Chapter 9

406K 18.2K 23.7K
                                    

Chapter 9

Tangina.

So, paano na? Paano na 'ko makakamove-on nito? Paano ko siya tuluyang buburahin sa utak ko kung kaunting haplos, kaunting lambing, kaunting pungay ng mata, nag-back to zero na naman ako?!

Eh, kasi naman! Bakit ba siya umaarteng may pakialam siya sa 'kin?! Makahawak siya sa ulo ko parang hindi niya sinabing wala siyang nararamdaman sa 'kin, ah? Kung hindi ba naman gago! May girlfriend siyang tao tapos ganoon niya ako tatratuhin?! Ni hindi niya na inisip kung ano'ng mararamdaman ni Psyche!

"Mahirap talagang magmahal ng syota ng iba. Oh, sakit ng ulo maniwala ka . . ."

Nagsalubong ang kilay ko sa labis na inis. "Manahimik ka nga, Karsen! Wala ako sa mood marinig ang pagiging sintunado mo!"

She threw me a glare, her pinkish lips protruding. "Ang sungit! Ipinagluto pa naman kita ng corn soup para mawala 'yang hangover mo!"

I exhaled sharply. "Eh, kanta na lang ni Kobe ang kantahin mo. Hindi 'yang mga gan'yan."

"Ingay n'yo." Mill walked out of the room looking as if she'd just woken up. "Hindi ba tayo puwedeng magkaroon ng mapayapang umaga kahit isang araw lang?"

"Si Mari kasi, ang aga-aga, badtrip agad," reklamo ni Karsen.

"Ayun na nga, eh. Ang aga-aga tapos ang taas agad ng energy mo!" segunda ko.

Mill yawned. "Looks like someone woke up on the wrong side of the bed."

Mula sa pagkakaupo ay tuluyan akong humiga sa sofa. My head was throbbing, but I knew it wasn't because of the alcohol I had last night. May kliyente ako ngayong umaga pero parang wala ako sa wisyong magtrabaho. Ni hindi pa nga ako nakakapaligo gayong dapat ay naggagayak na ako.

My thoughts were clouded by Leon's words and actions, which made it difficult for me to focus. I just couldn't stop thinking about him. He said he'd come to get something, but what was it? At na kanino? Isa pa, he looked at my neck as if he wanted to devour it. Wala naman siguro siyang lahing bampira, 'di ba?

Jusko, ang gulo-gulo niya! Kung mas gusto niyang galit ako, dapat na ba akong magdala ng kutsilyo at saksakin siya?! He was wreaking havoc on my train of thought! Sinabi niyang hindi niya ako gusto! Tapos na dapat doon ang usapan! Bakit may pagpapanggap pang may concern siya sa 'kin?! Gawin niya dapat 'yon sa girlfriend niya!

"Argh!" I grunted as I covered my eyes with my lower right arm. "Upcoming finals dapat ang pinoproblema mo ngayon, Amari Sloane!"

"Bakit, ano bang pinoproblema mo?" tanong ni Mill.

The side of the sofa a little below my feet slumped a little, indicating that she had sat there.

Umiling ako. "Boses ni Karsen."

"Ate Kat!" agad na sigaw ni Karsen kaya napangisi ako. "Si Amari ampangit na naman ng ugali!"

"Hija, napakaligalig mo," panunukso pa ni Mill.

My grin widened. I could already imagine Karsen sulking.

Napaigtad ako nang biglang hampasin ni Mill ang hita ko.

Inalis ko ang braso na nakatakip sa mata ko at pinandilatan siya. "What?"

She shook her head as if I had disgusted her. "Kumilos-kilos ka na. Alas otso na, oh." Itinuro niya ang orasan. "May kliyente ka ng 9:30, ah?"

I scratched my head for a while before getting up reluctantly. I could feel my face being framed by my loose, untamed curls.

Wala ako sa mood umalis ng bahay dahil gusto kong humilata na lang maghapon at mag-isip. Kaya lang, hindi naman haciendera at tagapagmana. Hindi ako puwedeng magpalamon sa katamaran dahil marami akong gastusin. Isa pa, tuwing weekends na nga lang ako nakakapagtrabaho nang diretso, mag-iinarte pa ba ako?

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon