Kabanata 21

74 7 2
                                    

Filipinas, Abril 15,1954 (Ang pang siyam na pagkikita)

Linggo ngayon at maagang nagpagising si Don Vicente magtutungo sila ngayon sa simbahan ang apat niyang anak ang kaniyang kasama.

Nakasuot nang abrigong itim si Don Vicente at may sumbrero ito, nakasuot naman nang puting baro at saya sina Alita, Concepcion at Imelda nakasuot naman nang barong tagalog na kulay puti sina Armando at Alfredo.

Pagdating nila nang simbahan ay binabati na agad sila nang mga taong naroon, iginagalang at nirerespeto.

"Don Vicente, hintayin ko na lamang po kayo sa labas" saad nung kutsero.

Umiling si Don Vicente, "Hindi, dito ka na muna sa loob at magsimba ka din" wika ni Don Vicente.

Tumango naman ang kanilang kutsero at sumunod din kina Don Vicente, tahimik ang loob nang simbahan puno na rin ang mga upuan doon sa loob nang simbahan.

Malaki ang loob nang San Miguel Church, makikita mo ang bawat kisame na may kahoy na halatang pang luma na may mga santo din sa bawat gilid.

Nagpalingon lingon si Imelda sa dami nang tao isa lang ang hinahanap niya si Ferdinand.

Napansin naman ni Concepcion na kanina pa ang pag ikot nang ulo ni Imelda na animoy may hinahanap.

"Sinong hinahanap mo?" pabulong na wika ni Concepcion.

Namula naman si Imelda na kaniyang naramdaman na nag init ang kaniyang pisngi na nag init napangiti naman na nakaka asar si Concepcion at napatakip pa nang bibig na humarap kay Alita.

Nagtaka naman si Alita na para bang hindi alam kung anong nangyayari sa paligid niya, "Ayos lamang ba kayong dalawa?" tanong ni Alita.

Ngumiti lamang si Imelda at nagpalingon lingon muli, napansin naman niya sa pinaka dulo nang helera nang pangalawang hanay naroon si Ferdinand at kasama ang kaniyang ina, ama at kaniyang kapatid.

Hindi makapag focus si Imelda sa misa dahil panay ang tingin niya kay Ferdinand na seryosong nakikinig sa pari.



Pagkatapos nang misa, agad ding lumabas nang simbahan ang pamilya Romualdez kasama ang kanilang kutsero.

Ngunit biglang may putok nang baril kung saan nagkaguluhan ang mga taong naroon, nagulat sila nang muntik nang matamaan nang bala si Don Vicente na inilag nang kanilang kutsero.

Ang ibang tao ay nagtatakbuhan habang si Imelda ay tila napabitaw kay Concepcion sa dami nang tao naramdaman ni Imelda na may biglang humawak sa kaniyang kamay.

"Imelda, halika muna" wika ni Ferdinand habang hinahawakan si Imelda sa mga kamay nito.

Sumunod si Imelda kay Ferdinand na nakayuko, sa dami nang tao halos hindi na niya makita si Don Vicente at kaniyang mga kapatid nagtatakbuhan din ang iba ang ibang mga madre ay pumasok muli sa loob nang simbahan.

Hindi batid ni Imelda ngunit masama ang kutob nito na si Don Vicente ang balak nilang patayin dahil kay Don Vicente tatama ang bala nito, hawak hawak pa rin ni Ferdinand ang kamay ni Imelda habang tumatakbo sila pakiramdam ni Imelda ay ligtas siya kay Ferdinand.

Nakalayo na sila sa simbahan ung saan nagkakagulo, ngunit bigla nalang silang hinarangan nang isang lalaking nakaitim.

Naistatwa sila dahil may hawak itong baril, "Ano?! Tatakas kayo?!" sigaw nang lalaking naka itim na salakot.

Mahigpit na hinawakan ni Ferdinand si Imelda dahil natatakot ito na baka bigla itong kunin sa kaniya.

"Tumakas ka na ako na bahala dito" pabulong na wika ni Ferdinand.

Umiling lamang si Imelda, "Hindi, hindi kita iiwan malapit na yung kasunduan natin diba ikakasal na tayo ano ka ba" saad ni Imelda na talagang natatakot iwan si Ferdinand.

"ANO MAGBUBULUNGAN PA KAYO DYAN!" sigaw nang lalaking nakasalakot.

"Ikaw ang lakas ko, Ferdinand ligtas ako kapag ikaw ang kasama ko" pabulong na wika ni Imelda.

Ngunit napalingon si Ferdinand sa likod nang lalaking nakasalakot agad na pinukpok nang lalaking pamilyar sa kanila ang lalaking nakasalakot.

"Benigno? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Imelda.

"Tunakas na kayo baka mahabol pa kayo nang ibang nakasalakot" wika ni Benigno na may mga kasunod na sundalo.

"Salamat" wika ni Ferdinand.

Tumango naman si Benigno at ngumiti agad ding umalis doon sina Imelda at Ferdinand na tumatakbo.




Dinala ni Ferdinand si Imelda sa bahay nila Don Vicente, naabutan nilang nasa sala sina Don Vicente, Alita, Concepcion, Armando at Alfredo na nag aalala kay Imelda.

Napatayo sila nang makita nila si Ferdinand at Imelda, "Imelda!" sigaw ni Concepcion.

Napangiti naman si Don Vicente, "Salamat sa iyo, Ferdinand kanina pa namin hinahanap si Imelda" wika ni Don Vicente.

Panay naman ang yakap ni Alita, Concepcion at Alfredo kay Imelda na sobra ang pag aalala habang si Armando at Don Vicente kausap si Ferdinand.

Nag utos si Don Vicente na kumuha nang maiinom at makakain para kay Ferdinand at Imelda.

Inilahad ni Ferdinand ang buong pangyayari kanina napatango naman si Don Vicente dahil sa kabutihang loob ni Ferdinand ngunit ang ikipinagtaka ni Armando ay bakit bigla na lamang sumulpot si Benigno na may mga kasamang sundalo.

"Mabuti naman at ligtas kayo walang galos mong binalik sa amin si Imelda sa katunayan dapat ipapahanap na namin si Imelda sa mga tauhan ko mabuti na lamang at naparito kayo agad" nakangiting wika ni Don Vicente.

Yumakap si Don Vicente kay Imelda na tuwang tuwang makita muli si Imelda, nakangiting nakatingin si Ferdinand sa kanila.

"Don Vicente, dapat malaman po ito nang pamahalaan gagawa po ako nang kasulatan upang malaman ito ng presidente para na rin po sa kaalaman dahil lingid po sa kaalaman nila na ikaw po yata ang puntirya nila" wika ni Ferdinand.

Napaisip sandali si Don Vicente tumango siya nang ilang ulit, "Ngayon ko lamang naisip iyon pagkatapos ako iligtas nang kutsero namin hindi man lamang agad ako nakapag pasalamat lubos akong natutuwa sa mga mabubuting loob na may pakialam pa rin sa amin" nakangiting wika ni Don Vicente.

Muli namang napatingin si Ferdinand kay Imelda na may pinahihiwatig ito sa tingin pa lamang, napangiti naman si Imelda kay Ferdinand halos hindi makalimutan ni Imelda ang mga malalambot na kamay ni Ferdinand na humawak sa kaniya kanina hindi niya mapigilang hindi mapalingon kay Ferdinand dahil sa kabutihang ipinamalas nito kanina na niligtas siya sa kaguluhan.





******************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan ang kabanata 22! Sana ay huwag kayo magsawang sumuporta sa aking story wait niyo po ang ibang kabanata at mga susunod kong story ulit na iupdate.

Pakibasa ang "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) & "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) please vote and comment.

Don't forget to vote and follow me!



SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon