Chapter 38

163K 5.7K 7.3K
                                    

BWV

Ang sabi ni Wrangler ay 'love na love na love' niya ako pero heto at sumama sa lolo at lola niya noong pinangakuan siya ng mga ito na ibibili siya ng 'real dinosaur'. Hindi ko alam kung saan kukuha si Tito Blaze at Mama Amanda ng dinosaur pero hinayaan ko na rin silang maka-bonding si Wrangler.

I want my son to be comfortable around his grandparents, gusto kong makaranas siya ng normal na childhood kung saan lalaki siya dala ang memorya kasama ang lolo at lola niya kaya kahit na nagdadalawang isip ako na hayaan siyang sumama mag-isa kay Mama Amanda at Tito Blaze ay pumayag na rin ako.

The apartment is empty, sad and silent because Wrangler is not here. I miss my son already, this is the first time that he'll be far away from me. Malaki ang tiwala ko sa mag-asawa pero kinakabahan ako sa bunganga ni Wrangler dahil kung ano-ano ang sinasabi niya.

I decided to shop for myself, nilibang ko ang sarili ko sa pagbili ng mga bagay na gusto at kailangan ko, pumasok na rin ako sa salon para magpaayos ng buhok at mga kuko. Pagkatapos kong pumunta sa mall ay naisipan kong dumalaw sa condo ni Margaux at Donna.

Ano na kaya ang balita sa dalawang 'yon? Lately kasi ay hindi nagkakasabay ang mga free time namin kaya madalang kaming magkita-kita sa personal pero lagi naman kaming nagtatawagan.

Pagpasok ko pa lang sa building ng condo nilang dalawa ay nakasalubong ko na agad si Donna sa lobby, pasakay na siya sa elevator at mukhang kauuwi lang galing sa trabaho.

"Dons!" I called her, mula sa pagtitipa sa hawak na phone ay itinaas niya ang tingin sa akin. Mukhang nagulat pa siya na makita ako.

"Vanny?" takbo at lakad ang ginawa niya para makasalubong ako. "What brings you here?" She kissed my cheek.

"Dadalaw lang, boring sa apartment kasi wala si Wrangler." I told her, nasabi ko na sa kanya kanina sa tawag na sumama si Wrangler sa lolo at lola niya. 

Niyakap ko ang braso ni Donna at sabay na kaming pumasok sa elevator. Pagbukas pa lang ng pintuan ng unit nila ay bumungad na agad sa amin si Margaux na nakaupo sa sofa. Halata ang gulat sa mukha niya nang mapansing kasama ako ni Donna, agad niya kaming sinalubong ng yakap.

"Nakasalubong ko sa lobby, dadalawin daw tayo," tukoy ni Donna sa akin bago siya pumasok sa loob ng kuwarto niya para magbihis.

"Buhay ka pa pala?" Margaux said in a jokingly manner.

I chuckled. "Busy ako sa Med School."

Pinaupo niya ako sa couch habang siya naman ay kumuha ng maiinom namin sa ref, saktong pag-alis ni Margaux at lumabas naman si Donna sa kuwarto niya at tumabi sa akin.

Pagbalik ni Margaux ay naglapag siya ng ilang bote ng vodka at tequila sa harapan namin. Biyernes naman ngayon at wala kaming trabaho at pasok bukas, wala ring Wrangler na maghihintay sa akin sa apartment kaya naman sinulit ko na ang pag-inom.

Nag-kwento ako sa kanila tungkol sa mga nangyari noong mga nakaraang araw, kung paano nakita ni Tito Blaze si Wrangler, kung paano pumunta ang mag-asawang Reiflers sa apartment namin at kung ano ang naging reaksyon ng anak ko.

Hindi ko mamamalayan na halos maubos ko na ang isang bote ng vodka. Kung hindi pa ako inawat ni Margaux at Donna ay baka hindi ko na naman mapigilan ang maglasing, ang problema kasi ay mahina lang ang alcohol tolerance ko at hindi ko na naaalala ang mga ginagawa ko kapag lasing.

Pakiramdam ko ay nahihilo na ako, hindi na rin ako makapag-isip ng tama at kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig ko. "Masarap pero mahirap kasing maging ex ang mga Reiflers na 'yan."

"Tara na, matulog na tayo," anyaya ni Donna, pilit niya akong hinihila patayo pero nagmamatigas ako.

"Ang sarap sabihin na ex ko siya kasi tingnan mo, ang sikat-sikat na n'ya oh." Itinuro ko ang wallpaper sa phone ko, picture 'yon ni Blare.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon