Kabanata 18

14.9K 827 658
                                    

"You can start tomorrow also Saturday and Sunday," Sir Kevin said.  "Your end of duty is ten in the evening kapag may pasok. Kapag wala naman, ang pasok mo ay ala syete ng umaga hanggang nine thirty."

Tumango tango ako habang may ngiti sa labi. Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo at pagtagilid ng noo.

"Uh, can I ask a question?" tumango ako sa kaniya, "what's that mask for?"

Bumuntong hininga ako at pinisil pisil ang daliri ko para pakalmahin ang sarili, "I h-have p-personal… uhm…" lumunok ako. "I… hav-"


"Oh, it's okay," he said softly and tapped my shoulders. "Isa akong mulawin, ikaw?"


Para akong binuhusan ng malamig na tubig doon. Umawang ang labi ko at hindi alam ang sasabihin. Tumawa siya at tumuon sa mesa para ibulong.

"Berde ang tunay na kulay ng mga mata mo," bulong niya at kumindat. "Asul ang mga mata ko, mata ng isang taong mulawin."

"I'm… an enchantrá," I gulped. "A-and a half sirene."

Suminghab siya at lumapad ang ngiti, "wow! Do you fly too?"

Nawala ang ngiti sa labi ko, "mermaids don't fly."


"No, I mean," humalakhak siya. "Enchantrá can fly. My cousin is a witch too, you know, powers… something like that."

"Oh…" my mouth formed into a letter O. "I don't know how to use my mana. I grew up with my mortal relatives."

Staring at his eyes, still can't believe that he's a Mulawin. Parang sinabi lang niya nang normal at walang pag aalinlangan! Maybe he sensed that I wasn't a mortal. Maybe?

"W-what's mulawin?" mahina at awkward kong tanong, "where are your wings?"

Nagkamot siya ng batok at inayos ang upo. Sumandal siya roon at bumuntong hininga.

"Lawin, malalaking ibon. Kakaunti na lamang ang natitira sa lahi namin sa bundok namin. Habang ang mga pakpak ko naman ay nakatago. May misyon kasi kami rito ng ilang mga Mulawin, kasama na roon ang kapatid ko at ako. Kailangan naming maibalik ang nawawalang Adarna sa bundok."

Tumango tango ako. Okay, I got it.

"Nauubos ang lahi namin dahil sa mga tao. Kailangan namin ang Adarna para maprotektahan ang bundok at makapag pagaling ng mga may sakit," napailing siya. "Pero hindi namin mahanap ang babae. We heard a news that she was working as a secret agent. Baka nga hindi pa niya alam kung ano ba talaga siya."

Same as my situation back then. Hindi ko pa talaga alam kung ano ako noon. Gulong gulo at isang hayop ang tingin sa sarili dahil doon. Mabuti na lamang ay nabunyag sa akin ni Dad iyon. Kahit papaano ay nalaman ko kung ano ako.


"I'm hoping that you'll find her sooner," I smiled.


Tipid siyang ngumiti at tumango. Hindi maalis ang tingin sa mga mata ko. I cleared my throat, "then… tanggap po ba ako?"


Tila natauhan siya at natawa sa sarili. He licked his lower lip and nodded at me, "yeah. You can start tomorrow nga. Congratulations!"


I gave him my sweetest smile and did a shake hands. Binawi ko agad iyon at nag iwas ng tingin. Ang mga mata, ang lagkit.

"Salamat po-"

"You don't need to say 'po' and 'opo' anymore," he cut my sentence. "I'm not that old. You can call me Kevin."

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon