kanilang mayordoma.

"Paano pala si Benjamin ama?" tanong ni Alfredo.

"Hindi ko din alam pero bisitahin niyo nalang tumatakbo din kasi siyang governor sa leyte" wika ni Don Vicente.

Tumango naman si Alfredo bagamat malapit na rin siyang ikasal ngunit hindi niya batid kung dapat bang ipagpatuloy niya dahil naaawa siya sa kaniyang ama sa susunod na taon nang kaniyang kaarawan ay mag 70 na si Don Vicente.






Tanghaling tapat nang magising si Imelda nakangiti niyang binuksan ang kaniyang bintana, maaraw na rin at hindi na gaano maulan kaya't makakalabas labas na rin siya.

Minabuti niya munang magtungo sa hapag upang kumain nang tanghalian naabutan naman niya si Alita at Concepcion na kumakain.

"Si ama?" tanong ni Imelda.

"Umalis na kaka alis nga lang kasama si Kuya Alfredo at Kuya Armando may pupuntahan daw sila" wika naman ni Concepcion.

Tumango na lamang si Imelda at umupo na sa tabi ni Alita, "Siya nga pala may lakad ako ngayon baka gabihin na ako nang uwi ngunit nagpaalam naman ako kay ama kung ang isa ay may lakad dapat may maiiwan ditong isa malinaw ba?" tanong ni Concepcion.

Tumango naman si Alita at Imelda, "Saan pala ang iyong tungo?" tanong ni Alita.

"Sa dati kong kaibigan may sakit daw kasi kaya bibisitahin ko muna" wika ni Concepcion.

Tumango naman si Alita, ilang minuto at tapos na rin kumain silang tatlo nagpaalam na rin si Concepcion na aalis na siya at naiwan naman si Alita at Imelda.

Nagtungo muna sa silid si Imelda upang maligo dahil kanina pa siya init na init.



Nang matapos maligo si Imelda ay sinuot niya ang kaniyang itim na baro at puting saya, nakapaikot din ang kaniyang buhok at suot ang kaniyang panyeta.

Maya maya ay biglang pumasok si Alita na nakangiti, "Imelda, may panauhin ka" nakangiting wika ni Alita.

Ngumiti naman si Imelda at tumango batid niyang si Ferdinand iyon, pagkababa niya naabutan niyang nakaupo si Ferdinand at may hawak na rosas na pula.

Tumayo si Ferdinand nang makita si Imelda at ngumiti, "Magandang tanghali sa iyo, Imelda para pala sa iyo" nakangiting wika ni Ferdinand.

Agad naman na kinuha ni Imelda at ngumiti ito itinuro niya ang upuan upang maupo muli.

"Magandang tanghali rin, Macoy himala yata at hindi mo kasama ang iyong pinsan" nakangiting wika ni Imelda.

Ngumiti naman nang bahagya si Ferdinand, "Ipapaalam sana kita..." hindi na natapos ni Ferdinand ang sasabihin nang biglang sumingit si Alita.

"Ferdinand, mabuti kung ipasyal mo si Imelda huwag ka mag alala walang ibang makaka alam huwag lang gabihin ang aking kapatid" wika ni Alita.

Ngumiti at tumango naman si Ferdinand, inilahad niya ang kaniyang palad at sinang ayunan naman ni Imelda iyon nakangiti silang nagpaalam kay Alita at sumakay na nang kalesa.




Nakangiting bumaba si Ferdinand,inilahad niya ang kaniyang palad upang alalayan si Imelda na makababa nang kalesa.

"Intramuros" nakangiting wika ni Imelda.

Tumango naman si Ferdinand at ngumiti, "Halika pasok muna tayo sa simbahan" nakangiting wika ni Ferdinand.

Tumango naman at ngumiti si Imelda, nang makapasok sila sa simbahan ay naupo sila sa pinaka unahang upuan.

The Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception also known as Manila Cathedral, napakaganda nag loob nang manila cathedral aakalain mo talagang nasa 1892 ka makikita mo ang laki nang simbahan at talagang malawak ang loob nito.

Lumuhod si Ferdinand at ipinikit nito ang kaniyang mga mata, ngumiti naman si Imelda dahil maka Diyos pala ang kaniyang mapapangasawa.

Lumuhod din si Imelda, napatingin siya kay Ferdinand na nakapikit napatingin din siya sa adams apple ni Ferdinand napalunok si Imelda ngunit napa sign of the cross din siya agad.

Ilang segundo lamang ay muling bumalik sa upuan si Imelda, bumalik din sa upuan si Ferdinand napalingon ito kay Imelda at napangiti ito.

"Saan mo nais magpakasal?" tanong ni Ferdinand kay Imelda.

Napatakip sa bibig si Imelda, "Kahit saan basta ikaw ang mapapangasawa ko" hindi batid ni Imelda nang bigla niyang sabihin iyon.

Bumilis lalo ang tibok nang puso ni Imelda para bang nagugustuhan na niya si Ferdinand muli siyang napalingon sa mga mata ni Ferdinand tila ba nagsasabi ito nang totoo at talagang walang halong biro ang lahat nang matatamis nitong salita.

"Nais mo ba dito o sa San Miguel Church?" tanong ni Ferdinand.

"Kahit sa San Miguel Church nalang para malapit sa amin" saad ni Imelda.

Napangiti naman si Ferdinand tinitigan niya si Imelda sa mata magagandang mga mata, matangos na ilong, mapulang labi at mestizang kulay walang halong kemikal purong natural si Imelda kahit pa mas matangkad ito sa kaniya.

"Talagang pursigido ka na pakasalan ako, Macoy" nakangiting wika ni Imelda.

"Yes, and everything I tell you is true, and what I feel for you is true" nakangiting wika ni Ferdinand.

Ngumiti naman nang malamunay si Imelda at tila ba naramdaman niyang namula ang mga pisngi niya dahil sa mga sinabi ni Ferdinand.

"Halika, labas muna tayo iikot muna tayo dito" nakangiting wika ni Ferdinand.

Lumabas sila nang simbahan at napangiti si Imelda, magagandang tanawin at mga taong namamasyal talaga.

Marami pa rin namang malalaking bahay at mga tindahan na maaaring bilhan, mga kalesa din na maaaring sakyan kahit anong oras.





********************
#HeStealABeautifulButterfly

Ilang days pa at ikakasal na rin sila ni Imelda at Ferdinand! Abangan po ninyo ang susunod na kabanata mag uupdate po ako para sa mga susunod na kabanata.

Pakibasa na rin po ang first story ko "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) please vote and comment.

Second story ko rin pakibasa na din ang "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) please vote and comment!

Don't forget to vote and follow me!



SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon