Chapter 14

1.5K 68 1
                                    

"Tara na, Elle! Baka ma-late pa tayo!" anyaya na lang ni Archie nang tuluyan nang pumasok si Rence sa kaniyang opisina.



Pumasok na lang din kami ni Archie sa klase namin matapos iyon at mabuti na lang ay hindi kami nahuli.



Mabilis lang tumakbo ang araw at ang mga oras, ang eksena sa klase namin ay ganito't-ganiyan. Mabuti nga at kahit papaano ay hindi ako iniinsulto ni Miss Deizel sa tuwing nagtuturo siya sa amin pero masama talaga ang tingin niya sa akin. Si Sir Uy naman ay hindi nagpapahalatang may alam siya sa amin ni Rence. Hindi niya ako sinusulyapan o tinutukso at mas piniling mag-discuss na lang nang propesyunal.



Nang umuwi ako kinagabihan sa mansyon namin ay wala na sina Mommy at Daddy. Hindi rin naman sila nakapagtawag sa akin at siguro, sinabi na ni Mommy kay Daddy iyong sinabi ko kanina sa kaniya. Napatampal pa ako sa aking noo nang biglang naalala na wala pa pala akong numero ni Clarence.



Nang matapos kasi ang klase ay dumiretso kaagad ako pauwi at hindi na dumaan sa opisina niya. I know that he'll bring up my conversation with my mother. Alam kong ayaw niyang nagsisinungaling ako para sa amin pero kasi, wala na akong maisip na ibang paraan, eh.



"Ma'am, bukas na lang po siguro kayo umalis," suhestiyon ni Emeline nang makita akong kabababa lang sa hagdan at may dalang bagahe. "Gumagabi na po kasi, Ma'am, at baka mapa'no pa po kayo, eh."



"No, I'll be okay," I said. "I'll call a cab na lang dahil hindi naman ako magdadala ng sasakyan ko," I added.



"Si Manong na lang po ang maghahatid sa inyo, Ma'am, gamit ang inyong sasakyan at babalik din siya rito dala ang sasakyan ninyo," wika pa ni Emeline at tinutukoy ang isang guwardiya. "Binilin po sa akin nina Ma'am Eve at Sir Matt na dapat masigurado naming safe po kayo, eh."



"Naku, sina Mommy talaga, eh," I joked and laughed awkwardly. "Hayaan mo na, Line, I can handle myself at tatawag ako rito para inform-in kayo na ayos ako at nasa mabuting kalagayan. Don't worry about me, hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko, eh."



"Sige po, Ma'am, ihahatid ko na lang po kayo sa labas at hihintayin na makapagsakay kayo ng taxi," ani na lang ng katulong sa akin.



At dahil mapilit siya, wala akong nagawa kung hindi pumayag na lang na ihatid niya ako sa may labas ng gate. Hindi pa naman madilim ang paligid, eh, kaya wala akong dapat ikabahala. Pagkauwi ko kasi kanina ay kaagad akong nagligpit ng mga gamit ko at nag-impake dahil ngayong araw kong naisipang umalis ng mansyon.



"Sandali lang, may tatawagan sana ako," pagpapaalam ko kay Emeline bago nilabas ang aking cellphone mula sa aking bulsa.



Nagtipa ako ng numero ni Prince at tinawagan siya. Alam ko kasing may numero siya ni Sir Evans o ni Clarence Jayv, eh. Kailangan ko lang tawagan si Rence ngayon kasi gusto kong sabihin sa kaniya na susunduin niya ako ngayon din.



"Ma'am, nagpatawag na po ako ng taxi." Rinig kong sabi ni Emeline sa likuran ko mayamaya pero inignora ko na lang siya nang sagutin ni Prince ang tawag ko.



"Oh? You called, Ellai?" ani ng kaibigan ko sa kabilang linya.



"Uhm... H-Hindi ba may number ka ni Re---S-Sir Evans?" Shit! Muntikan na talaga! "K-Kailangan ko siyang makausap ngayon, eh," dugtong ko pa.



"Ha? Bakit naman, Elle?" He sounded astonish. "Ite-text ko na lang din sa iyo at bakit naman kailangan mo siyang makausap?"



"M-May kasalanan ako, eh, m-magpapaliwanag sana ako sa kaniya kung bakit hindi ako dumaan sa opisina niya pagkatapos ng klase. K-Kailangan ko siyang makausap ngayon kasi ano... uhm... kailangan, eh."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now