CHAPTER 36

41.3K 1.3K 155
                                    

MADELINE


    "BAKIT tagal n'yo po sa C.R?" Pinagningkitan kami ng mata ni Slex. "Ano Mamu? Doon kayo gumawa ng milagro ni Papu? Mygad, hindi na kayo nahiya."

"Ikaw ang mahiya baklita ka!" Mahina kong tinampal ang bunganga niya. "Ang bata bata mo pa, yan agad nasa isip mo."

"Mamu, ano pong nangyari?" Tanong ni Nlex. "Umiyak ka po, bakit?"

"Wala Anak." Nginitian ko siya. "Halika na, saan n'yo gustong sunod na pumunta?"

"Sa laruan." Sagot ni Slex. "Lalaro ako doon sa basketball Mamu."

"Then let's go."

Hinawakan namin sila sa magkabilang kamay.

"Don't worry, nagpadala ako ng tauhan dito para hindi tayo malapitan ni Joel." Bulong sakin ni Karson. "But if you want to go home, then let's go."

"Ayos lang ako, first time lang din mag-enjoy ng mga bata. Ayokong sirain."

"Okay, just tell me if you're not comfortable. Okay?"

"Yes, Kumpare."

Napasimangot ito na ikinatawa ko lang.

Pumasok kami sa loob ng Arcade, bumili si Karson ng token at binigyan ang dalawang bata. Tumakbo naman ang mga ito patungong basketball, samantalang kami ay naupo lang at nakatanaw sa kanila.

"You don't want to play?" Tanong nito at umiling naman ako.

"Babantayan kona lang ang dalawang bata." Tugon ko

"Mad, can you tell me more about to our twins." Sabi nito. "Tell me their favorite color, game, hobbies, favorite food."

"Si Slex ang panganay sa kambal pero mas astang panganay si Nlex. Malantod si Slex, samantalang istrikto si Nlex parang ikaw. Paborito ni Slex ay itim, maroon naman ang kay Nlex, mahilig silang dalawa sa basketball, baklita si Slex pero ayaw niya sa barbie. Mahilig mag-make up si Slex, mahilig din siya sa chismis, hate niya ang babae, Si Nlex naman ay mahilig magbasa, hindi siya palakibo, mas gusto niya ng tahimik. Hindi sila pareho mapili sa pagkain, lahat ay kinakain nila, lalo na ang gulay. Ang pinaka-ayaw ni Slex ay mga babaeng desperada, kagaya ng mga nagkakagusto sa kanya. Ang pinaka-ayaw naman ni Nlex ay ang maingay na paligid." Mahabang sabi ko dito. "Pero ang mas pinaka-nakakatakot magalit sa dalawa ay si Slex, kita mo naman nung liga diba? Sobrang protective niyan sa pinsan niyang si Jomuela, nagiging lalaki yan pag nagalit."

"Pakiramdam ko nga hindi siya baklush, sadyang nasanay lang siya sa ganyang galawan dahil sila Momshie T at Momshie B ang halos nagpalaki sa kanya." Dagdag ko pa.

"Kahit ano pa siya, tanggap ko siya." Inakbayan ako nito. "Wala namang masama kung anong gender gusto niya, basta maging mabuti lang siyang tao."

"Mabuti naman 'yang baklita na yan, mapanglait nga lang pagdating sakin."

"Aba! Kaloka kang babae ka ah!?"

Napatayo kami ng may makita kaming kaaway ni Slex.

"Ako kasi nauna, singit ka ng singit!"

"Anong nangyayari?" Singit ko sa dalawa.

"Ninong Karson!" Lumapit ang batang babae kay Karson. "Ninong, inaaway ako ng baklang yan!"

"Don't touch my Papu nga." Tinulak ni Slex ang batang babae at niyakap ang Papu niya sa paa

"Jusmiyo ka Parsia!" May dumating na isang babae

Kasunod nito si Wyatt at isa pang batang lalaki.

"Mame, inaaway ako ng baklitang gatas na yan!" Sumbong nitong batang babae habang nakaturo kay Slex

"Excuse me, ikaw ang nauna! Bigla mo akong tinulak!" Nameywang si Slex.

"Mag-sorry ka sa kambal ko." Singit ni Nlex. "Mag-so-sorry din siya kapag nag-sorry ka."

"Parsia, say sorry." Sabi ng batang lalaking kasama nila Wyatt.

"Sorry." Irap na sabi ng batang babae

"Sorry din." Umirap din si Slex dito

Napailing na lang ako sa inasta nito.

"Pasensiya na sa Anak ko." Nagkamot ng batok si Wyatt. "Maldita kasi yan."

"Mana lang sa'yo." Sabi dito ni Karson.

"Pasensiya na ah? Wala kasing pinipili ang batang maldita na yan, manang mana sa Ama." Sabi nung babae

"Ayos lang, pagpasensiyahan n'yo na rin ang Anak ko ah? Ayaw rin kasi ng nalalamangan niyan pero mabait yan." Nilapit ko ang muka sa babae. "Kaano ano ka ni Wyatt?"

"Wala basta may Anak kami." Sagot nito. "Ako si Penelope."

"Ako si Madeline." Nginitian ko siya. "Si Karson Tatay ng kambal ko pero kumpare ko lang siya–"

"Wait!! Kyah!!" Nagulat kami sa tili ng baklita. "Chupaping hero ko!"

Lumingkis si Slex sa paa ni Wyatt. "Ikaw po ang nagligtas sakin diba?"

"I'm glad you're okay, kiddo." Tugon dito ni Wyatt at ginulo ang buhok ni Slex

"Mame oh, nilalandi si Dade." Sabi ni Parsia. "Hoy bata, bawal kang maging kabit ni Dade, hindi ka babae tsaka ang bata mo pa!"

"Kalerki, never ko pinangarap maging kabit." Nag-flip hair si Slex kahit hindi naman ang buhok. "I'm too beautiful for that.."

"Choosy kapa."

"Opkors, want ko ng mga poreyner na mayaman."

Nagpababa si Parsia at lumapit kay Slex. "Poreyner? Parehas tayo."

"Ay bet, pede tayong maging bestfriend."

"Gusto ko yan, pero dapat okay plastikan."

"Yes!"

Naghawak kamay ang dalawa bago kumembot kembot na naglakad.

"Ang lantod ng Anak ko." Nakangiwing sabi ko

"Parehas lang tayo." Nakangiwing sabi ni Penelope

"Bro, let's play basketball." Aya ni Nlex sa isa pang Anak nila Wyatt.

"Gusto ko yan."

Nag akbayan ang dalawa bago maglakad patungo sa basketball.

Nagsama ang dalawang malantod at nagsama ang dalawang seryoso sa buhay.





A/N: MAGIGING BEST BUDDY SI PAXTON AND NLEX

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon