Chapter 1

32.3K 928 307
                                    

"Raya, huwag mo sanang mamasamain itong sasabihin ko sa iyo, pero pwedeng layuan mo ang boyfriend ko?"

"Huh?" nagtataka at gulat kong tanong sa kaniya. "Sino ba ang boyfriend mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Xandra, pero nasundan din ito ng paniningkit na alam kong puno na iyon ng pagdududa.

"Si Mateo! Ano ka ba?! Bakit ka nagmamaang-maangan, ha?!"

I took a step back, completely stunned. Mateo... Mateo?

"Wala naman akong kilalang Mateo..."

Tuluyan nang umiyak si Xandra sa sinabi ko kaya agad akong nag-panic. Eh talaga namang wala akong kilalang Mateo, eh! Anong gusto niyang gawin ko, magsinungaling ako?! Masama na ang tingin sa akin ng kaibigan niya habang hinahagod ang likod niya.

"Tahan na, Xandra... ganyan talaga ang mga babaeng yan, nagmamaang-maangan kapag kinokompronta!"

"Oo nga, Xandra! Halata naman na may gusto siya kay Mateo, eh! Ayaw pa umamin,"

I bit back a huge sigh. They dragged me in the middle of my lunch at the back of the school building for this? Ilang minuto nalang ay matatapos na ang lunch break! Gutom ako at gusto ko sanang tapusin yung kinakain ko sa cafeteria pero malamang niligpit na iyon ng staff. Baka ma-penalty pa ako dahil CLAYGO pa naman sa paaralan namin.

Hindi na ako nagsalita pa at pinanuod lang si Xandra na umiiyak. Ayoko naman kasing mag-sinungaling at um-oo nalang dahil wala talaga akong kilalang Mateo! Hindi dahil sa sobrang dami kong kaibigan, kundi dahil wala akong kaibigan kahit isa! Atsaka, bakit ba siya nagbo-boyfriend eh first year pa lang kami?! Wala nga sa isip ko ang pagbo-boyfriend, tapos bigla akong magpakakamalang nang-aagaw ng boyfriend ng iba!

"Xandra, sorry—"

"Shut up!" Singhal sa akin ng isa sa mga kaibigan niya. Napakurap-kurap ako. "Akala mo naman kung sinong anghel ka, nasa loob ang kulo mo!"

Kahit na hindi ko kilala kung sino ang Mateo na yan, nasaktan pa rin ako sa sinabi niya. Masama ang tingin nila sa akin habang inaakay si Xandra palayo na para bang ako ang may dala ng malas sa mundo. Nang mawala na silang tatlo ay saka ko nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

My young heart couldn't dwell on their hurtful words when the bell started ringing. Mabilis din akong naglakad pabalik sa classroom ko dahil Filipino na namin kinahapunan at on-time talagang pumapasok ang guro namin.

Pagkarating ko sa classroom, nagtaka ako dahil may maliliit na grupo nang naka-form sa loob kahit wala pa ang guro namin. Kinuha ko ang bag ko sa pinakadulo at sinulyapan ang black board. May ibinilin palang instruction si Sir na bumuo ng grupo ng lima ahead of time para diretso na ang activity pagpasok niya.

I sighed, looking around. Everyone already has their groupmates. Hindi ko pa alam kung anong activity ang gagawin pero ayaw ko naman iyong gawing mag-isa dahil kakainin nito ang oras ko at hindi pwede yun dahil sa labas ng eskwelahan, marami pang naghihintay na responsibilidad sa akin sa bahay.

"Monteza, wala ka bang grupo?"

Napalingon ako nang tawagin ako ng classroom president namin, si Lulu. Nasa pinakaunang grupo siya at naroon lahat ng matatalino sa klase. Sila palagi ang groupmates kapag hinahayaan kaming gumawa ng sarili naming grupo sa mga class activities. Napalingon din sa amin ang ibang mga kaklase ko kaya bahagya akong nahiya.

Pinilit ko ang sariling tumango.

"Dito ka na sa amin!" aya niya, sabay hila ng isa pang kahoy na upuan sa tabi niya. Nagulat ang mga groupmates niya sa sinabi ni Lulu. Lima na kasi sila kaya naman wala ng rason para tawagin ako.

Elyu Series #1: Drifting with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon