Kabanata 64

1K 54 6
                                    

[Where are you?] tanong ni Reynold sa kabilang linya.

"I'm outside. Why?"

Santi was shocked when his father escaped from the police. Natatakot pa siya dahil mas lalong madadagdagan ang kaso nito dahil sa ginawa, pero tumawag ito sa kanya na huwag nang isipin iyon dahil tinulungan ito ng kung sino dahil hindi naman nito sinasabi kung sino. Sa ngayon ay nagtatago ito. She had no idea why those people helped his father but she is sure that they were an ally. If not, why would they bother helping Reynold?

[Hmm. I'll wait for you in CC private room number six. We should met,] wika ni Reynold at tumingin sa lalaking kaharap niya na may katandaan na katulad ng kanyang ina na si Helen.

"Kailan, dad?"

[Mamayang gabi. Don't let anyone see you and congratulations to your drama.]

Lumambot ang puso ni Santi at napangiti. Nawala ang inis niya kanina. She was still his father's favorite after all. Kaya hindi niya na kasalanan kung siya ang kinampihan nito. Siya naman talaga dapat ang biological na anak at tagapagmana kung hindi lang sumulpot ang ina ni Henrietta. Kung ano ang mayroon kay Henrietta ay dapat na sa kanya.

"Thank you, dad. I'll see you soon."

Alam kaya ito ng kanyang ina? She is sure that she will be glad to see dad. They were a perfect family kung wala sa landas nila si Henrietta. Wala na nga ang ina may naiwan pang salot.

Ibinaba niya ang tawag pagkatapos ay ti-next ang kanyang manager na aalis siya mamaya. Muli n'yang sinulyapan ang shop kung saan niya nakita si Henrietta ngunit wala na ito.

Does she think it's over?

---

"Bakit agad tayong umalis, anak? Nandoon pa ang pinabili natin," nagtatakang wika ni Mila habang hawak-hawak ni Henrietta ang kamay nito pasakay ng escalator.

"Nothing. I wanted to bring you to the cafe I've been going back to since teenage years, Mom. Masasarap ang pagkain doon hindi ko lang sigurado kung pinalitan na nila," sagot ni Henrietta. The truth is, nakita niya si Santi at knowing how that woman mind works, she will go to them and know who is she with.

Napangiti naman si Mila. "Ikaw talaga. Pinabayaan pa natin ang mga paper bags doon."

"They will deliver it to the package area at doon na lang natin kukunin. Come on, mom. Let's not waste time."

---

"Sir," bati ni Yros at binuksan ang pinto ng backseat ng kotse. It's still four in the afternoon at madalas na napapansin niya na ang aga umalis ng amo.

"Do I have a schedule for that woman's birthday?" tanong nito pagkapasok bago kinuha ang phone kung saan na-message ang asawa kung nasaan ito ngayon.

"Nothing, Sir. Malinis po ang sched mukhang dadalo rin ang iba sa birthday banquet ni Miss Mariel," sagot nito bago pinaandar ang kotse paalis ng kompanya. Bago pa man niya na-cancel ang schedule ng boss ay may mga nauna na.

"Hmm. They regard this an important event. Perhaps may ia-announce sila?" aniya ng lalaki bago ngumiti dahil sa inis na reply ng asawa. How cute would it be if she added an emoticon?

"Maybe." Baka i-trap ang boss niya doon? Hindi na nagsalita pa ang lalaki sa likod at sinilip niya ito sa rear view mirror ng sasakyan kung saan busy ito sa kanyang phone. Paniguradong si Madam Henrietta ang ka-message nito. Hindi uso kay boss ang text message dati, pero ngayon para itong teenager dahil sa asawa nito. For Yros, it was a good thing nang magkabuhay naman ang kulay ng mundo ng amo.

Ilang minuto pang pagda-drive ay nakarating sila sa parking lot ng mall at sakto naman na pagkabukas ng elevator sa baba at paglabas ng dalawang babae. Agad na bumaba si Vincenzo gayon din si Yros para kunin ang pinagbibitbit ng mag-ina. Vincenzo went ahead to kiss Henrietta's lips that left her in daze. Sa gilid naman ay lihim na napangiti si Mila dahil sa ginawa ng son-in-law niya.

"How's the shopping going? Mukhang ang dami n'yong nabili, mom," aniya ni Vincenzo bago tumabi sa asawa at nagsimulang maglakad papuntang kotse.

Mila chuckled and glanced at them. "Ito naman kasing si Henrietta mapilit, eh. Even though marami pa akong damit sa bahay, she insisted to buy me new ones."

"I want to. Outdated na rin naman ang mga damit mo, mom. Look at Grandma Helen, even though she's old now, she was still buying trendy clothes at her age," nakangiting tugon ni Henrietta. Something wraps on her hands. SHe looked down and saw Enzo's hand on her.

She pretended she did not see or feel it.

"Hindi naman ako si Mama Helen. Isa pa komportable naman ako sa mga suot ko at minsan lang ako lumalabas. Baka masayang pa ang mga iyan," komento nito at umiling. Pinagbuksan sila ng pinto ni Yros at agad namang pumasok ang dalawa. Vincenzo on the other hand will sit on the passenger's seat on the driver's side.

"Hmm. You can wear it kahit nasa bahay na tayo." Biglang may kinuha si Vincenzo sa kanyang suit pocket at binigay ito sa asawa.

"Hmm. An invitation?" Kumikinang pa ang nakaukit n'yang pangalan sa baba ng envelope. Binuksan niya iyon at unang bumungad sa kanya ay ang pangalan ni Mariel. Napataas ng kilay si Henrietta at tumingin kay Vincenzo.

Why is she invited? Mariel and her were not on good terms.

"Grandpa gave this to you," sagot lamang ng lalaki.

Grandpa Dencio? Did he really gave this to her but why? Tiningnan niya ang date at ilang araw na lang pala ay kaarawan na nito.

"Anyway, we're going there together but I'll enter first."

Now she gets it. Mukhang hindi ito initiated ni Grandpa Dencio bagkus ay plano ito ni Vincenzo. But whatever it is, now that she have the invitation mukhang hindi naman maganda kung hindi niya pauunlakan ang kaarawan ni Mariel. Knowing that woman who have affection in her husband, she might do something with the help of her family.

---

"Are you sure, aunt? Siya lang ang pupunta?" wika ni Mariel habang kaharap si Jody, ang ina ni Vincenzo. They went out today to go shopping.

"Of course. Hindi makakadalo ang papa kaya siya ang papupuntahin. Buti nga at hindi kasama ang babaeng 'yon. Kumukulo talaga ang dugo ko doon. Why can't my son see the things worthy of you? Wala akong pake kung isa s'yang Vanderbilt," inis na reklamo ni Jody habang hinihiwa ang steak.

"Hmm. I'm sure susundin ni Vincenzo iyon. I'm glad that he will be there unfortunately ayaw n'yang maging escort ko," malungkot na wika ni Mariel at binaba ang tingin sa plato.

Napaikot ng mata si Jody saka ngumiti sa kanya.

"Wala na s'yang magagawa kapag si papa na ang nag-utos. Don't worry. He will be by your side when it's time."

Hindi naman mababalewala ng father-in-law niya ang munting pabor ng pamilya ni Mariel.

Mariel's lips curled into a smile.

"I hope so."

-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon