CHAPTER SIX

663 14 5
                                    

Nagising ako ng may mabigat na nakadagan sa may puson ko, when I opened my eyes si Chaste agad ang bumungad sa akin. I am not that drunk last night, kaya naman alam ko at naaalala ko ang katangahan na ginawa ko. Napapikit ako ng mariin at natampal ko ang aking sarili dahil sa kagagahan ko. Marahan kong inalis ang kamay ni Chaste na nakadagan sa akin, sinilip ko ang aking sarili, hindi na ako nagulat na nakadamit na ako ulit. But the thought that Chaste saw everything in me made me blushed. Naupo ako sa kama, napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng hita ko.

Damn! It's not a dream!

Inis kong naihilamos ang aking palad sa sariling mukha, kahit masakit ay pinilit kong tumayo, patingkayad akong lumabas ng kwarto ni Chaste, maingay ang bawat hakbang ko maging ang pag bukas ko ng pintuan dahil ayaw ko siyang magising because for sure ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya.

Ang rupok mo kasi Ae! Akala ko ba ayaw mo?!

Marahas kong iniling ang aking ulo habang naglalakad papunta sa sakayan, pinilit kong lumakad ng maayos kahit parang hinahati na sa dalawa ang katawan ko dahil sa sakit.

Damn your dick Chaste!

Sumakay ako ng tricycle pauwi sa bahay, mabuti na lang at sabado ngayon, wala akong pasok sa school kaya makakapahinga ako buong maghapon. Ang problema ko na lang ay ang practice mamaya sa church para sa Sunday service na gaganapin kinabukasan. Tiyak na naroon si Chaste!

Paano ba kita iiwasang damuho ka?!

Stress na stress akong napahilamos nanaman sa aking mukha. Ginulo ko ang aking buhok na dati ng magulo dahil sa sobrang frustrated.

"Ineng nandito na tayo," inabot ko ang isang daang piso sa driver saka ako lumabas ng tricycle, muntik na akong mapamura nang kumirot nanaman ang pagitan ng hita ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang papasok ng bahay at nagdasal na sana ay wala sa loob sila Mama at Papa, but alas, my prayer wasn't heard.

"Mabuti naman at nakitulog ka na lang sa kaklase mo Ae, ang lakas ng ulan kagabi eh," I kissed my mom and dad's cheeks.

"Kaya nga po eh, tinapos din namin ang report namin for Monday para free na ang weekend ko," naupo ako sa pagitan nila at yumakap.

"You stink! Amoy panis na laway ka na 'nak, maligo ka na nga roon," natawa ako sa paraan ng pagtulak sa akin ni Mama.

"I love you Ma, Pa," nakangiti kong sabi bago ako tumayo at nagtungo sa kwarto ko. Nanghihina akong napa-upo sa aking kama. Seeing how my mother and father trusted me makes me feel disappointed. Nakagawa ako ng bagay na alam kong hindi nila gugustuhin na malaman at hindi kailanman sumagi sa isip nila na magagawa ko.

"Disappointing Ae," bulong ko sa aking sarili saka ibinagsak ang sarili sa kama. "Last na iyon, hindi na dapat maulit."

After that monologue with myself ay bumangon na ulit ako para maligo, nagbabad ako sa banyo ng halos isang oras, kahit papaano naman ay nabawasan ang sakit ng aking katawan especially the one down there. Lumabas ako ng bandang 10am at naabutan ko si Mama na nagluluto ng lunch namin.

"Ma gutom na ako," nakanguso kong sabi at naupo sa pwesto ko madalas sa dining. "Si Papa?"

"Paluto na ito, tawagin mo na lang si Papa mo sa likod nag didilig ata ng mga halaman n'ya," sinunod ko si Mama at tinawag si Papa, pagbalik ay naabutan namin si Mama na naghahain na ng pagkain.

"Pupunta ka ba sa practice mamaya Ae?" Mama asked, uminom muna ako ng tubig na nasa harap ko bago sumagot.

"Song leader ako Ma eh, probably I'll attend, kung hindi masama ang pakiramdam ko, ang sakit kasi ng katawan ko parang lalagnatin ata ako," pagkasabi niyon ay saka naman ako napabahing. Lumapit sa akin si Papa at sinalat ang aking leeg at noo.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now