Kabanata 29

14.3K 836 527
                                    

Trigger Warning ; mention of suicide ; self harm and spoilers for new upcoming series ; Mulawin Series.

***

"Ang sarap naman dito, Hara," punong puno ang bibig ni Kento ng cupcake.

Tumawa ako at naglapag pa ng juice sa harapan niya. Mabuti na lamang at narito si Kento para maging model ko. Talagang hindi ako makapapayag na si Evan ang makasama ko sa proyektong ito.

"Oo, kaya huwag kang makulit dito, ha?" sabi ko. "Hintayin mo ako magbreak time para masukatan na kita."

Mabait siyang tumango sa akin. Pumunta na ako sa kitchen at pinagpatuloy ang pagb-bake ng cookies. Chef Kimora is so busy with us, sabi niya baka raw hindi niya kayanin ang mga gawain dito sa Bakery kaya naman todo tulong kami.

We prepared many orders because of lack of stocks. Mahirap talaga kapag wala rito si Kevin, siya ay kayang kayang gawin at imanage ang Bakery nang walang pagaalinlangan. Kami kasi, kailangan pa namin pag isipan ang gagawin naming kilos bago kami tuluyang gumawa dahil baka mali. Chef Kimora is so busy kya naman ay wala kaming mapagtanungan paminsan - minsan.

"Huwag kang malikot," sabi ko kay Kento habang sinusukat ang kaniyang braso.

Para siyang naging yelo matapos ko iyong sabihin. Natawa ako at tinapos na agad ang pagsusukat sa kaniya. Wala pa akong sweldo kaya naman hindi pa ako makakabili ng mga bagong materials para sa project. Good thing na lang na may stocks pa ako sa mga gamit ko na ginamit ko rin noong last year para sa project na may pagkakapareho rin dito.

I became busy with the project many weeks. Kapag uuwi ako galing sa trabaho, daretsyo na ako sa sala para manahi. Kung minsan nga ay nagagalit na si Evan dahil late na ako matulog.

"You don't understand, Evan," buntong hininga ko habang inaayos ang bawat tela. "I need to pass this so I can get a nice job someday."

"I can get you as my personal designer soon  so you won't work hard like this. May nakalaan na agad sa'yong trabaho," he bored his eyes on me.

I rolled my eyes on him and fixed up the sewing machine before I look up on him. Nakaupo siya sa sofa habang nakabukas ang laptop sa mesa dahil sinasabayan niya ako gumawa ng trabaho. Binabantayan niya ako.

"I need to work hard." mariin ko iyong sinabi, "I don't need to explain why, malaki ka na para maintindihan ang simpleng sinabi ko."

He bit his lower lip and nod. He let me do what I want while he's doing his office papers. Madalas niyang dito sa mansyon ginagawa ang kan'yang mga trabahong pang opisina dahil gusto raw n'ya akong sabayan.

Si Manang ay paminsan minsan akong tinutulungan. Tuwang tuwa siya dahil medyo madaling gawin ang damit para kay Kento dahil maliit siya. Hmm, siguro nasa
four feet lang siya o five.

More weeks came until the day came. Kento became my model and it became a contest. Naging second place ang design ko dahil na rin sa pagiging bibo nito.

That's mean I passed. May huli pa rin akong dapat iexam bago ako tuluyang matawag ang sarili ko na nakapagtapos. Kaunti na lang, kaunting tiis pa bago ako tuluyang makagraduate.

Si Sunshine, hindi na talaga pumasok. Nababahala na ako dahil wala man lamang siyang pinasa at wala rin s'yang paramdam. Graduating pa naman s'ya.

"Wala si Sunshine, hindi na pumapasok!" sigaw ng isa naming kaklase.

Nilingon ko ang pintuan at nakitang may grupo ng kalalakihan doon sa pintuan ng room namin. May isang matangkad na lalaking nagpumilit pumasok at nilibot ang tingin sa paligid. Our eyes met.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon