Kabanata 69

18.9K 751 40
                                    

Kabanata 69

He was under the influence of drugs for a long time. Mommy knew about it but she kept it as a secret for she doesn't want to ruin her marriage with Dad. Matagal niya nang alam. Kahit pa ang ilang beses na pagtatangka ni Dad na pagsamantalahan ako noon ay alam niya rin.

She managed to take videos of him trying to do his plans against me. Pero bago pa man nangyayari ang mga bagay na 'yon ay nagagawa niya nang pigilan ito. That would ended up physically hurting her.

"It's one of the reason why I asked you to leave this house when you're pregnant, Isha. Natakot akong wala na akong magawa at tuluyan ka na niyang mapagsamantalahan. Everytime I warn him that I'll call the authorities, palagi niyang sinasabi na papatayin ka niya. It always got me scared. Hindi na baling ako ang saktan at gawan nang masama, huwag lang ikaw."

Hindi ko alam kung paano ko ipapasok sa isip ang lahat ng nangyayari at nalalaman ko sa mga sandaling ito. Knowing that my own father tried to rape me... and that he never treated me as his daughter is slowly taking my sanity away.

Walang kababaihan ang dapat makaranas ng ganoong klase ng pang-aabuso lalo na at mula sa sarili nilang pamilya. Imagine the trauma, the fear and anxiety it will bring to those who experience it.

Laking pasasalamat ko na si Daddy mismo ay tila natauhan sa kasamaan na bumabalot sa buong pagkatao niya kanina. I'm even more thankful that Nero came in the right time to save me from that possible trauma.

"That's why I was very eager to make you marry Reon. Bukod sa gusto ko rin ipaghiganti ang kapatid ko, it's for you to have someone who can protect you, Isha. Alam natin parehas na walang laban ang ama mo sa mga Monasterio. That's the only idea I have to protect you and I know it will never make sense."

Nagkatinginan kami ni Nero. Pansin pa rin ang matinding galit sa mga mata niya kahit na matagal nang wala sina Daddy. I know how much he wanted to cross the boundaries and hurt him. Pansin iyon kanina nung pumasok siya sa kwarto. Pero dahil ama ko ang pinag-uusapan, alam kong matinding pagpipigil ang ginagawa niya.

"Hindi ako makikialam sa kung ano ang gagawin mo sa asawa ko, Reon. Do what you think is right. Give my daughter the justice she deserves." puno ng tapang na sabi ni Mommy.

Alam kong mahal niya si Daddy pero sa mga sandaling ito, nagpapaka-ina siya para sa akin. Naninindigan sa kung saan ang tama.

Nang sandaling 'yon ay kinailangan nang dalhin ng nurse si Mommy sa kwarto niya dahil hindi na rin ito puwedeng magpuyat. Naiwan kami ni Nero sa living room. Sina Zadriel, Alas at Dashiel ay sumama sa presinto para asikasukhin ang mga kailangan doon.

Tahimik akong nakatingin sa kawalan. Naramdaman ko ang pagtayo ni Nero. Nag angat ako ng tingin sa kaniya. He was leaning his hands against his waist, broad shoulders moving slowly as if he's breathing deeply.

"Did he touch you?" he asked.

Nagbaba ako ng tingin sa sahig, naalala ang naabutang eksena kanina nang magising ako. Pumikit ako nang mariin, biglang nanikip ang dibdib sa sakit na idinulot sa akin ng ala-ala na 'yon.

"H-Hinalikan niya ako sa l-leeg." nanginginig ang boses ko kasabay ng pag usbong ng bikig sa aking lalamunan.

Pakiramdam ko ay ngayon lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako tila nanghina.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Nero. Nakayuko, nakita ko ang paglapit ng mga paa niya sa gawi ko. He then squatted in front of me. Hinawakan niya ang mga kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya.

As soon as I leaned my face beside his neck, hysterical sobs escaped my throat. No words have been said between us. Nakuntento na akong nakayakap sa kaniya. Sa ganitong paraan ay nagagawa niyang iparamdam sa akin na hindi ko kailangan matakot dahil nariyan siya. Na kahit ano'ng mangyari, hindi niya ako pababayan. Through his warm embrace, I know that I'll be safe as long as I'm with him.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon