Chapter 4

55K 1.6K 428
                                    

Sea Without Waves

Funny

Namilog ang mga mata ko ngunit sa huli, naibuga ko ang aking tawa. Kita ko ang pagtingin niya sa akin, ang pagkakasalubong ng kanyang kilay, at ang iritasyon sa kanyang mga mata.

"No... What are you talking about, Draven? Are you jealous?!" natatawa at halos hindi makapaniwala, talagang iyon ang nasabi ko.

Umiling siya, litong binasa ang pang-ibabang labi at mariin ang titig sa akin.

"No..."

"Then what are you talking about? What is it to you? Ano ngayon kung lapitan ko si Conrad?"

"Because that's what you said. And you're not true to your words."

Natawa ako. Talagang natatawa ako sa kanya. Iyon lang? Dahil lang doon?! He's acting jealous! Ang babaw ng mga rason niya!

"Do you like me?" tanong ko ng deritso. "And mind you... si Conrad ang unang lumapit sa akin. Ikaw ang sadya ko roon. Dala ko ang notebook ko. Hinanap kita sa library at sabi ng mga nerd doon na kauri mo, nandoon ka sa field kaya nagtungo ako roon."

Hindi siya agad nakasagot ngunit mabagal ang pag-iling, nakatingin ng maigi sa akin. Tila hindi kumbinsido.

"At bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo eh hindi naman dapat! But for your peace of mind, para lang mabura 'yang mga iniisip mo, ikaw ang pinuntahan ko roon!"

His face slowly calmed down.

"Is that true?" he asked softly.

What? I smirked. He's buying it?! Oh my god. This nerd...

"Please don't. Masasaktan ka sa akin. Kawawa ka."

Binasa niya ang labi at medyo nairita.

"Hindi kita gusto at wala akong balak sa'yo," he explained like it's enough to patch his words awhile ago.

Humalukipkip ako at ngumisi. Tumingala ako para tingnan siya ng maigi. Hanggang balikat niya lamang ako. Matangkad siya at pasok sa mga gusto ko ngunit hindi siya nakapasok sa mga lalakeng nilalandi ko. He's just...

"Pinaalis mo ako sa field dahil sa rasong iyon?"

His jaw clenched. His expression hardened. He looked at me intently.

"I don't like the idea of being one of your..."

"Alam ko. Ikinakahiya mo—"

"I said that's not the reason," he cut me off.

"Edi nagseselos ka?"

Umiling siya, kalmado hindi kagaya kanina na marahas.

"Kung ganoon, nahihiya ka nga—"

"No..."

Nailing ako at ngumisi. Bahala nga siya! Nag-amba akong umalis ngunit muli niya akong pinigilan.

"Your assignments," marahan niyang sabi na ikinatingin ko sa kanya.

"No. I'll do it," matigas kong sabi.

"Napagalitan ka kanina. Let's do all your assignments and I'll help you with your outputs too," he offered.

Kumunot ang aking noo. Tiningnan ko siya ng maigi. Something's off about him. This isn't the Draven I knew. He cared less. He's unbothered. Ngunit bakit parang nagkukusa siya sa sariling problema ko?

Tinitigan ko siya ng matagal. Marami na akong lalakeng nakasalamuha. Oo at wala pang katulad niya, ngunit alam ko at kabisado ko ang mga lalake.

He's not inlove. I'm not even sure if he finds me attractive. The judgement in his eyes are enough for an evidence. He doesn't like me romantically. At alam ko, hindi niya rin ako nagugustuhan.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon