Chapter 29

1.1M 26.9K 7.5K
                                    

Chapter 29

-Alys-

"Besh?"

Napatingin ako kay Aya kasi tinatawag niya ako, "may problema ka?"

Umiling ako tapos pinagpatuloy ko na lang yung pagsasagot ng assignment ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Nung isang araw pa ako hindi makatulog eh. Lagi na lang kapag pumipikit ako, naririnig ko yung usapan ni Drake at Tita Katrina. Wala naman akong karapatang masaktan eh. Girlfriend lang naman ako, hindi naman ako mahal.

Lumapit siya tapos hinawakan niya yung noo ko, "may lagnat ka ba?"

Umiling na lang ako. Feeling ko drained na drained ang energy ko. Tsk. 

"Eh bakit ka nag aaral?"

Ewan ko nga din eh. Ganito talaga siguro no? Nililipat mo yung atensyon mo sa iba para hindi mo maisip yung ibang bagay na nakakasakit sa utak mo.

"Bored kasi ako."

"Tsk," sabi niya, "tara lunch na tayo at sa pagkain mo na idaan yang boredom mo, Besh."

Umiling ako. Aba palagi na lang akong umiiling ngayon ah. Sakit sa leeg.

"Mauna ka na. May baon ako."

"Really? Penge ako!!"

>.> "Bigay ni dad 'to. Wag ka ngang makihati pa!!"

*le pout of Aya*

"Sige na, Besh. Close naman kami ni Tito Cy ah?"

"A-Yo-Ko."

"Damot!!"

Tapos tumakbo na siya. Jusko napakatakaw talaga ni Aya. Lagi na lang nangunguha ang pagkain. Pasalubong nga ni dad sa'kin yun eh. Nasa Singapore kasi yun last time, dun kasi naka based si Tita Liana, asawa ni dad. Ano kasi.. hindi magkasundo si mommy at Tita Liana. Hehehe. Pareho kasi silang masungit.

Kaya nasa room pa din ako. Ayoko kasi sa labas. May 50% chance kasi na makita ko si Palma. At hindi pa ako ready. Bakit ba ako nag iinarte? BAKIT? BABAE AKO KAYA MAY KARAPATAN AKONG UMARTE. Tsaka.. nasaktan ako eh. Pwede naman siguro akong umiyak, di ba?

Habang nagsasagot ako ng assignment ko, may kumalabit sa akin.

"Lunch." sabi niya.

"Busog pa ko," sabi ko. Hindi ko naman siya pwedeng hindi pansinin, ang childish nun. Hindi ko din naman siya pwedeng sungitan, hindi niya naman kasalanan na magkagusto ako sa kanya. Tss. Labo ng buhay eh. Hindi ba pwedeng gusto ko siya, gusto niya ako. End of story? Kainis naman, Lord!!

"Lunch," sabi niya ulit.

"Sabi ko, busog pa ako."

Umupo siya sa tabi ko. Ang kulit kulit ng Palma na 'to!!

Buti na lang at lunch time kaya walang tao sa room, kami lang. Bigla siyang may nilabas mula sa bag niya. Tapos naglagay siya ng lunch box sa table ko, "eat." sabi niya.

"Baka may lason 'to."

"Then good."

"Leshe ka talaga!!"

"Shut up."

"Bwi---" hindi ako nakatapos sa sasabihin ko kasi sinubuan niya ako ng kanin sa bibig ko. *cough cough* "PAPATAYIN MO BA AKO??"

Ngumiti siya, "why would i do that to my girlfriend?"

Girlfriend. Oo nga noh.

*silence*

Sinarado ko yung libro ko.

"Tungkol dun, Drake," sabi ko. Kumakain pa din siya. Bakit ganun? Bakit parang iba na yung trato niya sakin. Tss. Mas gusto ko pa yung dati na hindi niya ako tinitignan, yung hindi niya ako pinapansin, yung hindi niya ako kinakausap. Ang hirap naman nito!!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon