Kabanata 46

852K 22.7K 13.1K
                                    


Kabanata 46

ANO BA ITO? Ang sakit ng mga kasu-kasuan ko? At saka ano ba itong malambot na nakadagan sa akin? Ganoon na lamang ang galit sa puso ko nang makitang unan itong bagay na nakapatong sa akin. Hinagis ko iyon at pinagtatadyakan nang makalapag sa sahig.

Ang walanghiyang unan na ito! Ilang beses naputukan ni Jumbo! Ako ang sumalo ng mga ulos ng lalaking ito na mahimbing pa rin ang pagtulog. Pero sa huli, dito pa rin niya sa unan ipinutok!

NPP should be implemented! Now!

Agad akong nagtungo sa shower room upang maligo. Nang makatapos ako, dali kong hinalungkat ang laman ng aking bagahe upang makahanap ng maisusuot.

Pero bakit wala iyong mga damit na paborito ko? Bakit puro yata sando ito na fitted at maiiksing palda? At saan kaya nanggaling ang mga ito?

Wala namang mangyayari kung magtatanong lang ako nang magtatanong sa isip ko dahil wala namang sasagot nito dahil sa isip ko lang ito. Ay ano ba ito? Bakit ang gulo ng isip ko? Siguro dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Ninenerbyus ako na may halong excitement sa isiping nakasiping ko lang naman ang isang Terrence Montemayor Saavedra! Masaya ako dahil girlfriend ako ng isang sikat na singer!

Ah, mali. Babysitter pala.

Sa huli ay pinili kong magsuot ng abo na sando kaya kita ang hubog ng aking katawan at cleavage. Maiksing palda na kulay itim naman sa pang-ibaba kung saan kitang-kita ang mapuputi at mahahabang kong mga hita.

Isang oras na yata akong palakad-lakad lang habang pinagmamasdan ang pantay na kulay na balat ni Jumbo ngunit hanggang ngayon ay malalim pa rin ang kanyang paghinga. Kunsabagay, sinong bang hindi mapapagod? Naka-limang rounds kami.

Nagpasiya muna akong maglibut-libot sa barko habang nagpapahinga pa si pogi. Since pangarap ko talaga ang makasakay sa Montemayor Ship na ito ay susulitin ko ang magandang view ng karagatan. Ang malakas na hanging ito na nagmumula sa dagat na dumadampi sa aking balat. Kahit saan ako lumingon, natatanaw ko ang malawak na espasyo ng barkong ito na nagdadala sa akin sa future.

Naalala ko tuloy iyong sumpaan namin ni Jumbo. Na balang araw, sasakay kami sa Montemayor Ship. At heto na nga iyon. Kaya nga lang, pakiramdam ko ay mag-isa lang akong nagdidiwang ngayong natupad na ito. Ibang Jumbo na kasi ang kasama ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagsisiyasat sa magandang view. Sa harapan ng deck ay nakikita ko ang ilang mga dolphins na nagtatalunan sa ilalim ng asul na kalangitan. Para nitong pinatatalun din ang puso ko sa sobrang kaligayahan. Naroon ang mga nanlalatang machong lalaki sa di kalayuan sa ibaba.

Mga machong lalaki?

Kumaway ang isa sa kanila at tinawag ako. "Hey, honey, come over here!" naka-short lang ito na satin at walang pang-itaas. Kulay ginto ang mahaba nitong buhok na nakapuyod.

Si Cloud!

Wala tuloy akong nagawa kundi ang lapitan siya. Este, sila pala. Kasama niya kasi si Macoy na hihikab-hikab habang umiinom ng beer. At tulad niya, wala rin itong pang-itaas kaya kitang-kita ko ang ang malalaking muscles nito sa braso.

Si Santi naman ay naka-sando na blue at abala sa pagpapaypay ng iniihaw nitong kalapit lang nila. Maiksi lang ang short nito kaya hindi nakaligtas sa akin ang magandang kutis ng balat nito.

Napaisip ako nang makita ko sa likuran nila ang malaking krus na tattoo. Nakita ko na ito noon na katulad ng nasa likuran din ni Jumbo. Ano kayang ibig sabihin ng mga krus na iyon?

"Have a seat." Iginiya ako ni Cloud sa upuan. Ang mga mata niya ay nakatutok sa dibdib kong malapit ng lumuwa dahil sa suot kong sexy sando.

Humikab muli sa harapan ko si Macoy. "This is T's fault. I should be in my bed by now because I'm so exhausted."

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon