CHAPTER THREE

716 13 0
                                    

It has been three days since the kiss incident between me and Chaste, I was doing my best para lang maiwasan ang lalaking iyon dahil bukod sa magnanakaw ito ng halik ay napaka-kulit din nito. Halos araw-araw ay may text ito o kaya ay tawag, hindi na ako nagtaka kung saan niya nakuha ang number ko, malamang ay hiningi niya iyon sa isa sa mga elders ng church.

Good morning, how about coffee before your first class?

Napairap ako sa salamin nang mabasa ang text na iyon ni Chaste, hinayaan ko lamang iyon at pinagpatuloy ang pag-aayos ko ng uniform, maya-maya pa ay nag-ingay na ang cellphone ko tanda na may tumatawag.

Chaste is now requesting a video call. Napahinga ako ng malalim saka iyon sinagot.

"Bakit?" I asked flatly.

"Agang cold baby, Good morning to you too," nakangiting bati ni Chaste.

"What do you want Chaste?" tanong ko nang hindi tumitingin sa camera, inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng bag ko.

"You. All I want is you," tinigil ko ang pag-aayos ng bag ko at saka tumingin sa camera ng cellphone ko at inirapan ang lalaking abot tenga ang ngisi.

"Dream on!" narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chaste pero hindi na ako nangahas na tumingin pa dahil maaakit lang ako for sure.

"For now yeah, I'll just dream on but you'll be mine soon," dinig kong anito na ikinataas ng kilay ko.

"Too confident aren't we?" I sarcastically asked, Chaste smirked kaya naman ang walanghiya ay mas lalong naging gwapo!

"Bakit ba pati sa video call hindi mo ako tinitingnan ng maayos?" inis na tanong ni Chaste.

"Syempre! kita mong nag-aayos ako ng gamit ko eh," sagot ko. "Ikaw na lang ang nang-aabala, demanding ka pa."

"Ang taray palagi, pag ikaw nahalikan ko tanggal 'yang angas mo," ipinakita ko ang nakakuyom kong kamao sa harap ng camera.

"Subukan mo Chaste, baka akala mo nakalimutan ko na ang ninakaw mong halik sa akin noong Sunday," seryosong sermon ko.

"Nakaw ba iyon? I thought you liked it too, hindi ka naman tumanggi eh," painosenteng anito.

"Liked my ass, nakaw iyon dahil walang permiso ko at isa pa paano ako makakatanggi eh hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataon na makatanggi pa?" isinakbat ko ang bag ko sa aking likod at sinara ang bintana ng aking kwarto. "End this call I'm off to school."

"Did I already told you that you look beautiful and hot in your uniform?" Chaste seductively asked.

"No, just now, and stop that seductive eyes of yours it's not funny," naiinis na sabi ko dahil hindi talaga nakakatuwa ang epekto noon sa akin.

"It's not funny because it's seductive baby," He stated. "Are you seduced?"

Nang umirap ako ay sinagot lamang iyon ng malakas na tawa ni Chaste.

"Want me to pick you up there and drop you to your school?" mabilis pa sa alas kuwatro akong umiling.

"No. Kasabay ko si Bok. I'll end this, bye," hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Chaste mabilis kong pinatay ang tawag dahil natanaw ko na si Bok na papasok ng gate namin. Lumabas na ako at ini-locked ang pinto, inabot ko ang puting helmet na ibinigay sa akin ni Bok saka kami sabay na lumabas ulit.

"Kala ko di mo na ako susunduin eh," kunwari ay nagtatampong sabi ko kay Bok habang pasakay sa motor niya.

"Tigilan mo ako Aesira, ang aga mo nanaman manlandi ha," maagap na saway nito sa akin kaya naman natawa na lang ako, pinulupot ko ang dalawang braso ko sa kaniyang bewang saka hinigpitan iyon.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now