Kabanata 65

1K 67 10
                                    

Dumating ang araw ng kaarawan ni Mariel. Sa bahay ng mga De Luca ay maaga palang ay nag-aayos na ang mga ito na animo'y kapamilya ng celebrant. The party will start at exactly five o'clock but Jody and the others are all set at four o'clock.

"Isn't it too early?" aniya ni Dencio habang may hawak na dyaryo at nagbabasa ng bagong labas na balita. Mas gugustuhin pa ring magbasa ni Dencio kaysa tumingin sa social media at manood ng telebisyon.

"I know, Pa. Gusto ko lang naman na nandoon ako ng maaga para kay Mariel. You know she's like a daughter to me," sagot ni Jody at sinuot ang heels na dala-dala niya pababa. Well, she was almost her daughter-in-law kung hindi ba naman bulag ang anak niya at nabihag ng babaeng 'yon. Hmp!

"Hmm. Hindi niyo ba hihintayin si Vincenzo?" As Dencio knows, his grandson will also attend in behalf of him.

Napangiwi si Jody nang marinig ang pangalan ng matigas n'yang anak.

"Ano pa bang aasahan ko doon, Pa? That son of mine can go on his own. Hindi niya na ako sinusunod," tampong saad ni Jody at muling tiningnan ang repleksyon sa compact mirror na dala. Naiinis talaga siya sa anak. What's so good about that Henrietta girl? Puno ng negative news ang reputasyon nito sa madla at ano ang sasabihin ng mga kaibigan niya kapag nalaman iyon? Nakakahiya. Kung pinili nito si Mariel ay hindi na nilang kailangan pang problemahin ang public opinion ng iba dahil wala namang mapipintas kay Mariel.

"Vincenzo is a grown up man. What do you expect? He has his own mind. Hindi habang buhay ay kailangan n'yang sundin ang gusto niyo. What about his wants? Do you think your son will be happy if you keep minding and controlling his decision?" Vincenzo is the most intelligent grandchildren in his family. Dencio was hell bent to make him the successor of their family. Wala s'yang nakikitang iba na mas karapat-dapat mamahala ng pamilya kung hindi ang apo n'yang iyon.

Jody twitched her lips. "Pa, boto ka ba talaga sa babaeng 'yon? Bakit gano'n mo na lang ito tratuhin? Don't forget that you were also in favor of Mariel being our daughter-in-law. Nasaktan ang dalagang 'yon." Jody felt a pang of pain to that lovely girl. Naging mabuti ito sa kanila at palaging nand'yan. Kulang na lang talaga ay maging pamilya nila ito.

"Let's say she has the quality of being the head mistress of the family," aniya ni Dencio. Kumpara kay Mariel, she's lacking at some point. Yes, she has the qualities too, but Henrietta has a lot. What can he say? Magaling din pumili ang kanyang apo.

Napakunot ng noo si Jody. Quality? Ang quality ang nakay Mariel. Walang madungis na pangalan at ideal woman ng lahat na gustong maikasal ng anak. It would be a huge loss if she can't get inside of their family. Hindi na lang mulinf nagsalita pa si Jody at tinawag ang mga pamangkin niya na kasamang dadalo sa banquet bago nagpaalam kay Dencio.

The old man just continued to read the news when something caught his eyes and lifted his brow.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Reynold. Helen should know what's going on.

---

"What are you thinking?" tanong ni Henrietta kay Enzo na kanina pa nakatitig sa kanya habang nasa loob sila ng sasakyan. May nakasunod naman sa likod na isang kotse dahil hindi sila mamaya magsasabay papasok.

'What? Hindi ba maganda ang suot niya?' Tiningnan niya muli ang suot. Isa iyong velvet black off shoulder fitted dress na pinatungan ng itim ding suit na galing kay Vincenzo.

"I'm just thinking not to go. Siguradong aagawin mo ang atensyon ng birthday celebrant," sagot ng lalaki gamit ang mababang boses.

Henrietta looked at him blankly. That's it?

"You just don't want them to see me." She chuckled and looked away.

"Yeah. Baka biglang iuwi agad kita."

"You..." Pinandilatan ni Henrietta ng mata ang asawa. Napapansin niya na parang hindi na siya naiilang sa lalaking 'to. Nasanay na siya sa presensya nito at minsan pa ay hinahanap-hanap niya. She also could feel the fast beating of her heart. She tried to look calm outside kahit na para s'yang sinasayawan ng paro-paro sa katawan.

"Malapit na tayo," wika ni Vernon na nasa passenger seat. He was forced to eat dog food because of the two. Dapat pala ay hindi na siya nag-insist pa na sumabay sa kuya sa kotse kung ito ang makikita niya buong biyahe.

Tumigil ang sasakyan.

"Let's meet later. Don't walk away far that I couldn't check up on you," paalala ni Vincenzo at unang bumaba ng kotse para ihatid ang asawa sa kabila.

"Hmm. I understand." Ginaya niya ito papasok bago bumalik sa kotse. Vernon moved his head into the back and smiled at his brother.

"Don't worry about sister-in-law, bro. Magiging mata mo rin ako habang busy ka," aniya nito.

"Then, I'm counting in you," sagot ni Vincenzo. Naunang umandar ang kanilang kotse papunta sa venue habang nakasunod naman ng malumanay ang kotseng sinasakyan ni Henrietta.

Maya maya pa ay tumigil ang kotse sa entrance at bumaba ang dalaga. Nauna nang pumasok si Vincenzo at Vernon na siguradong pinag-usapan ng lahat kaya siguradong hindi siya mapapansin lalo na at may mga kasabay rin siya.

"Invitation, please," aniya ng nagbabantay sa entrance. Kinuha ni Henrietta ang invitation sa kanyang bag at pinakita ito. The man frown and looked at her before smiling.

"Welcome to Miss Mariel's banquet, Ma'am. Enjoy."

Pumasok si Henrietta sa loob. Mukhang pinaghandaan ng pamilya ang selebrasyon ni Mariel. Of course, they wanted to show their family's wealth. Her eyes scanned the room but she didn't see where Vincenzo is.

Saan naman kaya pumunta ito.

"Sis— Henrietta," tawag sa kanya ni Vernon habang naglalakad ng malalakung hakbang papunta sa kanyang direksyon.

"Where is your brother?" she asked.

Iginaya siya ni Vernon papuntang second floor dahil doon sila pupwesto. Ipinanghila niya ito ng upuan bago ang binata umupo kaharap nito.

"May biglang tumawag sa phone ni kuya, eh. Babalik din 'yon mamaya. You won't mind being with for a while right."

The corner of Henrietta's lips curled up. "I don't mind."

"Right. Sorry nga pala kung nagkakilala tayo sa hindi medyong magandang oras. I was too shocked to see my brother with a woman that time."

"I thought close sila ni Mariel?"

Medyo nagsalubong ang kilay ni Vernon.

"Hindi naman talaga sila close. Iyong mga parents lang namin ang gustong maging close ang dalawa. You know what, if you didn't come into the picture baka nga ikasal si Vincenzo kay Mariel. Thank God, bigla kang sumulpot."

Napataas ng kilay si Henrietta sa sinabi ni Vernon. Dapat ba s'yang maging thankful or what?

"Good evening, ladies and gentlemen! Thank you for coming and being with us to celebrate Mariell's twenty seventh birthday! I won't make a speech longer because I can't wait to see the celebrant and maybe you too. So, let's welcome Miss Marielle!"

Mula sa taas ay lumabas si Mariell at bumaba sa staircase. Nakangiti ito ng malaki at kumakaway minsan. Nang makalapit sa babae ay iniabot nito ang kamay sa kanyang escort.

"What the?" Nanlaki ang mata ni Vernon at napanganga nang makita ang kapatid na nakaabang sa babang hagdan. He looked at Henrietta who was calmly looking down.

Hindi ba nito sinabi man lang sa asawa?

Henrietta mockingly smiles inside.

'I see.'

-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon