Chapter 21

1.3K 52 3
                                    

"Kung hindi sinabi ng ina mo sa akin ay hindi ko rin malalaman iyong tungkol sa Shekainah mo, 'no?"



He looks irritated when he heard what I said. Hindi ko alam kung saan ba siya nairita. Sa pagbanggit ko sa pangalan ni Shekainah o dahil sinabi sa akin ng kaniyang ina iyong ginawa niyang panliligaw noon sa Shekainah na iyon?



Nakaalis na ang kaniyang ina matapos naming maghapunan. Hinatid namin iyon sa labas at wala na ito kaya malaya kong masermunan si Rence ngayon. Irritation and anger filled me. Hindi ko alam kung bakit ganoon katindi ang galit na nararamdaman ko ngayon dahil lang sa nalaman ko.



Tumikhim si Rence at inignora ang aking sinaad, sa halip ay nagpatuloy pa rin siya sa pagtitipa sa kaniyang cellphone, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Kanina niya pa kaharap iyang cellphone niya at iniignora lang ako na iritadong-iritado sa kaniya. Nainis ako sa pagbabalewala niya sa akin kaya hinablot ko sa kaniya iyong cellphone niya at kaagad na pinatay iyon.



"Ano?! Nagsasawa ka na kaagad sa akin?!" sigaw ko sa kaniya at tinapon ang kaniyang cellphone sa sahig kaya bumasag iyon at nagsanhi ng ingay.



Nakatingala siya sa akin na ngayon ay nakapamaywang sa kaniyang harapan. Nasa kama siya ngayon nakaupo samantalang ako naman ay nakatayo at nakaharap sa kaniya.



Kalmado lang siya, mukhang iritado pero hindi naman galit dahil sa ginawa ko. Mariin siyang pumikit at hinilot ang sentido niya bago tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo. Nasa loob kami ngayon ng kuwarto niya at kami na lang dalawa ang naiwan dahil nga umalis na ang kaniyang ina, ilang minuto na ang nakalipas.



"Rai, baby... Calm yourself---"



"Calm myself?!" I mocked. "Fuck you, Clarence Jayv Evans! Fuck you! Isa kang sperm! Isa kang dakilang walang-hiyang sperm!"



"Rai, pag-usapan natin iyong tungkol kay Shekainah," mahinahon at kalmadong aniya. "I just courted her because---"



"Because mo mukha mo!" putol ko sa kaniya. "Wala akong pakialam sa dahilan mo! Walang-hiya ka pa rin!" singhal ko pa. "Kung sana sinabi mo lang iyong tungkol dito noong una pa lang, eh 'di okay na sana ang lahat!"



"Rai, I love you," he just mumbled.



"Wala akong paki, naiinis ako sa 'yo," naiirita kong anas. "Kausapin mo ang sarili mo, buong araw kitang hindi kakausapin bukas. Nabubuwesit ako sa 'yo, Rence."



"Rai, I never liked Shekainah, alright? Niligawan ko lamang siya dahil iyon ang hiniling ni Aliz sa akin, she wants her friend to be happy and I was single that time---"



"Tumahimik ka nga! Wala akong pakialam sa paliwanag mo, Clarence!" I shouted furiously.



"Rai, please... I am tired and you broke my phone," he reminded me. "Kausap ko pa naman ang ibang professor mo tungkol sa mga ikaklase nila bukas para mapag-aralan ko at maituro sa 'yo... Hear me out, baby, please..."



"Ayoko, huwag mo 'kong kausapin ngayon. Nag-iinit ang ulo ko sa 'yo," utas ko bago sumampa sa kama nang pabagsak. "Kainis ka, Rence."



"You're still wearing your uniform, Rai. Take a half bath and change your clothes," he told me calmly. "Huwag mo muna akong tulugan, Rai, ayusin naman natin ito. Pag-usapan natin kung ano man iyong problema mo para maayos kaagad natin."



"Niligawan mo 'yong Shekainah na iyon!" sigaw ko at bumangon para harapin siya.



His lips rose. "Oo, Rai, niligawan ko nga siya... But that was in the past and I never liked her, I did not fall in love with her. I courted her because Aliz asked me to do it. Hindi naman naging kami ni Shekainah dahil hindi niya naman ako sinagot, Rai."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now