Chapter 23

1.3K 47 1
                                    

"Rai!" he called my name.



I ignored him and directly went to our room. Naiinis ako sa kaniya kaya sa buong biyahe namin kanina ay hindi ko siya kinausap o inimik man lang, tanong siya nang tanong pero wala siyang sagot na narinig mula sa akin.



Nang makarating kami rito sa condo unit niya ay pumasok kaagad ako sa kuwartong tinutulugan namin at hindi na nag-abala pang magbihis ng damit. I am still on my uniform when I laid down on our bed. Mayamaya ay pumasok siya pero tumalikod ako sa gawi niya at naglukbong ng kumot.



"Rai," he called me again. "I'm sorry, okay? Don't be hardheaded, baby. Be a good girl, please."



"I hate you!" I shouted against the sheet. "Nakakainis ka, Clarence Jayv!" I added childishly.



"Rai---"



Hindi niya natuloy ang sasabihin nang makarinig kami ng tunog. Bumalikwas ako at bumangon sa kama. Kinapa ko ang aking bulsa at nilabas mula roon ang aking cellphone. I glanced at Rence and hushed him up. Inayos ko muna ang aking sarili at pinakita sa kaniya kung sino ang tumatawag.



Nang makitang pangalan ni Mommy ang nakarehistro sa screen ng cellphone ko ay bumuntong-hininga siya at umupo sa kama. Inismaran ko siya at tinalikuran para sagutin ang tawag ni Mommy.



"Mom!" bungad ko sa ina.



"Hey, darling, how are you?" she asked on the other line.



"I'm fine, Mom. You and Dad?" I asked, imagining how was my parents these past few days.



Ngayon lang kasi nakatawag si Mommy, ang huling tawag niya ay noong nakaraang araw pa. Mukhang busy yata talaga silang dalawa ni Daddy kaya hindi sila nagkaroon ng oras para tawagan ako sa mga nagdaang araw.



"I'm sorry, Ellai. Your Dad is still busy. Hindi kami sigurado kung kailan kami uuwi riyan, Ellai. I am really sorry..."



"Uhm... What about our company here, Mom?" I asked when that thing popped up in my mind.



"Ibinilin ng Daddy mo kay Sky ang kompaniya, hindi rin naman puwedeng ibilin sa iyo dahil alam mo na... ayaw lang ng Daddy mo na magdagdag stress sa 'yo. He told me that you should focus on your studies first," ani Mommy.



"Sky? Sino po 'yan?" Kumunot ang aking noo at sinulyapan si Rence na nakataas ng kilay ngayon. "Is she a friend of yours, Mom?"



Mommy chuckled on the other line. "Sky is not a woman, Elle, Sky is a man, okay? Hanred Skynard. Don't you remember him, Ellai? Your Dad once mentioned him to you, right?"



"Iyong anak ng kasusyo ni Daddy, Mom? Binanggit nga siya ni Daddy sa akin kaso hindi ko naman kilala iyon," paliwanag ko lang.



"We will introduce him to you once we get back there, Ellai. Take care of yourself, alright? Huwag mong pabayaan ang sarili mo dahil malilintikan ka talaga sa amin ng Daddy mo. Anyway, I haven't heard any bad news from your school, Nephele Rai. So my daughter is now a good girl, huh?"



Lumabi ako. "Mommy, stop that good girl thing. Hindi na po ako bata, malaki na po ako."



She scoffed. "Ito naman, nilalambing ka lang. O siya, mabuti nga dahil tumawag sa akin ang Dean mo at sinabing hindi ka na raw nakikitang may kasamang kung sinu-sinong lalaki. Mabuti iyan, Ellai, kina Van ka lang sumama dahil mapagkatiwalaan iyong mga barkada mo."



"May choice pa ba ako, Mommy? Puro lalaki naman talaga ang mga barkada ko, ayaw kasing makipagkaibigan ng mga babae sa akin, eh. Hindi bale na, sige na, Mommy. Ingat kayo ni Daddy riyan, tell him that I love him, Mommy. You too, I love you."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now