Chapter Thirty Nine

17.5K 1.2K 898
                                    

Chapter Thirty Nine

"Ang cute naman ng room mo!" sabi ni Mona habang inililibot niya ang tingin niya sa loob ng kwarto ko. "Ang minimalist at ang organized! Very you, Ms. Prez!"

Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko habang nakatingin ako kay Mona na naglalakad lakad sa loob ng kwarto ko.

She just showed up in front of our house awhile ago. Sabi niya gusto niya lang bumisita because she feels bored. Naisipan niyang i-surprise ako at may mga dala pa siyang pagkain. Tinignan daw niya sa school record yung address namin at since alam niya ang lugar, nag punta siya dito. Tapos ayan, she invited herself in at siya na rin ang nag suggest na gusto niyang makita ang kwarto ko.

Sa totoo lang, gusto kong mainis because she just showed up unannounced. Ayoko pa naman nang ganun. Or siguro namimili ako ng tao, but with her, I feel burdened. Gusto kong sabihin na busy ako at hindi ko kayang tumanggap ng bisita ngayon. Pero nag effort siyang bumili ng pagkain para sa akin, hinanap pa niya kung saan ang bahay namin. I feel bad na paalisin siya.

"Ang cute naman, may table ka pa dito! Yung parang sa mga Kdrama?" sabi ni Mona habang inilalapag niya sa table yung pagkain na dala dala niya.

Ito yung mababang table na need mo mag Indian seat to use it. Madalas dito ako nag rereview pag pakiramdam ko na su-suffocate na ako sa study table ko.

Never akong kumain sa table na 'yan. Well actually, never akong kumain sa loob ng kwarto ko. Ayun kasi ang turo ni Mama sa akin. Pag kakain, dapat palaging sa hapag kainan at hindi sa kwarto.

"Tara meryenda na tayo!" yaya sa akin ni Mona as she starts to take out yung mga dala niyang pagkain. Burgers, fries and softdrinks.

"Ah Mona okay lang ba kung sa baba na lang tayo kumain?" sabi ko sa kanya?

"Dito na lang para chill lang!" sabi niya sabay kuha ng fries.

Hindi ako makapag salita. Gusto kong sabihin na hindi talaga pwede, pero para akong tanga na tumango na lang at naupo sa harap ni Mona.

Rules are rules. Mahigpit ako pag dating doon at sobrang wala akong paki sa sasabihin ng mga kaklase ko once na cinall out ko sila pag nag break sila ng rule.

Pero bakit tameme ako ngayon na sariling rule ko ang nilalabag ni Mona. Feeling ko hindi ako makapag salita sa harap niya? Ni hindi ko makuhang humindi sa kanya.

"Bacon burger!" masayang sabi ni Mona sabay abot sa akin nung burger. "And, may softdrinks din, and fries at sundae!"

"Nag abala ka pa," sabi ko habang kinukuha ko yung pagkain. "Hindi mo naman ako kailangan bilhan."

"Ano ka ba! You are like my closest friend sa school. Syempre gusto rin kitang ilibre 'no!" masiglang sabi ni Mona.

I feel guilty agad. I never consider her as someone close to me. Hindi ko nga rin masabi na tinuturing ko siyang kaibigan ko, and yet ganito ang tingin niya sa akin.

I know Mona is kind, pero pag nandyan siya, pinangungunahan ako ng sandamakmak na insecurities sa katawan ko kaya lagi akong awkward sa kanya. Sa totoo lang wala rin naman mali na nagpapatulong siya sa akin kay Seb---kahit na sinabi ni Seb na ako ang gusto niya. Paano nga kung wala kasi talagang mahingan ng tulong si Mona kaya sa akin siya lumapit? Paano kung tulungan ko na lang kaya siya?

I heard my cat, Sebbie meowing at naramdaman kong lumapit ito sa akin.

"OMG ang cute naman!" sabi ni Mona. "Ito ba si Sebbie?" tanong nito.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon