Chapter 34: Welcome to my life

522K 15.3K 10K
                                    


Nate's POV

Ito na ba 'to? Groupless na rin ba si Warren? O namamalikmata lang talaga ako? Kung sakaling umalis na nga siya ng grupo, paano na ang basketball? Ang laking oportunidad naman ata ang tinalikuran niya para makasama lang kami. Sayang 'yun. Sobrang sayang talaga 'yun.

Lumapit sa amin si Piper at umupo na sa pwesto niya. Napatingin siya kay Hailey at tinuro 'yung damit niya.

"What happened?"

"Minalas lang kanina pero ayos na."

"I'll lend you my P.E. uniform."

"Don't worry. Kinuha na ni Tamara 'yung P.E. uniform niya tapos magpapalit na rin ako. Ayos na."

"Pipes, magkasama ba kayo ni Warren bumalik dito ng room?" tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya kay Warren na ngayon ay nakaupo na sa pwesto niya. Hindi siya dumiretsyo sa amin kaya posibleng hindi nga siya umalis ng grupo niya. Isa pa, kinakausap naman niya ang groupmates niya. Kaya baka hindi nga. Kaya lang nakita ko talaga 'yun e.

"Yeah," casual na sagot niya na parang normal lang na nangyayari ang bagay na 'yun sa araw-araw.

"Hindi kayo - "

"We got caught. I think? We bumped into Elle din kasi on the way here. Knowing her, super lakas ng radar niya when it comes to us. She's eyeing us and hoping that we'll make a wrong move para time na niya to put us on the line."

"Bakit kayo magkasama ni Warren?" tanong ni Hailey.

Tumingin sandali si Piper sa kaniya at saka nag-iwas ng tingin. Nagkibit-balikat siya at sumandal sa upuan niya, "Wala lang."

"Bakit ka niya hinahanap kanina noong nasa may greenhouse tayo?" tanong ko.

"We just feel like talking."

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko binibili ang sagot niya. Anong tinatago nitong si Pipes?

Nginitian niya ako at saka itinaas ang dalawang kamay niya, "Okay, okay. Hindi na. We were just talking about the rooms we cleaned last time. I accidentally heard his conversation kasi with their coach. According sa coach niya, ipapatawag daw tayo mamaya sa may POD to thank us for what we've done. Punishment man or hindi. We plan on surprising you sana kasi we managed to finish the task despite everything we've been through and kahit hindi pa tayo friends ulit that time. But since you know me too well and you know I'm hiding something from you, then I guess there's no point to lie na rin."

"Wow! Talaga?! Edi magpaparty tayo mamaya?!"

Hinila ako ng dalawa kaya napaupo ulit ako sa upuan ko. Napatingin sa akin ang mga kaklase ko kaya kinawayan ko silang lahat dahilan para makatanggap na naman ako ng mga irap.

"It's not really a party. Simple celebration lang."

"Celebration para saan?" tanong ng kakarating lang na si Tamara kay Piper.

"Celebration kasi nakarating ka na sa classroom sa wakas," biro ko sa kaniya.

For the nth time, nakatanggap na naman ako ng irap. "Kausap?" tanong niya sa akin at saka inabot ang paperbag kay Hailey at humarap kay Piper, "May ano?"

"Celebration for our freedom. Freedom from the rule and freedom from the punishment."

"Saan?"

"That's what we're trying to think about kanina. Kung saan tayo magcecelebrate."

Natahimik ang mga kasama ko at mukhang nag-iisip kung saan kami pwedeng magcelebrate. Napatingin naman ako sa gawi ni Warren. Nakikipagtawanan lang sa mga jocks ang loko samantalang itong tatlo nahihirapan mag-isip dito.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon