Chapter 155

812 40 4
                                    


Kusang nagbukas ang pinto ng isa sa mga opisina ng Palasyo ng Thilawiel na 'yon din ang dahilan upang bumaling doon ang kasalukuyang emperador, si Emperador Hadden Cairon na nasa kalagitnaan ng pagiging abala sa pagpipirma ng iilang dokyumento. Pero dahil inaasahan niyang bisita ay huminto siya't seryoso ang tingin niya sa mga bagong dating. Nasa gilid naman ng kaniyang mga mata ang emperador at ang emperatris ng Cyan, ganoon ang mga namumuno ng Oloisean, Severassi at Jian Yu na kanina pa nanatili sa silid na ito dahil mismong siya ang humingi ng pabor sa mga kilalang namumuno kung ano ang mga dapat gawin ng isang tulad niya. Kahit na sa maiksing panahon man lang ay kinakailangan niyang panatilihing nasa ayos ang Thilawiel hanggang sa makabalik sa mundo nila ang mga dugong bughaw ng limang Imperyo.

Tumambad sa kaniya ang dalawang kabalyero. Ang mga mismong personal na tagapagbantay ng kaniyang hipag, sina Ramas at Raymound. Kung hindi siya nagkakamali ay tumaas ang ranggo ng mga ito dahil na rin sa tulong ng prinsesa na tagapagmana, hindi lang 'yon. Dahil ng nasaksihan niya kung papaano makipaglaban ang mga ito noong nasa Azmar palang sila, ay nakikitaan nga pambihirang talento ng mga ito sa sining ng pakikipaglaban. Nang araw ding 'yon ay napagtanto niya kung bakit ang mga ito ang isa sa mga pinili nina Rini at Otis na sumali sa isa sa mga paligsahan na 'yon. Dahil sa sitwasyon na kinahaharapn ngayon ng bansa at ng Imperyo, naisip niya na malaking tulong ang maibibigay ng dalawang ito lalo na sa ibibigay niyang misyon para sa araw na ito.

Mabilis siyang tumayo. Dinaluhan niya ang mga inaasahan na bisita. Nang nasa harap na siya ng mga kabalyero ay agad ding lumuhod ang mag ito sa harap niya. Tila malaking karangalan para sa mga ito na makita at mismong siya ang nagpatawag sa mga personal na tagapagbantay ni Rini.

"Binabati po namin ang kamahalan, ang mahal na Emperador." magalang at sabay na pagbati sa kaniya. "Gayundin ang mga Pamilyang Imperyal." tukoy nila ay ang mga emperador ng apat pa na Imperyo.

"Maaari na kayong tumayo." nakangiti niyang sagot.

Sinunod siya ng dalawang kabalyero. Hindi niya maiwasan na mapunan ang mga kaharap na mas naging pormal ang mga ito. Kahit na sabihin natin na karaniwang mamamayan ang mga ito ng Thilawiel, na mula sa kanilang pinanggalingan ay may bahid na pagiging marangal. Sa kadahilanan na nagiging maingay na din ang pangalan ng mga ito na resulta ng pagsali sa malaking paligsahan. "Ipinatawag ninyo daw po kami, kamahalan." si Ramas ang unang nagsalita sa dalawa.

Agad siyang tumango. "Tama, ipinatawag ko nga kayo dahil may ibibigay akong misyon para sa inyong dalawa." walang alinlangan niyang tugon. "Kung nakikita ninyo na naririto din ang mga namumuno ng apat pa na Imperyo, na rason ay malaking misyon ang isasagawa natin."

Parehong natigilan ang dalawa sa naging pahayag niya. Tama, nang una pa nga lang talaga ay nagtataka sila kung bakit naririto ang iba pang namumuno mula sa apat pa na malalakas na Imperyo, ang buong akalain nila ay ang tanging Emperador Hadden lamang ang nagpatawag sa kanilang presensya. "Anumang misyon na ibibigay ninyo sa amin ay malugod po namin itong tatanggapin."

"Pero bago 'yan, kailangan ninyo munang malaman ang nilalaman ng misyon." rinig nila ang boses ng pinakamalakas na emperador, si Emperador Vencel ng Cyan, ang mismong ama ng prinsesa na kanilang pinagsisilbihan! Hindi man nila masyadong nakakahalubilo ang malakas na emperador, ay alam nila kung gaano ito kaseryoso at nakakatakot dahil sa pambihira nitong lakas kahit na hindi pa ginagamit nito ang mismong mahika para kumtil ng ilang buhay at talunin kung sinuman ang makakalabn nito! Gayunpaman ay pilit nilang maging kalmado nang harap nila nag mga emperador. "Sa aking palagay ay aabutin kayo ng ilang araw sa trabaho na ito."

Isa-isa nang lumapit ang mga emperado sa mahabang mesa kung saan sila magpupulong. Dumapo ang paningin nina Ramas at Raymound sa direksyon na 'yon. Tumambad sa kanila ang mga nagkakalat na mapa at iilan pang mga dokyumento. Dahil na rin sa kuryusidad ay nilapitan nila ang mahabang mesa. Sa huli ay nagawa na nilang umupo at pakinggan ang mga susunod na sasabihin ang mga kaharap.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon