Kabanata 66

18.2K 768 42
                                    

Kabanata 66

Parehas kaming naalimpungatan ni Nero sa maingay na tunog ng cell phone niya. He used to silent his phone during bed time. Marahil ngayon ay nakalimutan niya dahil na rin sa dinami ng ginawa buong araw.

He slightly got up and turned the lamp on the bedside table. Kumalat ang liwanag sa madilim na kwarto. Tiningnan ko ang digital clock na nasa ibabaw rin ng mesa at nakitang alas kwatro pa lang ng madaling araw.

I looked at Nero as he grabbed his phone. Ang liwanag mula sa screen nito ay nagawang ipakita ang pagkakasalubong nang makakapal niyang mga kilay.

"It's Gwyneth."

Tila nawala ang antok ko sa sinabi niya.

"Bakit ka niya tinatawagan?"

Nagkibit balikat siya. "You want me to answer the call? I'll put it on loud speaker."

Sa salita niyang 'yon, sa tono ng boses niya at parang ng pagtingin niya sa akin, para bang nag-aalala siyang may isipin akong hindi maganda tungkol sa kanila ng dati kong kaibigan. But I know him better than anyone else. Hindi siya ang tipo ng lalaki na mahilig magloko.

"Sagutin mo. This is the time for you to talk to her. Ayaw mo rin naman talaga siya kausapin ng personal."

"Because I don't think it's still needed. I am not obliged to explain everything to her. Moreso when it comes to us."

Bumuntonghininga ako nang magsimula na naman gumuhit ang iritasyon sa gwapo niyang mukha. Ayaw niya talagang pinag-uusapan namin ito. I once mocked him that maybe he's affected that's why he doesn't want us to talk about Gwyneth. Alam ko naman hindi. Iyon rin ang sinabi niya. He just thought that talking about someone who isn't part of our relationship or even our lives is plainly nonsense.

Hinablot ko ang cell phone niya dahil hindi pa rin 'yon nahihinto sa pag-ring. I pressed the answer button and immediately put it on loud speaker.

"Fuck." Nero cursed.

Iniabot ko ito sa kaniya ang cell phone niya at masama na kaagad ang tingin niya sa akin. Tumango lang ako hanggang sa marinig ko na ang malamyos na boses ni Gwyneth.

"R-Reon?"

The way she called his name sounded different to me. May kasama pa rin lambing. Halatang hanggang ngayon, umaasa pa.

"Are you there?" she asked.

Masama pa rin ang tingin sa akin ni Nero, para bang gusto niya na akong patuwarin ulit sa balkonahe sa mga oras na ito.

Chos lang. Hindi pa rin kasi ako maka-move on.

"Hmm. What do you need? It's too early for a phone call."

Kung ako siguro ang nasa lugar ni Gwyneth at ganoon ang tono ng boses na bubungad sa akin, baka ibaba ko na kaagad ang linya nang walang paalam.

"I'm sorry if this is too sudden. I just wanna ask if... is it really over for the two of us?"

Nero shut his eyes tight as if he's tired of that question. He massaged the bridge of his nose and unlocked them again with irritation. Pagod niya akong tiningnan.

Maaaring hindi niya rin inaasahan na itatanong pa ni Gwyneth 'yon dahil sobrang tagal na nilang tapos.

What made her hope after leaving him? Sa sobrang tagal at ni wala kahit na anong komunikasyon ang nangyari sa pagitan nila, bakit umaasa pa rin siya?

"I didn't expect to hear that question from you, Gwyneth. But I'm expecting that you already know the answer to that." Nero answered coldly.

"Si Isha na naman?! But I was your first! Sa lahat ng bagay ako ang nauna-"

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon