(8) KANLUNGAN SA GITNA NG DILIM

14 5 0
                                    


"What are we going to do now?" tanong ni Misha. 

 May narinig silang tunog mula sa tiyan ni jasper.

"Pasensya na, hangin na lang ang laman ng sikmura ko."

 "Ipagpabukas na natin ang pagtawid ng bundok, may alam akong bahay na pwede nating pagpahingahan at pwedeng makikain. " suwestyon ni Gener. "Sumunod kayo sakin."

Sa pag-iwas ni Mitch sa matanda, nagpahuli ito sa grupo sa paglalakad. Malaki pa rin ang kanyang pagdududa sa kung ano ang pwedeng gawin sa kanya ni Gener. Napansin ito ni Teejay, kahit siya ay naninibago sa ama. Kahit kailan, hindi nya nasaksihan ang ganitong ugali ni  Gener. Sa haba nang panahon na hindi sila nagkita, inisip na lamang nya na maaari ang hirap ng pinagdaanan nito ng nawala silang magkapatid ang nagpabago sa ama.
                                             
"Sigurado akong hindi inabot ng tsunami ang bahay ni Pareng Lino, mataas-taas sa may bundok nya tinayo ang kubo nya. Sana nga lang, hindi nadali nang lindol." pahayag ni Gener habang nauunang naglalakad paakyat ng bundok.
Matarik, madulas at masukal ang kanilang dinadaanan.  Mainit sa gitna nang gubat, wala man lang hangin na dumadaloy  sa paligid.  Tanging ang liwanag nang buwan ang nagbibigay ilaw sa kanilang dinadaanan.   Ang hindi nila namamalayan, may nilalang na nakakubli sa dilim na lihin na sumusunod sa kanila.   
                               
"Are we there yet?"  hinhingal na tanong ni Misha.
"OO nga,  malayo pa ba? Halos hatakin ko na itong mga paa ko sa pagod."  Hinubad na ni Jasper ang damit sa sobrang init. Piniga nya ito sa labis na pagkabasa nang pawis.
                               
 "Basang-basa na nang pawis pati panty ko, ubos na yata ang tubig ko sa katawan.  Kung pwede nga rin maghubad tulad mo."    pahayag ni Martha habang pinupunasan niya ang loob ng blouse nang panyo dahil sa pawis.
                               
"Well, go on and do it. tayo-tayo lang naman dito, no judgement, promise. "  may ngiting hanggang tainga si jasper.
                               
" Leche!!!"   inirapan ni Martha ang lokong kaibigan. 
                             
  "Can you guys stop complaining! Dirediretso lang, makakarating din tayo run." pananalita ni Jason na makikitang nahihirapan na rin sa paglalakad, buhat nito ang batang si Liam, pasan-pasan sa kanyang likod.    Napatigil si Teejay at nakangiting tumingin sa mga kaibigan ng biglang may dumamba sa kanya. Sa bilis ng pangyayari, hindi nila gaanong maaninag kung anong halimaw ang umibabaw kay Teejay.  Kaagad na kinuha ng binata ang kanyang patalim at sinaksak ang nasa kanyang ibabaw sa may leeg nito ng apat na beses hanggang nawalan ng buhay. Dito lang nila nakita na isang inaheng malaking itim na baboy ang napatay ni Teejay. Itinulak niya ito sa kanyang tabi at dahan-dahang tumayo. .
                               
"Ang galing mo,Dude. Mula ngayon sayo na ako tatabi." paghanga ni Jasper sa ginawa nito.

 "Are you okay?" kaagad siyang nilapitan ni Misha at tiniyak na wala kahit galos ang kasintahan. 
                               
 "Alagang baboy ito ni Lino, nakawala. "   wika ni Gener.
 "Agresibo din tulad ng mga asong ulol na nakaharap ko sa bayan." sagot ni Teejay.
 "Tulad ng mga pogita na lumusob sa amin sa dagat."  dagdag ni Jason.
 "Not to mention yung mga crows na humabol sa atin."  sabi ni Martha.
 "Mukhang lahat ng hayop naapektuhan na rin nang kung anomang nakaapekto sa mga tao sa bayan." sumali rin  si Mitch sa usapan.
"Malapit na ang bahay ni Lino rito, doon na natin ipagpatuloy ang pag-uusap n'yo. Baka kung ano pang mababangis na hayop ang nasa paligid." suswetyon ni Gener. 
                                       
Maingat na silang nagsimulang maglakad.   Nakabantay ang mga mata sa madidilm na bahagi nang gubat kung saan na maaring may bumulaga na naman sa kanila na anomang hayop.  Hindi pa rin nila napapansin ang anino na sumusunod sa kanila na nakakubli sa dilim.

         Sa wakas, nakarating din sila sa lupain ni Lino.   Tahimik sa lugar,  walang ilaw sa loob nang kubo. 

"Pareng Lino! Si Gener 'to. Pare, gising ka pa ba? May mga kasama ako." sigaw ni Gener habang papalapit sa kubo. Sa kanilang  pauusisa sa lugar,  may napansin si Jason sa hawla ng mga manok.   

"Guys, tignan, n'yo? anong nangyari sa mga manok?"  

Lahat ay napalapit sa kulungan at nakita nilang lahat nang inahen ay putol lahat nang ulo at may kumain sa mga lamang-loob nito.  
                                     
"Shit! Hindi kaya may taong ulol na rin dito? pakiwari ni Jasper.
"Baka yung baboy kanina?" suswetyon ni Nadya.
"Thom, dumine na kayo, ng makapagpahinga na ang lahat." pag-aaya ni Gener na nakatayo sa harap nang pinto ng kubo.   

Sa pagpasok nang Kubo, sa may kusina sila bumungad. Kaagad na naghanap ng posporo si Gener para masindihan ang gasera sa mesa. 
                                     
"Walang tao dito, Mang Gener."  wika ni Nadya.   

Pinapasok ng dalaga si Liam sa silid at umupo naman ang ilan sa kanila sa sala.   

"Mabuti naman hindi nabuwag ang kubo na ito nang lindol."  sambit ni Teejay.
                                     
"Matindi ang ginawa naming pundasyon nito kahit gawa lang sa pawid. " sagot ni Gener.

May inabot itong sako na may lamang kamote kay Teejay.  "Ito lang ang nakita ko na pwede nating kainin.  Ang maganda rito mabigat sa tiyan,  kayo na ang maglaga at hahanapin ko lang si Lino."
                                     
"Tatay Gener, saan po ba an Comfort room dito?"  tanong ni Martha.
"Kasilyas ba kamo? dyan lang sa likod, kahit saan dyan sa likod basta tatabunan nyo lang pagkatapos."  paliwanag nang matanda.
"Wow! Total freedom!  Sama ko." nakangising wika ni Jasper.
"Freedom?! Freedom na makaboso ka! Tumigil ka nga! tinarayan ni Martha ang kaibigang lalaki.  "Mish, samahan mo ko.  Natatakot ako eh." 

Nang nakita ni Mitch na tumayo si Misha, sumunod din ito sa dalawa sa paglabas sa kubo.
Inako ni Nadya kay Teejay ang paglalaga nang kamote, dito na rin lumabas ang binata upang sundan ang ama. Sa kabilang gilid nang kubo niya natagpuan si Gener na may inalis na tabing sa  nakatagong mga garapon.  Ang napansin nya ay may mga mitsa sa ibabaw nito.

"Tay! Bakit may mga bomba dito?!" Mga desabog yan ha!" komento ni Teejay.
"Gamit namin ito ni Lino sa pangingisda." sagot ng Ama.
 "Alam nyo bang bawal yan?" tanong niTeejay.
 "Sabi ko nga sa'yo, kailangan naming kumapit sa patalim kapag kumakalam na ang sikmura mo."  paliwanag ni Gener.
"Pero yan ang dahilan kaya nauubos ang mga isda.  Yan ang nakakadagdag na dahilan kaya lumalaganap ang gutom dito."  mataas na ang boses ng binata kausap ang ama. 
"Hindi mo na ako kailangang sermunan, nasa huli nga ang pagsisisi di ba. Pero kailangan natin ito kung may haharapin tayong panganib sa daan."  muling paliwanag nang Ama.   

Saglit na natahimik ang anak.   "hahanap ako nang bag para paglagyan niyan. "  wika niya sa Ama.
Subalit bago pa nakaalis si Teejay, may narinig silang sigaw ng mga babae.  Kaagad nilang natukoy  sa may likod nang bahay nagmula ito.  Kumaripas kaagad ang mag-ama paunta sa pinaggalingan ng sigaw, nasalubong pa nila sina Jason palabas nang pinto na patungo rin sa likod ng bahay.  Naabutan nilang yapos-yapos ni Misha si Martha habang umiiyak at si Mitch ay nakatayo malapit sa puno at may pinagmamasdan sa likod nito.
                                           
"Anong nangyari?" tanong ni Teejay kay Misha.
 "Look behind the tree."  sagot ni  Misha.

Lumapit sila sa kinatatayuan n Mitch, doon tumambad sa kanila ang katawan nang isang lalaki na nilapa ang katawan, halos kita na ang mga buto nito at bungo sa sagad na pagkain sa laman. 

RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon