CHAPTER ONE

1K 15 0
                                    

After a very tiring day ay nakauwi na rin ako, nadatnan ko si Mama na naghahanda ng hapunan at si Papa naman ay nakaupo sa sofa.

"Ma, Pa nandito na po ako," paalam ko saka nagmano sa kanila.

"Oh, Aesira anak kamusta ang practice niyo?" tanong sa akin ni Mama.

"Ayos naman po Ma,nakakapagod pero masaya naman po, " I answered.

"Saktong-sakto matatanggal iyang pagod dahil nagluto ang Mama mo ng paborito mong ulam," sabi naman ni Papa habang naka-yakap sa likod ni Mama na naghahanda ng hapunan.

"Nako Alex, umayos ka nga at maupo ka roon para maayos na itong hapunan natin," asik ni Mama kay Papa.

"Asus, ang Mama namumula," pang-aasar ko.

"Kare - kare!" excited ko sambit, kumuha ako ng kutsara at tinikman ang special kare-kare ni Mama. Napapikit ako nang lumapat ang lasa nito sa aking dila, the best talaga ang luto ni Mama.

"Oh, siya manalangin na at ng makakain na tayo," sabi naman ni Mama na agad naman naming sinunod, si Papa ang nag lead ng prayer.

"The best ka talaga Ma! Walang kupas ang luto mong kare - kare," papuri ko kay Mama habang nagsasandok ng kanin.

Our dinner went well, panay asaran sina Mama at Papa at panay naman ang tawa ko sa tuwing mapipikon si Mama. This two, they are my gem. Simple lang ang buhay namin, si Papa ay isang manager sa Jollibee habang si Mama naman ang nagpapatakbo ng restaurant namin, hindi iyon ganoon kalaki at talagang ipinursue lang ni Mama dahil hobby niya ang pagluluto, kahit papano ay sumasapat iyon sa pangangailangan namin, hindi ko na kailangan pang magtrabaho para makapag-aral gaya ng ibang mga kakilala ko. I'm lucky to have a responsible mother and father.

The whole week was a tiring dahil sa practice at mga sabay-sabay na exams buti na lang talaga at kinakaya ko pa at hindi pa ako nababaliw. Last day na ng practice namin for the perfomance on the upcoming thanksgiving tomorrow.

"Blissey! Ready ka na ba tomorrow?" tanong no Cedy sa akin.

"I'm always ready saka magkakasama naman tayo," kibit-balikat na sagot ko.

"Get ready na guys for the last preparation," sigaw ni Bok. "In 5 minutes"

Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto para sa last practice.

"5.4.3.2.1. and 1.2.3.4.5.6.7.8. "

Inabot kami ng 10:30 pm dahil bukas na nga ang performance namin kailangan malinis na ang mga steps and everything.

"Ihatid mo ako," marahan kong hinila ang damit ni Bok dahil hanggang ngayon ay pikon pa rin ito sa panlalandi ko sa kaniya.

"Kapag ako nilandi mo, ihuhulog kita sa tulay!" banta niya sa akin na ikinatawa ko ng mahina. Itinaas ko ang kanang kamay ko sa anyo ng panunumpa bilang tanda ng pangako na hindi ko siya lalandiin, mahirap na baka ihulog nga ako.

"Tito, Tita, nandito na po si Aesira wala pong kahit anong galos pero siraulo po," natawa si Mama at Papa sa pagdating namin ni Bok, aliw talaga sila kay Bok.

"Kumain na ba kayo? Kumain na kami ng Mama mo Aesira, kayo na lang ni Bok ang kumain doon," tumango ako at hinila si Bok sa kusina, alam ko naman na hindi ito tatanggi eh.

"Sunduin mo ako bukas ha," paalala ko kay Bok habang inaabutan siya ng plato.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na rin si Bok, ako naman ay nagderetso na sa kwarto ko para makapahinga, hindi na ako naligo, nagpalit na lang ako ng damit at nag skin care.

Kinabukasan ay naghintay na lang ako sa oras, inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng mga activities ko na naiwan habang hinihintay si Bok na sunduin ako. 5PM ang simula ng event sa event center na nasa bayan, 4:30 daw ako susunduin ni Bok para makapag ready na kami dahil sa mga costumes na isusuot pa.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now