CHAPTER 2

296 16 6
                                    

Good image.

Dahil nga sa politiko ang aking ama, dapat ay maganda ang reputasyon niya sa mata ng mga tao. Dapat malinis ang pangalan nito, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na ang pamilya nito.

I was never one of the good girls in town. Alam iyon ng lahat. Mabait ako pero may limitasyon din ang pagiging mabait ko. I can tolerate one or two people, at hanggang doon na lamang iyon. Kaya naman noong pinakilala ni daddy si Eleanor Villegas bilang bagong kasintahan nito, pumait bigla ang pakikitungo ko sa kanya at sa babae niya.

No one can replace my dear mother's place. Hindi sa mansiyon namin, lalo na sa buhay naming mag-ama!

"Good morning, daddy," bati ko sa ama noong dumating ako sa hapag-kainan namin. Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman si daddy sa akin at pinaupo na ako. Tamad akong kumilos at hindi na binigyan pansin pa ang presensiya ni Eleanor na alam kong nakamasid sa bawat galaw ko.

"Aurora," tawag pansin ni daddy sa akin habang umiinom ako ng hot chocolate drink na inihanda sa akin. Maingat akong nag-angat nang tingin dito at hinintay ang dapat na sasabihin nito. "Hindi kami makakauwi ng Tita Eleanor mo mamaya. Nasa kabilang bayan kami para sa event at doon na kami magpapalipas ng gabi. Ayos lang ba iyon sa'yo?" tanong niya sa akin. "Gusto mo bang kausapin ko ang mga magulang ni Fiona para naman samahan ka ng kaibigan mo mamaya rito sa mansiyon?"

Hindi ako nakapagsalita at tiningnan lamang ang ama.

Wala namang problema sa akin ang mag-isa rito sa mansiyon. Sanay naman ako kaya walang kaso sa akin kung hindi sila uuwi mamaya.

"Huwag na po, daddy. Ako na ang bahala sa sarili ko po. Wala rin naman akong gagawin mamaya kaya baka magpahinga na lamang po ako," wika ko at nagpatuloy na sa pagkain ng agahan ko.

"Alright. Magiging busy din ako pero kung may kailangan ka, tawagan mo lang ang executive secretary ko." Tumango na lamang ako sa ama at napangiwi na lamang noong magsalita si Eleanor sa may gilid niya.

"Tumawag pala si Samiel kanina," anito na siyang ikinasama ko nang tingin sa kanya. Samiel... iyong kahalikan niya noong isang araw! "He's out of town right now. Hindi ito makakasama sa atin sa mga susunod na schedules mo."

"That's fine. We know how busy he is. Malaking tulong na rin iyong mga tauhang pinadala niya sa atin. Sapat na iyon."

Napakunot ang noo ko sa narinig mula kay daddy. They hired more men, and it was from that man, Samiel! Seriously? Talagang nakuha na ng dalawa ang loob ng aking ama!

Hindi na ako nagkomento pa at hinayaan na lamang ang dalawang mag-usap. Nakinig lang ako sa kanila at noong matapos na akong kumain, biglang may tumawag sa telepono ng ama. Napatingin ako rito at maingat na tumayo sa kinauupuan. Nagpaalam ito sa amin ni Eleanor at umalis na sa harapan namin.

Napabuntonghininga na lamang ako at kumuha ng tissue. Dahan-dahan kong pinunasan ang labi ko at noong nagkatinginan kami ni Eleanor, nagtaas ako ng isang kilay sa kanya.

"What?" naiirita kong tanong ko sa kanya. "May sasabihin ka?"

"Hindi mo ba kayang maging mabait man lang sa akin kahit sa harapan ng iyong ama?" tanong ni Eleanor na siyang bahagyang ikinatawa ko.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ko at umayos nang pagkakaupo. "Hindi ko kayang magpanggap sa harapan ni daddy. Kung kaya mong gawin iyon, puwes, hindi ko kayang lokohin si daddy. Hindi ko kayang magpanggap na ayos lang ang lahat kahit na ang totoo niyan ay nasusuka na ako sa presensiya mo."

"Aurora-"

"What?" matamang tanong kong muli kay Eleanor. "Huwag mo nang ipilit sa akin ang sarili mo, Eleanor. Kahit anong mangyari, hindi kita matatanggap sa pamilyang ito."

The Beauty's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon