KABANATA 43

4.7K 328 48
                                    

Hawak ni Frosto ang kamay ko habang patungo sa isang pribadong room na kinuha nila para sa aming pagkikita ni lola. Pero nandito ang mama ni ate Ava kaya siguro nandito rin sila. Saya at pagkasabik ang nararamdaman ko ngayon.

Pagbukas ng pintuan ay bumungad sakin ang mesang punong puno ng pagkain. Bukod doon , ang mga silya ay napupunan ng mga tao. Isa na doon si lola.

Umawang ang labi ko. Nasapo ko iyon at halos tumakbo ako kay lola. Naramdaman ko pa na ayaw akong pakawalan ni Frosto ngunit pursigido ako sa galaw na lalapitan si lola.

"Lola!" niyakap ko ng mahigpit si lola. Naramdaman ko ang pagyugyog ng kanyang balikat. Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya.

“Apo ko, Soledad. Apo namiss kita.”

Halo halo ang aking naramdaman. Ang saya ko dahil sa postura ni lola ay mukha siya ditong malusog kumpara doon sa baryo namin.

"Miss na miss rin kita lola." mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. 

Nang humiwalay ako sa kanya para masdan siya ay nakita ko na marami nga kami na nandito sa loob. Tipid akong ngumiti sa kanila dahil sa hiya ko.

Si lola sa kabilang banda ay minamasdan parin ako.

"Ang ganda ganda mo lalo Apo ko. Mabuti nalang nakaalis ka sa puder ng ama mo."

Tumango ako kay lola at ngumiti. Hindi ako makapagsalita lalo na ng hawakan ni Frosto ang baywang ko.

"Everyone, Soledad,  my soon to be wife." anunsyo niya. Umawang ang labi ko at napatingin sa kanya na hinalikan ako sa buhok.

"Congratulations son. Masaya ako para sainyo. "  Minuwestra nito ang upuan na para sa amin.

Napalunok ako ng titigan ang katabi ng kambal ni Frosto. Nakita ko na siya noon ng dinala ako ni Frosto dito sa Manila.

Kamukhang kamukha talaga nila si Don Paulino. Kahit may edad na ay hindi ito mukhang matanda. Makisig parin ang katawan katulad ng dalawa niyang anak.




"Magandang araw po sainyo." sabi ko at tipid na ngumiti. Nakita ko si Ava na nakangiti sa akin.

"Kain na muna kayo bago tayo mag usap. Nasisiguro ko na marami tayong pag uusapan na bagay." ang papa ni Frosto.

Hindi naman kumibo si Frosto.

"Alin dito ang gusto mo?" bulong niya. Narinig ko ang tikhim ng kanyang kambal. Ngumuso ako tinuro ang beef steak na palagi niyang binibili sakin noon kung dalhin niya ako dito sa Manila.

"I-Iyan, tsaka iyong menudo. Salamat."

"How about you lola?" tanong rin niya kay lola kaya nilingon ko si lola at nginitian. Masayang masaya ako na makita si lola.

Sa sobrang saya ko, sa bawat pag uusap nila ay nakangiti ako sa kanila. Nakita ko rin ang anak ni Ava, si Ginger na nakangiti sa akin.

Mabait ang pamilya ni Frosto. Kahit na nakakatakot sila minsan kausap, pero nagiging magaan ang loob ko kapag tumatagal. Mabait si Frosto kaya alam ko na mabait rin ang pamilya niya.

Naisip ko si Genevive. Mahal niya tlaga ng sobra si Frosto. Nakakagawa siya masamang bagay dahil sa obsessyon niya kay Frosto.

“You're so beautiful tita Soledad. I- I l-love your bronze skin."

Nagulat ako sa sinabi ng anak ni Ava. Ngumiti si Ava sakin at tumango.

"Gusto ka niya Sol. Para ka raw' manika sabi niya sakin." sabi ni Ava.

Ngumisi ako at kinurot ang pisngi ng anak niya. Ganon na ganon ginagawa ko sa kay Ating noon sa baryo kapag nanggigil ako.

"Ikaw rin. Ang ganda mo." tinitigan ko ang buhok niyang kulay ginger. Mana sa kanyang ina pate na ang natural na kulot. Nagmumukha siyang diwata.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon