Kabanata 20

72 5 2
                                    

Filipinas, Abril 14,1954 (Ang pang walong pagkikita)

"Don Vicente, nariyan po si Don Benigno" wika nang serbidora nila.

Dali-dali namang itinago ni Don Vicente ang lahat nang papeles na may kinalaman kay Don Benigno.

"Papasukin mo na" wika ni Don Vicente.

Agad pinapasok nang serbidora si Don Benigno, nakangiti si Don Benigno na pumasok sa loob nang silid na opisina ni Don Vicente.

"Amigo, kailangan kitang makausap" wika ni Don Benigno.

Ngumiti naman si Don Vicente na para bang ayaw niyang makausap si Don Benigno.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Benigno?" tanong ni Don Vicente.

Maya maya ay kumatok muli ang serbidora, "Don Vicente, nariyan po si Don Mariano" wika muli nang kanilang serbidora.

Tila ba napangiti si Don Benigno habang si Don Vicente ay hindi na malaman kung sino ba ang uunahin niyang kausapin.

"Papasukin mo na rin" wika muli ni Don Vicente.

Agad naman pumasok si Don Mariano ngunit nagulat siya dahil naroon din si Don Benigno sa hindi inaasahang panahon.

"Narito ka pala, Benigno" seryosong wika ni Don Mariano.

Tumango naman si Don Benigno at tinuro ang isa pang upuan na katapat ni Don Benigno.

Nagkatinginan si Don Vicente at Don Mariano na para bang may apoy sa gitna nilang dalawa na hindi maapula.



Nakaupo si Imelda sa isang upuan sa kanilang balkonahe, pinagmamasdan niya ang kulay asul na kalangitan napapangiti siya sa tuwing maaalala niya si Ferdinand.

Hindi niya mawari kung ano ba ang nararamdaman niya ngunit sa kaniyang palagay ay nahuhulog na ang loob niya kay Ferdinand.

"Baka naman malunod ka niyan" wika ni Ferdinand.

Nagulat si Imelda dahil biglaang dumadating si Ferdinand, "Narito ka rin pala" nakangiting wika ni Imelda.

Magsasalita na sana si Ferdinand nang biglang dumating si Benigno na nakangiti, nanlaki ang mga mata ni Imelda dahil sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Benigno, narito ka pala" nakangiting wika ni Ferdinand.

"Oo, isinama ako ni ama nahuli lamang ako ng baba dahil tinulungan ko ang kutsero namin" nakangiting wika ni Benigno.

Hindi naman alam ni Imelda kung ano ang dapat na gagawin dahil sa hindi malamang pakiramdam hindi niya nais na naparito si Benigno.

Ngumiti si Ferdinand at lumapit kay Imelda, "Malapit na ang ating kasal, kailangan may isuot ka nais mo bang mamili tayo?" tanong ni Ferdinand.

"Ikakasal na kayo?" tanong ni Benigno.

Nanlaki ang mata ni Imelda dahil narinig ni Benigno ang binulong ni Ferdinand sa kaniya.

"Ah... Oo... I-ikakasal na kami" nauutal na wika ni Imelda hindi niya masasabi dahil baka may ibang makarinig lihim lamang ang kanilang kasal.

"Kailan? Saan naman kayo ikakasal?" tanong ni Benigno.

Nagkatinginan ang dalawa dahil sikretong kasal lamang ang gagawin nila, mabuti na lamang at dumating si Concepcion.

"Benigno, halika muna at may ipapakita kami sa iyo baka nais ni Donya Aurora nito" tawag ni Concepcion.

Batid na rin kasi ni Concepcion ang lihim na kasal nila ni Ferdinand at Imelda kaya mabuti na lamang at naroon siya upang umalalay sa dalawa.

Bago maka alis sila ni Benigno ay kumindat pa si Concepcion na ikinangiti ni Imelda.




"Iba rin talaga itong si Benigno, ano? Nakita mo naman pabulong ko na sinabi narinig pa rin" natatawang wika ni Ferdinand.

Napailing naman si Imelda dahil sa sinaad ni Ferdinand, "Ikaw talaga, Macoy" natatawang wika ni Imelda.

"Marunong pala maglinis nang temga si Benigno" natatawang wika ni Ferdinand.

Natawa naman si Imelda dahil kay Ferdinand na ngayon ay parang sasakit na ang tiyan sa kakatawa.

"Hinay hinay, Macoy mahirap na at baka mapa ano ka sa kakatawa mo" wika ni Imelda.

Hinaplos ni Imelda ang likuran ni Ferdinand na ngayon ay nauupo pa sa kakatawa nito.

Hinawakan ni Ferdinand ang kamay ni Imelda, "Sayo ko lang ito ipaparamdam, Imelda" nakangiting wika ni Ferdinand.

Tumayo si Ferdinand at lumapit kay Imelda nang malapitan, napapapikit si Imelda habang ang mukha ni Ferdinand ay palapit nang palapit at ang labi nito.

Ngunit biglang iniwas ni Imelda ang kaniyang mukha dahil hindi pa sila kasal, napalunok si Ferdinand dahil sa pangyayari at napaiwas nang tingin.





"Paano ba iyan, magpapaalam na kami ni Macoy baka mahuli kami sa congresso" paalam ni Don Mariano.

Ngumiti naman si Don Vicente at tumango, "Mag iingat po kayo, Don Vicente at Ferdinand" nakangiting wika ni Imelda.

Napangiti naman si Don Mariano na naunang sumakay nang kalesa, "Mariano, ang mga papel iyong paka ingatan" bilin ni Don Vicente.

Tumango naman si Don Mariano at ngumiti, ngumiti muna bago sumakay si Ferdinand tila ba naramdaman ni Imelda ang mainit na pisngi na ngayon ay para bang namumula na dahil sa mga tinginan sa kaniya ni Ferdinand.

"Magandang hapon sa inyo, Don Vicente at Imelda mauuna na kami" paalam ni Ferdinand.

Ngumiti at tango naman si Don Vicemte samantalang si Imelda ay ngumiti muna bago takpan ang kaniyang bibig hindi mapigilan ni Imelda na hindi mapangiti dahil sa nararamdaman niya hindi man niya masabi kay Ferdinand na nahuhulog na siya ngunit ninais niyang ipadama na lamang iyon kay Ferdinand kahit hindi man niya iyon sabihin nang direktahan.

Sumakay na nang kalesa si Ferdinand at nang patakbuhin nang kanilang kutsero ay kumaway si Imelda habang papalayo na ang kanilang kalesa.

Napabuntong hininga si Don Vicente, "Tila napakabuti nang tadhana, anak" wika ni Don Vicente.

Ngumiti naman si Imelda, "Iba pa rin talaga ang tunay na pag-ibig hindi marunong magsinungaling kung ako papipiliin nanaisin kong pakasalan mo si Ferdinand" nakangiting wika ni Don Vicente.

Mas lalong kinilig si Imelda sa sinaad ni Don Vicente nais man niyang sabihin kay Don Vicente na may lihim na kasal sila ni Ferdinand ngunit hindi niya alam paano niya sisimulan natatakot siyang baka bigla magalit si Don Vicente dahil inililihim pa nila na maaari naman nilang sabihin.

"Ama, kayo po ba ni ina? Totoo po ba ang inyong pagmamahalan?" tanong ni Imelda.

Natawa naman nang bahagya si Don Vicente, "Aba, oo naman kaya nga nabuo kayo" natatawang wika ni Don Vicente.

Natawa naman si Imelda dahil sa sinaad ni Don Vicente, ngunit ang hindi nila batid ay may nagmamanman sa kanila na espiya.





*********************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan ang kabanata 21! 2 days to go! Ikakasal na sila abangan ang kabanata 21,22 at ang wakas nang kanilang kwentooooooo!!! Salamat sa pagsupport may special mention ako after nitong story ko sa last part lovelots!

Pakibasa ang first story ko na "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) vote and comment
Pakibasa na rin ang second story ko na "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) vote and comment.


Don't forget to vote and follow me!


SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon