57. Forthcoming Holocaust

114 12 0
                                    


Farrah

Pinakain muna ako ng reyna bago bumyahe pabalik sa palasyo namin. Maaga rin ako pinauwi ni Reyna Vanessa dahil pagabi na rin naman. May kabaitan din pala ang babaeng iyon kahit pabaya s'ya sa kanyang anak na babae.

"Saan ka ba nanggaling? Mabuti na lamang ay nakalimutan ni ama na hinahanap ka n'ya kanina!"

Ang ingay naman ng bibig nito.

Kasalukuyang nililigpit ko ang mga papel sa aking lamesa nang pumasok si Aifrel sa kwarto.

"Magpapahinga na ako, huwag ka na ngang magulo riyan." Sabi ko.

"Saan ka ba kasi nanggaling?!" Iritang tanong n'ya.

Bumuntong hininga ako, "gusto ko uminom."

"Tsk! Tara, mag-pahangin ka muna." Anito at naunang lumabas ng silid. Agad naman akong sumunod sa kanya dahil tapos naman na akong mag-ligpit.

"Nga pala, si Fergus?" Tanong ko.

"Naroon sa kwarto ko at binabantayan si Julia." Tugon n'ya.

"Ang sabi ko ikaw ang magbabantay." Irap ko sa kanya.

"Patawad, maging ako'y ayaw s'yang iwan doon. Marami lang talagang mga inaasikaso." Buntong hininga nito.

Dumeretso kami sa kusina at kumuha ng mga inumin bago dumeretso sa hardin at doon umupo sa damuhan.

Humiga ako sa damuhan, "alam mo ba, dito ako nagising nung naging ako si Farrah... basta nung lumipat kaluluwa ko ganoon. Ang hirap ba naman ipaliwanag." Gulong sabi ko.

"Talaga? Dito? Mabuti na lamang at walang gumalaw sa'yo." Anito at uminom ng alak.

"Teka, huwag mo ibahin ang usapan! Saan ka galing kanina?" Taas kilay nitong tanong.

"Sa kaharian ng Karucia." Sagot ko.

"S-sa Karucia?! Anong ginagawa mo roon?! Alam mo ba ang kasaysayan ng lugar na iyon? Ikaw Hana, hindi ka nanaman nag-iingat." Pinagsabihan ako nito.

Napatawa ako, "ano ka ba, maingat na ako. At isa pa, wala namang masamang nangyari sa'kin mula sa Karucia. Nakabalik nga ako na kumpleto pa ang laman loob." Sabi ko at sinabayan s'ya sa pag-tungga ng alak.

"Huwag mo na antayin na may mangyaring masama sa'yo. Mabuti nga nakalabas ka pa roon." Anito.

"Ano ka ba, parang papaamuhin mo lang naman ang prinsesa." Sambit ko.

"Nga pala, hindi ka nagalit nung hindi ikaw ang magmamana ng trono ni ina bilang reyna?"Pagtataka nito.

Umiling ako, "may ibang balak si ina at hindi ko muna inalam kung ano ito." Pagsisinungaling ko.

"Mabuti, talagang mahina ang mga tuhod ni ina kaya minsan na lamang ito nakakalabas ng kanyang silid. Baka nga sa iyong kaarawan ay mananatili lamang s'ya sa kanyang kwarto." Pag-kwento nito.

"Sayang naman.." Usal ko at tumayo mula sa damuhan at pinagpagan ang aking kasuotan.

"Saan ka pupunta?" Pagtataka nito.

"Sa reyna, kukumustahin ko lamang ang kanyang pakiramdam. Kailangan n'ya rin ng makakausap kaya maiiwan muna kita, iligpit mo iyan." Sabi ko.

Tumango s'ya at inirapan pa ako, "Sige, bye."

Napangisi ako bago s'ya talikuran. Nakapaghapunan na kaya ang reyna? Gusto ko s'ya dalhan ng makakain habang kami ay nagk-kwentuhan.

Dumeretso ako sa kusina ng palasyo ngunit madilim na. Hindi ko rin naman alam kung paano buksan ang ilaw kaya mukha akong pusa na nagnanakaw ng pagkain dito.

"K-Kamahalan, anong ginagawa mo rito?"

Nagulat ako sa katulong na biglang sumulpot at binuksan ang ilaw. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang dumating ito.

"G-Gusto ko lamang dalhan ng pagkain ang reyna ngunit wala na palang tao rito.." Sabi ko.

Napangiti ito at yumuko bilang pag-galang, "Tulungan na kita, kamahalan. Kakarating lamang namin mula sa bayan dahil bumili kami ng lulutuin para bukas." Aniya at inilapag ang mga pinamili sa lamesa. May mga kasama naman s'yang kabalyero na umalalay sa kanya.

"Maraming salamat sa inyo." Pagyuko n'ya sa mga kabalyero. Yumuko rin naman ang kabalyero.

"Mauuna na kami, kamahalan." Pagyuko naman ng mga kabalyero sa'kin.

"Ano ang gusto mong ihain sa reyna, mahal na prinsesa?" Tanong n'ya. Sa tingin ko ay halos magkasing-edad lamang kami ng babaeng 'to. Maganda rin naman s'yang babae, parang si Julia.

"Naisipan ko na prutas na lamang tutal tapos na rin naman s'yang kumain ng hapunan." Sabi ko at tinulungan s'yang ilabas ang mga pinamili palabas sa sako.

"Naku prinsesa, ako na lamang ang maghahanda rito at baka mapano ka pa..." pag-agaw n'ya da mga hawak ko.

"Ayos lang, gusto ko lang naman tumulong. May maaari ba akong gawin?" Tanong ko.

Napabuga s'ya ng hininga, "sige na nga, maaari mo bang hugasan ang mga prutas na ito, kamahalan?" Iniabot nya ang pinya, papaya, berries, at ang mga presa. Kumuha pa ako ng presa at tinikman ito, "hmm, good..."

"Hindi ba uso ang mangga rito?" Tanong ko.

Umiling s'ya, "Ang mga ganoong prutas ay tumutubo lamang sa timog-silangang emperyo. Gusto mo bang mamili kami roon ng mga prutas?? Tanong n'ya.

Tumango ako, "Kung may libreng oras ay maaari pa akong sumama, diba dadaan naman ito sa silangan?" Tanong ko rin at tumango naman agad s'ya.

"Mabuti." Napangiti ako. Wala lang, gusto ko s'ya ulit makita.

"Ang iyong mga ngiti!" Nilapitan n'ya ako, as in sobrang lapit.

"S-sandali, lumayo ka nga nang kaunti- AAH!" Na-out balance ako at natumba, s'ya naman ang nakapatong sa'kin.

Nanlaki ang aking mga mata dahil halos mag-dikit ang aming mga labi.

"M-mahal na prinsesa, patawad..." Usal nito at mabilis na bumangon.

Napatawa ako at umupo sa lapag, "nagulat lamang ako."

Inilahad n'ya ang kanyang kamay, "patawad talaga, kamahalan... titiyakin kong hindi na ito mauulit pa."

Agad kong tinanggap ang kanyang kamay, "alam ko namang hindi mo na ito uulitin."

"Ano ang iyong tinutukoy tungkol sa ngiti ko kanina?" Pag-iiba ko ng usapan. Pinagpatuloy namin ang aming ginagawa.

"Ganito lamang karami, kamahalan?" Tinutukoy n'ya ang mga prutas na hinugasan ko.

Tumango ako, "kami lang naman ang kakain."

"Sige, kamahalan." Aniya, "ang tinutukoy kong ngiti n'yo ay nung nabanggit mo ang silangan, ngumiti ka. Malakas ang pakiramdam ko na..."

Tumingin s'ya sa'kin. Malungkot ang mga mata at mabilis n'ya rin namang iniwas ang kanyang paningin... malungkot? Bakit?

"...n-na may tinatago kang pag-ibig sa prinsipe ng silangan." Dugtong nito sa kanyang sinabi.

"Hindi ko itinatanggi at ang pag-ibig na iyon ay matagal nang hindi nakatago, may relasyon kami ng prinsipe." Paglilinaw ko.

"Hmm... tiyak na tulog na ang reyna, aakyat muna ako upang gisingin si ina. Hihintayin na lamang kita roon." Tinapik ko s'ya sa balikat bago humakbang palabas ng kusina.

Ngunit, bakit bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko? Parang kumirot ang puso ko na ewan, bahala na.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ng palasyo ay nakatitig ang sa regalo ni Liam. Hindi ko talaga maiwas ang mga mata ko sa bagay na 'to.

"Nakaka-hipnotismo..." Usal ko.

Nakakahanga rin na nakahanap si Liam ng ganitong klaseng bato, sobrang rare ng pulang dyamante.

"Mabuti nga ay walang pera na nag-eexist sa panahong 'to, puro bato ang kanilang binabayad ay nakakahanga talaga..." kausap ko sa aking sarili.

'At isa pa...'

Sumeryoso ang aking paningin, "ang prinsipe ng Karucia... sino ka?"

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon