CHAPTER 40

42.5K 1.1K 69
                                    

MADELINE


     "GOOD MORNING BOSS MADAM." Mukha agad ni Karson ang bumungad sakin ng magising ako. "Ang sarap gumising ngayon, kayo ba naman ng mga bata ang mabubungaran ko."

"Nasan ang mga bata?" Tanong ko at naupo sa kama.

"Bumaba." Hinalikan ako nito sa labi. "Boss Madam, baka naman."

"Umiral na naman 'yang kaibigan mong Anaconda." Kinurot ko ang talong niya. "Tigas ah?"

"I'm always horny when it comes to you–"

"–Papu! Mamu!"

Bagsak ang balikat nitong nilingon ang mga bata. "Hey twins."

Sumampa ang kambal sa kama at pumagitna sa'min.

"Mamu, may nigawa kami ni Slex." Bumungisngis si Nlex. "Siguradong magagalit kayo ni Papu."

"Ano na naman yun?" Pinagningkitan ko sila ng mata.

"Kasi ano po." Nagkamot ng batok si Slex. "Hehe."

"An–"

"–KAMBAL!"

Mabilis na nagtalukbong ng kumot ang kambal ng marinig namin ang sigaw ni Momshie T.

Yup, nandito sila sa bahay nila Karson dahil binisita nila kami. Sila Mama naman ay umuwi na sa probinsiya, bibista na lang daw sila ulit

"Nasa'n ang kambal?" Salubong ang kilay na nameywang si Momshie T.

"Ano bang nangyari Momshie T?" Tanong ko

"Yung mga Anak n'yo, nilagyan ng sili ang panty ko!" Tili nito. "Namamaga ang talong ko punyeta!"

Ay, may pinagmanahan

"Kambal." Seryosong tawag sa kanila ni Karson kaya mabilis silang napaupo ng maayos. "Masama ang ginawa n'yo diba? Anong gagawin n'yo?"

"Sorry na po Mother There." Nakangusong sabi ni Slex. "Sorry na po."

"Oo nga po, sorry na po." Sabi naman ni Nlex. "Hindi na po maulit promise."

"Matitiis ko ba kayo?" Nag-flip hair ito kahit panot. "Naku, pero kapag inulit n'yo yun, papaluin kona kayo."

"Opo!"

Lumabas ng kwarto si Momshie T.

"Twins, don't do that again okay?" Pangaral sa kanila ni Karson. Mabilis na tumango ang dalawa. "Madeline, ikaw din."

"Luh? Bakit nadamay ako? Hindi ko gawain yun."

"Really? You do that thing to my Mom right?"

Umiwas ako ng tingin at sumipol sipol.

"Wait." Tumayo sa kama si Slex at kumembot kembot. "Papu, ngayon tayo magpunta sa amusement park diba po?"

"Yes, later." Hinila nito si Slex paupo. "Wag kang tumayo malapit sa gilid baka mahulog ka."

"Papu, I'm not tanga like Nlex."

"Magsikain na lang tayo." Bumaba ako ng kama. "Maghilamos lang ako."

Pumasok ako ng C.r, naghilamos at nagmumog ako bago lumabas.

"Tara na." Aya ko sa mga ito

Nagpabuhat naman ang kambal kay Karson, lumabas kami ng kwarto at bumaba.

"Sakto kayo." Nakangiting bungad samin ni Momshie Karlina. "Katatapos ko lang magluto."

"Wow, salamat Lola po." Sabay na sabi ng kambal at naupo.

"Halika na, kain na tayo."

Nagsiupo kami at nagsimulang kumain.

"Kailan kayo lilipat sa bahay mo Karson?" Tanong ni Momshie Karlina dito.

"Maybe kapag nandito na si Jomela, hintayin muna naming magkaron ka ng kasama bago kami umalis." Sagot ni Karson. "Jomela will stay here with Jomuela."

"Ano ba kayo, wag n'yo na akong isipin. Kasama ko naman si There at Boobay."

"Naku, hindi kami papayag ng ganon." Ako na ang nagsalita. "Kahit masama ugali mo noon parang si Jomela, hindi ka namin iiwan."

"Masama din naman ugali mo." Nakangiting sabi nito sakin

"Nahawa lang ako sa inyo."

Nagpatuloy lang kami sa pagkain.


  MABILIS NA lumipas ang oras, alas five na ng hapon, at ngayon ay nasa byahe kami patungong amusement park.

"Papu, ang ganda dito." Masayang sabi ni Nlex. "Daming chicks."

"Daming chupapi!" Sabi naman ni Slex..

"Wag kayong malantod." Hinawakan namin sila ni Karson. "Wag din kayong gala, aba kapag nawala kayo sa paningin namin iiwan na namin kayo."

"Hindi n'yo po kaya yun." Siguradong sabi ni Slex.

Pumasok kami sa loob, una agad kaming nagtungo sa mga laro na makakakuha ka ng prize.

"Slex, titira ng Tres." Shi-noot ni Slex ang bola na agad pumasok. "Chupaping nasa harap ko, napa-yes."

Mahina ko itong binatukan. "Napakalantod mong bata ka!"

"Wag mo akong ipahiya sa future manugang mo." Hinarap nito ang lalaki. "Chupapi, pwede bang ikaw na lang ang prize ko."

"Magpatuli ka muna Totoy." Tawa nitong sagot

"Ang pangit mo, laklakin mo 'yang prize mo!"

Hinila kami paalis doon ni Slex.

"Yan, landi pa."

Sumakay kami ng mga rides, kung ano anong trip ang ginawang mga bata hanggang sa mapagod at makatulog na lang.

"Nag aya dito sa ferris wheel dahil gusto daw tingnan ang view tapos tulog naman." Napailing na lang ako

Nakasakay kami sa ferris wheel, yung dalawang bata ay tulog sa bisig ni Karson.

"Nasabi ko na ba sa'yo Boss Madam na ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko?" Ngumiti ito sakin. "Tuwing kaharap kita, nakikita ko ang future na kasama ka, tuwing kaharap kita iniisip ko nasa simbahan tayo habang suot ang kasuotang simbolo na mag asawa na tayo."

"Boss Madam, sorry sa lahat ah? Dapat hinanap kita at hindi agad nagpadala sa galit ko." Dagdag pa nito.

"Kalimutan na natin ang nakaraan." Hinawakan ko ang kamay niya. "Magsimula ulit tayo ng panibagong kabanata kasama ang mga Anak natin."

"Mahal kita Boss Madam, ikaw lang talaga, mula noon hanggang ngayon."

"Mahal din kita Boss Karson, kailan man hindi ka napalitan sa puso ko."

Ngumiti ako at hinalikan siya, kasabay non ang pagputok ng fireworks na makukulay..







A/N: LAME BA?

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon