PROLOGUE

1.2K 22 0
                                    

"Where do you think you're going?" nakataas ang kilay na tanong ni Chaste habang mahigpit na nakahawak sa aking pala-pulsuhan.

"Home," simpleng sagot ko, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil ang gago kahit ilang taon na ang nagdaan, guwapo pa rin!

"You are just leaving like that? Na parang walang nangyari?" tanong ulit niya, bakas sa kaniyang boses ang pagka-inis.

"Bakit? Anyare ba?" pilosopong tanong ko na siyang lalong kinainis nito sa akin.

"After all those years Aesira, really?! Aalis ka nanaman ng walang pasabi man lang?!" mariing anito, siguro kung kami lang dalawa ay baka nasigawan n'ya na ako but he's doing his best to control his anger dahil nasa mall kami.

"Aalis na ako," matabang na sambit ko. "Okay na nagpaalam na ako."

Hindi makapaniwalang napatungin sa akin si Chaste, sinamantala ko ang gulat niya, mabilis kong inalis ang kamay nitong nakahawak sa aking pulsuhan saka mabilis na naglakad palayo sa kaniya kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.

"Humanda ka sa aking babae ka kapag nagkita tayo, mata mo lang ang walang latay!" kinilabutan naman ako sa pahabol niyang iyon pero pinili ko na lamang na huwag pansinin dahil ibang latay ang rumerihistro sa madumi kong pag-iisip.

"Sana huwag na tayong magkita pa Chaste, Hindi ko na kakayanin pa."

SeductiveLau

To be continued...

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now