Chapter 21

450 14 2
                                    

Chapter 21

"Bakit hindi mo pa sabihin ang totoo sa kaniya? Pahihirapan mo lang ang sarili mo Micay. At ang mga bata lalo mo lang silang sinasaktan." Ani Cy.

Nandito pala kami sa Caliextaire. Araw ng trabaho ko. Pinaguusapan namin ang tungkol sa planong magbabawas ng mga tauhan. But Cy, Refused to do that. Kawawa naman daw ang mga trabahador na may binubuhay na pamilya. He told me na may nakausap daw siya and one of his friend. At wala akong ideya kung sino sa kanila. Napagusapan daw ng mga ito na magiinvest na 5 million ang lalaki to save the Calliexter. Pero may mga ilan gusto itong gawin sa Caliextair. Gusto nitong iparenovate ang Caliextair at magdagdag ng ilang stall. Plano daw kasi nitong dagdagan ng ibang product ang binibenta ng Caliextair. From Groceries to Accessories at iba pang pangangailangan ng costumer. Parang sinasabi nitong gawin naming anak ng mall ang Caliextair. Bakit hindi na lang nila sabihing gawin namin Mall ang Caliextair para naman exactly ang sinasabing plano. Kung ano-ano pang paligoy ang pinagsasabi.

Tinignan ko si Cy. Nakatayo siya sa harapan ng mesa ko at nakapamaywang. Unang dumako ang mata ko sa gwapo niyang mukha.

Ang laki ng pinagbago niya. Mas mature siyang tignan ngayon kaysa noon na mas bata siyang tignan. Medyo payat kasi siya noon pero matangkad ngayon kasi mas nadagdagan ang tangkad niya dahil sa pagbabago ng kaniyang katawan. Mas lumaki at nagkaroon ng curves, I mean, mas naging macho siya. Mas lumapad ang dibdib at ang tindig niya napakaperpekto. Very intimidating ang dating. Lagi kasing seryoso ang mukha. Walang kangiti-ngiti. Hindi tulad noon na kapag biniro ko siya, makukuha ko agad ang kiliti. Ngayon, ibang-iba na. Simpleng biro lang gusto kanang patayin. Para bang nakakatakot na siyang lapitan.

"Don't look at me like that Micay, Iisiping kong gusto mo uli akong tikman." narinig ko pang sabi niya. Sa halip na sakyan ko iyon hindi ko nagawa paano hindi ko alam kung biro ba iyon o simyento.

"Mula ng maging magkapatid tayo Cy, kinalimutan ko na ang nakakadiring namagitan sa atin." wika ko at napabuga ng hangin. "At nagpapasalamat ako dahil totoo ang pagpapakita mo sa akin kabutihan." dagdag ko pa.

Umismid siya.

"You know, I don't do drama." flat na sabi niya.

Ako naman ang napaismid.

"Hindi naman ako nagdadrama ha," pagtataray ko sa lalaki. "Masyado kalang seryoso kaya lahat ng sasabihin ko iniisip mong drama. Mag girlfriend kana kaya para naman maitindihan mo ang ibig kong sabihin." suhestyon ko sa kaniya.

Umasim naman ang mukha niya.

"Having a girl in my life are not my forte Micay," Simyento pa ni Cy. "Unless, Widing their legs in front of me, makes my life dazzling."

Umingos ako at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib.

"Kapag ikaw talaga nakabuntis tatawanan talaga kita." turan ko sa lalaki at saka iniling ang ulo.

Ngumisi naman siya.

"That will never happen, Micay. Mark my word." may kumpiyansang sabi pa niya.

"Ewan ko sa 'yo," nasabi ko na lang.

Narinig ko ang marahang pagtawa niya.

"Hindi ka pa ba aalis? Wala kang gagawin sa kompanya mo? Monday ngayon hindi ba?" paalala ko kay Cy.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko kanina Micay," paalala din niya. "Why you didn't tell him na siya ang ama ng kambal? At bakit hinayaan mo isiping niyang anak ko ang mga bata? What's on your mind?" magkakasunod na litanya pa niya sa akin.

Iniikot ko ang swivel chair paharap sa malaking salamin kung saan nakikita ang buong gusali ng San Mateo.

"Gusto ko siyang pahirapan Cy." paguumpisang sabi ko ang mga mata ko ay nakatanaw sa malayong gusali.

MY BOSS 2: Hot and WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon