Chapter 39: Mystic Palace

51.5K 1.2K 29
                                    

Chapter 39: Mystic Palace

"Okay ka lang? Sabihin mo lang kung pagod ka na." I looked at Wren who's walking beside me and nod. Nasa otherworld na kami at naglalakbay papunta sa Mystic Palace. Naghiwa-hiwalay kami dahil baka makadrag kami ng atensyon sa mga vampires na nakakalat dito. Nahati kami sa ilang grupo kaya sina Syndrie, Yumi, Yuki at Wren lang ang kasama ko.

Since burado na ako sa mortal world, pati sa Finelry hindi na rin ako kilala kaya hindi na kami nahirapang umalis. It hurts because my whole existence in the mortal world was erased. Parang isa lang akong application na pinagsawaan na at saka binura sa phone. Pero ayos lang. Alam ko namang aalagaan ni Cyrus lahat ng naiwanan ko. Siya ang pumalit sa'kin. Siya na ngayon ang anak nila Mimi at Didi at siya na rin ang top student ng Finelry. Hindi ko na pinasama sina Mishie at Nijel dahil gusto kong bantayan rin nila si Dad.

Bago kami umalis, pumunta muna kami sa office ni Dad para magpaalam. Gusto niya pa nga sanang sumama but I can't let him. Not now. Kailangan ko munang ibalik ang Lairhart sa dati pati na rin ang otherworld. In that case, mas makakasigurado akong pwede na silang bumalik.

Wala akong ibang dinala bukod sa vampire book na binili ko dati. Nakalagay lang 'yon sa cloak na binigay sa'kin nila Jae Kyline. Kaya kasi nitong magtago ng mga bagay na importante. Pagkarating ko sa Mystic Palace, uumpisahan ko na 'tong basahin.

Pinakapakiramdaman ko lang ang paligid dahil baka may bigla nalang sumulpot na vampire sa harap namin. Ilang minuto palang naman kaming naglalakad pero pakiramdam ko, ilang oras. Isabay pang ang dilim dilim dito sa otherworld.

"Wait." Napatigil ako sa paglalakad kaya napatingin silang lahat sa'kin.

"Bakit Missy?" Yumi asked.

"Zy?" Kunot noo lang si Syn na nakatingin sakin.

Pinakiramdaman ko pa ang paligid. Alam kong may nagmamasid sa'min. Hindi lang isa. Napatalikod ako sa kanila nang makaramdam ng ilang bulto ng vampire sa likod. We all know na hindi magiging madali ang paglalakbay namin. Kaya handa kami.

"They're here." Pagkasabi na pagkasabi ko nun, biglang naglabasan yung mga vampire. Nagulat ako dahil sobrang dami nila at pinalilibutan nila kami. Ang sabi sa'kin nila Jae Kyline, kapag may nakaharap kaming vampires, wag na wag akong gagamit ng dark magic o vampire skills dahil malalaman nilang isa ako sa kanila. Hindi naman nila alam na pure blooded sorceress ako at ako ang prinsesa. At sigurado akong papatayin nila ako kapag nalaman nilang vampire ako at tumutulong ako sa mga sorceress.

Nagulat ako nang may wolf na biglang humarang sa harap ko. Si Wren. Ngayon ko lang siya nakita sa transformation niya. He's looking dangerously straight at the vampires in front of us. Napatingin naman ako sa likod at nakita ko si Syn na may hawak na broomstick. Nakatutok ang ulo nun sa mga vampires na nasa harap nila. Samantalang sila Yumi at Yuki naman, bumalik na sa pagiging maliit nila. Alam ko kung gaano sila kaliit, mas malakas sila.

Bumalik ang tingin ko sa mga vampires sa harap namin ni Wren.

"Buhay pa pala ang mga alipin." Ani ng lalaking vampire habang nakatingin sa'min. Kung ibabase sa mortal world, mukha siyang drug addict pero malaki ang katawan niya.

Inangilan naman siya bigla ni Wren pero natawa lang siya. "Sugurin sila!" Utos niya sa mga minions niya. Pati sila Wren, sumugod na. Habang ako, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Pabalik balik lang ang tingin ko sa mga kasama ko pati sa mga vampire na kalaban nila. Ano bang dapat kong gawin?

Nagulat ako nang biglang may vampire na sumulpot sa harap ko. Napaatras ako dahil palapit siya ng palapit sa'kin. Hindi ako makapag-isip. Gulung-gulo ang utak ko.

"Zeira!"

Ang sabi nila, wag akong gagamit ng kapangyarihan ko bukod sa pagca-cast ng spell. Pero paano ko gagawin 'yun kung hindi ko alam kung ano'ng dapat? Paulit-ulit kong iniisip na mawala siya sa harap ko pero palapit lang siya ng palapit. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil mismong ako, nagpapanic.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon