Chapter 3

20.3K 733 491
                                    

"Okay, group 1, pwede nang mag-present..."

Kinakabahan ako kahit na hindi naman ako aakto sa harapan. Magbabasa lang ako ng script ko bilang narrator at iyon lang. Sina Lulu, Jed, at ang iba ko pang mga ka-grupo ang talagang aarte kaya naman mas sila ang dapat kabahan.

Nagpunta kami sa harapan at inayos-ayos pa ni Lulu iyong mga backdrop bago kami nagsimula. Ako ang nagpunta sa gitna, hawak-hawak ang script at bahagya pa akong nanginginig. Nang i-angat ko ang tingin ko, agad kong nakita si Ivo.

Nakaupo pa rin siya dun sa likuran, pero may mga lalaki na niyang kaibigan ang nakaupo sa upuan ko at kay Lulu. Nagdadaldalan sila roon sa likod pero hindi naman nakikinig si Ivo at nanunuod sa amin.

I cleared my throat and tried to soothe my nerves.

"Florante at Laura, Kabanata 9..." panimula ko. "Dalawang Leon."

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. It was my cue to start reading.

"Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon hangos nang paglakad. Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag sa mga mukha nito..."

Tumabi ako para kina Jed at ang isa pa naming ka-grupo na gaganap bilang Aladin at hinayaan na sila. May iba pang kaklase ko na nagtatawanan kasi nga hindi naman seryoso sa pag-arte iyong isa kong ka-grupo at patawa-tawa lang. Nawala na rin ng paunti-unti ang kaba ko. Nag-focus nalang ako sa pagbabasa ng mga parts ko bilang narrator hanggang sa matapos kami. Nagpalakpakan silang lahat at ang iba'y nagrereklamo na ayaw na daw nilang mag-present kasi may nanalo na...

"Ibibigay ang mga marka ninyo pagkatapos makapag-presenta ang lahat. Salamat, group 1." Wika ng teacher naming atsaka namili ng estyudante para sa closing prayer. Pagkatapos noon ay maaga niya na kaming iniwan.

Ang mga ka-grupo kong naka-costume ay nagpunta ng C.R. para magbihis. Ako, dahil narrator lang, ay naka-uniform pa rin kaya bumalik nalang ako sa upuan ko.

"Bakit hindi ikaw si Laura?" tanong kaagad sa akin ni Ivo pagka-upo ko.

"Huh?" hindi ko maintindihan ang tanong niya.

Itinungkod ni Ivo ang siko sa arm desk at humalumbaba, nakatingin sa akin.

"Kako, bakit hindi ikaw ang gumanap na Laura?" pag-uulit niya saka ngumiti sa akin. "Bagay sa iyo."

Hindi ko alam kung puri iyon o insulto pero uminit ang pisngi ko. Hindi ko nalang pinansin si Ivo at kunwaring may hinahanap ako sa bag ko para hindi na niya ako kausapin. My plan to ignore him failed when I heard him talk again.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina." Paalala niya.

"Anong tanong?" I tried playing dumb, but he just grinned boyishly.

"Can I call you Raya?"

Nilingon ko siya. Nakangisi siya at naghihintay ng sagot ko habang ako naman ay kinakabahan ulit. Bakit... bakit iba ang dating ng pangalan ko sa kaniya? Lahat naman ng tao ay tinatawag akong Raya. Sa bahay, sa eskwelahan, pati na rin ang mga kakilala ko sa purok namin. Wala namang kaso sa akin iyon. Mas naninibago pa nga ako kapag buong pangalan ang tawag nila sa akin.

But the way he spoke my name made me feel something. It's my first time to hear someone spoke every letter of my name with such tenderness, as if savoring every syllable when there's only two. Parang ingat na ingat ang pagkakasabi niya sa pangalan ko kaya hindi tuloy ako mapakali.

"Uh... oo naman!" sagot ko nalang para tantanan na niya ako. Bata pa ako. Bata pa ang puso ko. Ayokong palaging kinakabahan nang ganito.

"Raya..." he said again and I almost lost my breath. Buti nalang biglang dumating si Lulu na maingay at ginulo kami kaagad.

Elyu Series #1: Drifting with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon