Chapter 8

10 3 0
                                    

Nang makarating kami sa university nagpaalam na kaagad sila Ea at baka daw malate pa sila na imposibleng mangyari kasi maaga pa ng konti sa bilis banamang magmaneho ng isang toh.

Kumakain ako ng ice cream habang naglalakad at napansin kong sinusundan ako ng damuho pero hinayaan konalang masyado akong busy sa ice cream. Papaakyat nako ng hagdan ng biglang may humawak sa braso ko kaya nabitawan ko ang ice cream.

"Pochi ka! Anu bang problema mo?!"inis na sabi ko saka sinapok-sapok ang walang hiyang si Kenji."Bat ka nangugulat?"

"Aray ko bestfriend!"daing nya saka inilagan ang kamay ko."Di naman talaga kita ginulat, ikaw tong magugulatin e!"

"Anu ba kasi yun? nasisira araw ko kapag nakikita kita, "ani ko.

Humawak naman sya sa dibdib na para bang sinaktan ko sya."Ang sakit nun bestfriend! Sa gwapo kong toh sisirain lang araw mo?"

"Wag kang feeling, hindi ka gwapo."tinaasan ko sya ng kilay."Anung kelangan mo?"

"Oh eto na pato mo, Pabaya kang amo!"sisi nya sakin na may paduro-duro pa."Pabaya!"

"Kapal mo naman,"kinuha ko si ducky sakanya, kaya pala wala akong katabi kagabi kasi nasa kanya si ducky."Bat nga ba na sayo si ducky ha? ninakaw mo no?"

"Gravi ka naman. Pinagkakamalan mobakong magnanakaw? Masyado akong gwapo para dun, diko yan matatang--"hindi nya natapos ang binubunganga ng biglang magsalita si damuhong auxtin na nandun din pala at nakikinig, di ko sya napansin dun ah?

"Di pa ba kayo tapos?"masungit na sabi nito saka kami nilagpasan at umakyat na ng hagdan.

Nagkatinginan kami ni Kenji saka nya ako dinuro."Hala ka, lagot ka bestfriend,"

Sinapok ko sya habang sya nama'y humagalpak ng tawa."Alis na ko bestfriend, may class pako HAHAHA,"

"Taray mo naman, may pa-class class kapa akala mo kung sinong matalino,"ani ko na tinawanan nya lang saka tumakbo na paalis habang kumakaway.

Inirapan konalang sya saka nagsimula ng maglakad paakyat ng hagdan, at baka malate ako. Mabilis ang pagakyat ko ng biglang may bumunggo sakin, muntik pakonh mahulog sa hagdan kung hindi nya ako nahawakan sa bewang.

"Pochi muntik nako dun a--"natigil ako sa pagsasalita ng magkatinginan kami ng lalaking bumungo sakin. Sinamaan ko sya ng tingin, buti nalang hawak ko ng mahigpit si ducky kaya walang masamang nangyari sakanya."Pede monakong bitawan,"

Inayos nya ang salaming suot kaya mas lalo kong natitigan ang gwapo nyang mukha. Matangos ang ilong nya at basta gwapo!

"I'm sorry,"paumanhin nya saka tinignan ang relo."I need to go, sorry again,"

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa tuluyan na syang nawala sa paningin ko, bumalik lang ako sa ulirat ng malakas na tumunog ang bell kaya nagmadali nako.

"Angwapo nun ah?"

Dumiretso nako sa room ko, binasa kopa muna ang nakasulat sa taas ng pinto bago kumatok pero walang nagbukas na teacher katulad ng mga nababasa ko sa libro. Kumatok pako ulit pero wala talagang nagbubukas, anong klaseng classroom batoh? Sa inis ko tinarget kong sipain ang pinto kaya lang bigla itong bumukas at iba ang natamaan ko.

"Aww!"daing ng lalaki habang nakahawak sa birdi nya, teka ito yung lalaking gwapo kanina ah?"Why did you do that?"

Napatakip nalang ako ng bibig ng balutin ako ng konsensya."Hala sorry po, kasalanan mo din naman e. Bat mo kasi binuksan yung pinto?eh sisipain ko nga,"

Love's Rhythm In Hearts' Beats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon