Kabanata 19

14.8K 954 683
                                    

"Yeah, pour it," masuyo niyang sabi.

I slowly put the vanilla extract on the mixture bowl and looked at Kevin. He smiled at me and nodded his head. I continued mixing my bowl. I'm gonna make a simple cupcake.

Ngumiti ako nang magtama ang tingin namin ng isang katrabaho ko na babae. Nalaman kong isang chef pala si Kevin at ang kapatid nitong si Kev. Mabuti na lamang at nakilala ko ang magkapatid na ito.

"Continue doing that, I'll just check the others." sabi niya sa akin at lumipat sa isang puwesto kung nasaan naman ang isa pang tinuturuan niya.

Sinunod ko lamang ang mga sinabi sa akin ni Kevin. We did take a break time kaya naman pumunta muna ako sa employee's room para na rin kumuha ng meryenda kagaya ng ibang katrabaho ko.

I just grab a one cupcake and one glass of juice.

"Hara! Dito ka sa mesa namin!"

Nilingon ko ang paligid at nahihiyang naglakad palapit sa mesa ng apat na babae. Umisod sila para makaupo ako.

"30 minutes break time naman 'to. Mamayang alas otso, dinner naman," sabi ng babaeng may name tag na ang nakalagay na pangalan ay Richelle.

Ngumiti sa akin si Anne kaya ngumiti ako pabalik. Nagsimula silang magkwentuhan ngunit ako ay tahimik lamang.

"Ikaw, Hara? Taga saan ka?" agad kong nilingon si August.

"Taga Cuenca ako." agad kong sagot.

Kumunot ang noo ni Jillian, "saan doon? Taga Cuenca ako mismo."

"Ibabao." I answered and took a bite on my cupcake.

We quickly got closed to each other. Mukhang mga anak mayaman din ito dahil sa kung paano ito mag salita ng ingles at kumilos. We talked about so many things until the break time is done. Nagsibalikan na sila roon sa kusina ngunit natuon ang pansin  ko sa TV nang marinig ang apelyido ko.

"Guevara Natural Coffee Company, unti unti nang bumabagsak. Mga empleyado, nagrereklamo dahil sa hindi pagkakaroon ng suweldo."

Lumunok ako at kinuyom ang kamao nang marinig iyon sa reporter.

"Haka-haka ng mga empleyado na ang dating aktor na si Kyle Timothy Dos Santiago at ang anak nitong si Evan Dos Santiago ay pinagtulungang ilaglag ang kumpanya sa kadahilanang pagsugod di umano ng dating aktor sa kumpanya upang makipag usap sa CEO nito na si Harold Guevara makailang araw lamang bago magkaroon ng krisis ang naturang kumpanya."

Muli akong naupo sa upuan at sinapo ang aking sentido. Agad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko at napailing. They'll get mad at me... they will find out that it was all my fault...

"Wala na Sir, wala na po kaming nakukuhang sweldo sa kumpanya, eh." sabi ng isang empleyado sa TV. "Siguro magreresign na lang po kami at maghahanap ng ibang trabaho. Wala na po, eh... kailangan namin ng pang gastos."

Bumibigat ang paghinga ko nang makita sa screen si Lola. Hinahabol ito ng media. Hindi na malabong mapunta ang issue na ito dahil isa sa pinakamalaking kumpanya ang kumpanya ni lolo at dad. Isa pa, dating aktor si dad kaya naman ganoon.

"Sinubukan naming tanungin ng ilang katanungan ang asawa ng CEO na si Felicidad Guevara para kumpirmahin ang haka-hakang nasabi  ngunit napapalibutan ito ng kaniyang mga tauhan."

I drank my juice straight to calm myself and shook my head. I should not be scared anymore. Nasa mansyon ako, may mga tauhan at may mga nagpoprotekta sa'kin. I have guns and dad's men.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon