Chapter 2

64.9K 1.7K 604
                                    

Sea Without Waves

Judgements

"Balita ko siya ang nagpapaaral sa kapatid niya ah?" kuwento ni Abrielle habang marahan pa rin ang lakad ng aming mga kabayo.

They're wellknown for being goodlooking. Iyon din ang rason kaya maraming may alam sa buhay nila. These girls are invested to know what's happening with their life. Ang rason kaya kahit sa aming angkan ay nakakaabot ang mga lumilipad na balitang iyon.

Hindi ako masyadong nagbigay ng interes. Mukhang pansin ko rin na wala si Draven doon. Baka totoo ngang si Drystan ang kumakayod sa kanila.

Walang interesado sa magkapatid sa aming apat. Bukod sa malabo ring pumasok kami sa seryosong relasyon, sapat na ang itinuro ng panahon sa amin na ang mga lalaki ay walang magandang naidudulot minsan sa puso ng mga babae.

"How about their parents?" Ayeselle asked.

Nagkibit si Abrielle, ako naman ay umiling lalo na't walang ideya. Sumulyap ako kay Arkaine ngunit pinatakbo niya na agad ng mabilis na itim na kabayong sinasakyan.

Humabol agad ako. Isang sipa sa gilid ng katawan ng kabayo at hila sa hinahawakang tali ay bumilis agad ang kanyang pagtakbo. Sumabog ang aking buhok sa hampas ng hangin.

Pumasok kami sa kakahuyan ng malawak na Falcata Trees. Matatayog ang mga puno at parang patak ng ulan ang pagpasok ng sinag ng araw.

"Let's have a race. Ang maunang makarating sa mansyon ang panalo!" Abrielle suddenly announced.

Naging mabilis agad ang pagpapatakbo nila. I cursed and joined them. Nahabol ko si Ayeselle na natatawang lumebel sa akin. Her mermaid curls danced untamably while the light of the sun kissed her face revealing her freckles.

My sister won. Tumalon ako pababa sa kabayo at humawak sa kanyang braso. Lumebel si Ayeselle at nakihawak din sa kabilang braso ng aking kapatid habang si Abrielle naman ay nagmamadaling ikinawit sa aking baywang ang kanyang kamay.

Sabay kaming ipinatapong apat sa lugar ni Lola para madisiplina lalo na't hindi na kami kaya ng aming mga parents. Our last issue was scandalous. Pinagtulungan naming apat ang babae ng Dad nila Ayeselle na teacher sa school ng pinapasukan namin.

Na kicked-out kami at dahil din sa galit nila Dad sa ginawa namin ay ito na ang parusang ibinigay.

Our first day in Lola's mansion was horrifying. Para kaming robots na kontrolado ang ginagawa at limitado pa ang kilos! We are trained to act demure inside the mansion. To dress well. To eat veggies! To act like a good girl infront of our wicked grandma.

Ngunit medyo nasanay rin naman. Lola is strict but we like her sometimes.

Isang hila sa aking baywang ay napunta agad ako sa sulok ng isang classroom na walang tao. I looked at Cassius coldly.

"Did you talk to him?" he whispered, as if he's making sure no one would hear us.

I nodded boredly. "He's less interested with your life so get over it."

He sighed frustratingly, his nose touching the side of my head and his hand wrapped around my small waist.

"How did you convince him?" he asked.

Nagkibit ako habang nakahalukipkip. Tiningnan niya ako ng maigi.

"May kapalit ba 'yon, Asthraia? You're wellknown for being a playgirl in this school. Humingi ba siya ng kapalit sa'yo?" parang may pinapahiwatig ang sinasabi niya.

I snorted. "What? Like fuck buddy?"

Bumaba ang tingin niya sa aking labi, pagkatapos ay tumingin sa aking mga mata. I know this expression so much and I am not in the mood to kiss right now. I slightly pushed him away. Bumitiw siya at bahagyang umatras para may espasyong mamagitan sa aming dalawa.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon