Kabanata 42

4.9K 338 39
                                    

May dalawa akong bodyguard ng lumabas kami ng hotel. Nakahawak rin sa baywang ko si Frosto. Hindi ako sanay ng ganito pero sabi ni Frosto ay ayaw na niyang malagay sa kapahamakan ang buhay ko. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit hindi nagkontak sakin sila Papa Max at Don Septimo. Ni hindi na iyon sumagi sa utak ko.

Tanging naiisip ko ay si lola. Bukod doon ay itong singsing na nakalagay sa aking palasingsingan. Kumikinang ito sa bawat galaw ko.

Nang makalabas kami ng hotel ay dire-diretso kami sa kanyang sasakyan habang nagpoprotekta ang mga body guards niya. Hindi ako sanay pero sa tuwing maalala ko na may gustong magpapatay sakin ay kinikilabutan ako.

Pumasok kami sa sasakyan ni Frosto. Kinabit niya sa akin ang seat belt at bumuga ako ng hangin.

Nakasuot siya ng dark gray na polo short at pantalon niya. Nagmumukha siyang uhmm. . . kakaiba. Napaka senswal niyang lalaki para sa akin. Hindi ko tuloy maisip na akin ba talaga ang lalaking ito?

Nashock parin ako sa usapan namin kahapon. Hindi ko aakalain na magiging ganito siya sakin sa kabila ng pambi-break ko sa kanya noon.


Hawak kamay kaming nasa loob ng kanyang sasakyan. Napatingin ako sa likod at nakitang nakabuntot ang kanyang body guards sa amin.

"Frosto, nakakahiya na talaga. Mahal ba iyong bayad mo sa kanila para lang bantayan ako?"

Tumigil bigla ang sasakyan.Nakita kong' traffic pala.

Nakakunot ang kanyang noo ng lingunin ako. Tila ba hindi ka pani-paniwala ang sinabi ko.

"Sol, kahit ilang milyon pa ang ibabayad ko sa kanila para bantayan kalang. Ikaw iyan. Ang babaeng sinasamba ko kaya hindi ka isang "lang" Sol. Don't ever underestimate yourself please."

Kinagat ko ang labi at ang aming magkahawak kamay ay dinala ko sa aking pisngi at dinamdam iyon.

"You're such a good person. So pure. Mataas ang tingin ko sayo kaya kung luluhod ako, luluhuran kita." kinagat niya ang labi. "Gabi-gabi sa kama."

Tila lahat ng luha ko ay umurong at uminit ang aking pisngi. Tila nakuha niya ang reaksyon ko kaya humagalpak siya sa tawa.

"A-Ang bastos mo! Nakakainis ka naman!" hinaplos ko ang dalawa kong' pisngi at nag iinit nga ako. Hay!!!

Bumaon ang mukha niya sa aking leeg at bahagya akong nakikiliti sa tumutubo niyang bigote.

“We'll do it eventually." paos niyang wika. Kinagat ko ang labi ko at tumango. Narinig ko siyang napamura. Naramdaman kong' lumayo siya sakin at tumuloy ang pag andar ng sasakyan niya. Lumuwang ang bahagyang traffic sa daan.

"A-Are you sure?" paninigurado niya. Sobra na ang pagkuyom ng mga kamay ko sa aking kandungan! Parang may mga paru-paro sa loob ng aking tiyan!

"O-Oo Frosto. P-Papakasalan mo naman ako d-di'ba? Tsaka mahal mo ako-"

"Yes! Sobra! Alam mo iyon! Pero kahit sabihin mong mahal mo ako, mas sobra yata ang pagmamahal ko sayo. Hindi masusukat ng sinuman. " sabi niya na malapad ang ngiti sakin.

Sa buong biyahe ay masigla siya. Ako naman sa kabilang banda ay kinakabahan. Ngayong araw ay ang araw ng pagkikita namin ni lola. Kaya kagabi si Frosto ay maraming kinausap sa cellphone niya dahil nga sa plano ngayong araw.

Sa Restaurant raw kami pupunta ngunit ng makarating kami ay tila ba mamahaling restaurant ito.

"A-Ang ganda naman dito." tinitigan ko ang suot ko. Nakaputing romper ako at wedge sandal. Maraming hinatid na mga damit ang kanyang inutusan kaninang umaga sa hotel para sa akin kaya nagulat ako sa dami nun’.





Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon