Maagang umalis si adam kanina dahil marami daw siyang kailangan na tapusing trabaho niya. Kagabi nga pinagtimpla ko pa siya ng kape kasi nag tatrabaho pa rin kahit late na. Napaka dedicated niya talaga sa trabaho niya.
“Good afternoon ma'am sandra, ako po ang pinadala ni sir adam para ihatid at samahan kayo sa grocery.” Ani ng lalakeng naka bodyguard na uniform.
Nakakatakot naman siya. Napaka seryoso niya at parang hindi marunong ngumiti. Napakatikas din ng tindig niya parang handa sa ano mang away. Nakakailang tuloy tsaka tinawag niya ba akong ma'am?
“Kuya wag niyo na ako tawaging ma'am. Sandra nalang.” Sabi ko sa kanya dahil nakakahiya.
“Hindi po pwede ma'am dahil ma papagalitan po ako.” Magalang na sagot niya.
“Mapapagalitan? Kanino?” nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sumusunod lang po ko sa utos." Yun lang ang sinabi niya.
Bago umalis sinigurado ko ang bag na dadalhin ko dahil binigay sa'kin ni adam ang black card niya. Ito daw ang ipapakita ko mamaya kapag magbabayad na ako. Nakakatakot baka mawala ko pa.
Pagkatapos masara ang pinto. Dumeretso na kami sa parking lot at huminto sa isang itim na suv at pinagbuksan agad ako ng pinto ni kuya. Lakas naman maka mayaman sa feeling nito.
“Ma'am saan po kayo mag go-grocery? Tanong niya nang makapasok sa loob at tiningnan ako mula sa rearview mirror.
“Diyan lang sa malapit na mall.” Sabi ko saka pinaandar ang kotse at pinatakbo.
Halos 30 mins. din ang binyahe namin papunta sa mall. Pababa na sana ako nang pinagbuksan na naman ako ni kuya. Hindi na ako pumalag baka sabihin na naman niya mapapagalitan na naman siya.
Dumeretso na kaagad ako sa grocery department at kumuha ng push cart. Si kuya bodyguard slash driver pinahintay ko nalang sa may labasan malapit sa mga counter para doon nalang siya maghintay.
Alam kong nakapunta na ako sa isang grocery pero iba dito halos nandito na lahat at pati imported na mga pagkain na galing ibang bansa meron na din.
Habang nag-iikot, papatigil ako nang tumunog ang cellphone ko.
From: Sir adam
Are you at the mall already? You didn’t texted me.
To: Sir adam
Sorry. Oo nasa grocery na ako. Nakakalula naman ang presyo ng mga bilihin dito.
Pagrereklamo ko sa kanya. Ilang minuto din ang lumipas bago siya nakapag reply.
From: Sir adam
Just don’t mind the price sandra. If you have to add more, you can.
To: Sir adam
Okay sabi mo eh.
Hindi na ako pumalag. Wala lang naman to sa kanya kumpara sa yaman niya. Ipapasok ko na sana sa bag ko ang cellphone pero tumunog ulit ito.
From: Sir Adam
You can also go shopping. Buy anything you want.
Aba nakaka tempt ang offer niya huh pero hindi ako oportunista no.
To: Sir adam
Adam ano kita? Sugar daddy?
From: Sir adam
YOU ARE READING
Waves Of Love
RomanceMaid Series #1 Adam Levi Zerudo. The man who owns it all. Wealth, luxury, and came from a wealthy family. Many women are chasing him but not once has gotten his attention and interest not unitl he met Sandra Natalie Cortez.