Kabanata 23

125 6 0
                                    

Filipinas, Abril 17,1954 (Ang Lihim na Kasal)

Maagang nagpagising si Imelda nagdahilan lamang siya na may pupuntahan sila ni Ferdinand at kailangan niyang maagang pumunta doon sa kanilang patutunguhan.

Nakangiti siya habang nagbababad sa tubig hindi niya mawari tila isang engrandeng kasal ang magaganap ngunit kahit lihim ang kanilang kasal ay hindi pa rin hadlang iyon para sa kanilang pagmamahalan ni Ferdinand handa na siyang magsalita sa harap nang judge na mahal niya na si Ferdinand ngayon ang ika-11 nilang pagkikita na halos kilala na rin niya nang kaunti si Ferdinand.

Ilang minuto pa ay natapos din siyang maligo, suot niya ang puting baro't saya na talagang ikinaganda niya, nakasuot din siya nang panyeta at nakapaikot pa ang kaniyang buhok, suot niya ang puting bakya at may hawak din siyang puting abaniko.

"Ikinagagalak ko ang lihim niyong kasal, aking kapatid" wika ni Concepcion na halos mapunit na ang labi sa sobrang ngiti nito.

Napangiti naman si Imelda at yumakap kay Concepcion, "Mabuti ka pa may mapapangasawa ka na kahit lihim ang kasal ninyo samantalang ako" malungkot na tugon ni Concepcion.

"Ano ka ba, Ate Concepcion makakahanap ka din nang magpapatibok sa iyong puso" wika ni Imelda habang hawak ang mga kamay ni Concepcion.

Bigla namang pumasok si Alita na nakangiti, "Kapatid ko, maligayang kasal sa inyo ni Ferdinand sana kahit lihim magtagumpay kayo" wika ni Alita.

Napangiti naman si Imelda hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil kahit paano nariyan ang kaniyang dalawang kapatid na babae na talagang susuporta sa kagustuhan niya.

"Bueno, anong oras na pala, anong oras ba darating si Ferdinand?" tanong ni Alita.

Maya maya ay biglang dumating ang kanilang serbidora, "Binibining Imelda, nariyan na po si Ginoong Ferdinand" wika ng kanilang serbidora.

Bago makalabas ang serbidora ngumiti itong nakatingin kay Imelda tila nabatid nang serbidora ang kanilang lihim na kasal dahil sa ngiti pa lang nito.

Sumenyas si Concepcion na huwag maingay ang kanilang serbidora na tinanguan naman nito.




Pagbaba ni Imelda ay agad na napangiti ito nang makita si Ferdinand na nakasuot nang barong na puti at itim na pantalon, naka brush up din ang buhok nito at nakasuot nang itim na sapatos.

Inilahad ni Ferdinand ang kaniyang braso upang magpaalalay si Imelda sa kaniya, inalalayan ni Ferdinand na sumakay si Imelda sa kalesa agad ding pinatakbo nang kanilang kutsero ang kalesang sinasakyan nila.

Isang oras bago nila narating ang city hall na kanilang pagpapakasalan, nakangiti silang sinalubong nang pinsan ni Ferdinand, napangiti din si Imelda at Ferdinand nang makita ito.

"Halika na, naroon na ang judge na magkakasal sa inyo" nakangiting wika nito sa dalawa.

Agad na sumunod si Imelda at Ferdinand sa pinsan nito, pagpasok nila sa loob ay umakyat pa sila sa pangatlong palapag naghagdan na lamang sila paakyat dahil nais ni Ferdinand na ang oras nito ay na kay Imelda.

Pumasok sila sa unang pinto pag bukas nila ay nakita nila ang judge na magkakasal sa kanila.

"Goodmorning, tuloy kayo" nakangiting wika nang judge at itinuro ang upuan na dalawa na magkaharap.

"By the way, i'm judge Albert Ventura ikinagagalak ko ang inyong lihim na kasal" wika nito.

Ikinangiti naman nang dalawa ang kagalang galang na pagtanggap nito sa kanilang dalawa.

"Dearly, beloved we are gathered here today to join this man and this woman in matrimony" seryosong wika nang judge.

"Ferdinand, do you take this woman to be your wife, to live together matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, for saking all others, for as long as you both shall live?"

"I do" nakangiting wika ni Ferdinand habang nakatingin kay Imelda.

"Imelda, do you take his man to be your husband, to live together matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, for saking all others, for as long as you both shall live?"

"I do" nakangiting wika ni Imelda habang nakantingin kay Ferdinand.

Pagkatapos nang kanilang pag "I do" ay may pinaulit pa sa kanilang mga salita na dapat nilang ulitin at pakatandaan, pinaghawak din sila nang kamay at magkatingin na sila ngayon tila ba bumilis ang tibok nang puso ni Imelda.

"You may kiss the bride" wika ni judge Albert.

Nakangiting namang hinalikan ni Ferdinand si Imelda, hindi maiwasan ni Imelda dahil first kiss niya si Ferdinand tila ba kahit isang lihim lamang ang kanilang kasal ay saksi pa rin ito nang Diyos na nakatingin sa kalangitan.





Pagkalipas nang ilang linggo...

Tahimik na nakaupo sina, Imelda, Alita at Concepcion na nakangiting nagkukwentuhan maya maya bigla na lamang may papel na lumipad sa mesa nila napatingin sila sa kanilang likuran.

Naglalakad si Don Vicente na galit na galit na nakatingin kay Imelda, hinablot niya ang braso ni Imelda.

"Anong ibig sabihin nito?! Lihim na kasal?!" galit na tanong ni Don Vicente kay Imelda.

Tila naistatwa lamang si Imelda at hindi malaman ang gagawin sa paglipas nang ilang linggo na pag bisita ni Ferdinand sa kanilang bahay at paglihim nang kanilang kasal ay nalaman ni Don Vicente ang kanilang lihim na kasal.

"May iba pa bang nakaka alam nito?! Ikaw Imelda papupuntahin ko rito si Don Mariano kasama si Ferdinand ngayon kayo magsalita ukol sa inyong lihim na kasal" galit na wika ni Don Vicente.

Tahimik na napayuko si Concepcion, Alita at ang kanilang serbidora na nakaka alam nang lihim nilang kasal, hindi nila lubos maisip kung paano nalaman ni Don Vicente ang lihim na kasal ni Imelda at Ferdinand halos sa tatlong nakaka alam at sa pinsan ni Ferdinand ay hindi nagsalita ukol sa lihim na kasal nang dalawa.

Napatitig sa sahig at hindi makapag salita si Imelda dahil sa galit na mukha ni Don Vicente, tila nanginginig na nakatayo si Imelda at naurong ang dila.

"ANO?! WALANG SASAGOT SAINYO?!" galit na tanong ni Don Vicente.

Tila narindi ang lahat sa sigaw ni Don Vicente, hindi mawari nang iba kung anong nangyayari natatakot naman si Imelda na baka paghiwalayin lamang silang dalawa ni Ferdinand Marcos.





*********************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan ang Wakas! Salamat sainyong pagsuporta sa aking story abangan niyo rin po ang iba kong story na gagawin mag special mention ako sa last part nang wakas.

Pakibasa niyo po ang first story ko na "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) & "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) please vote and comment.


Mag u-update po ako mamaya baka gabi o hapon paki hintay na lamang po.

Don't forget to vote and follow me!



SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon