Chapter 7

50.5K 1.6K 557
                                    

Sea Without Waves

Hidden

Drystan scoffed and shook his head. Umalis ako sa pagkakasandal sa harapan ng kanyang motor at umatras ng kaonti. Sinimulan niyang pinihit ang magkabilang handle kaya gumawa iyon ng ingay.

Drystan looked at me before leaving. Humithit akong muli sa aking sigarilyo at tiningnan si Draven.

"Hi," I greeted.

Nailing siya at tumalikod para pumasok ulit sa bahay nila. Wow. Such a snob. Nagkibit na lamang ako at pinitik ang sigarilyo sa kung saan nang makitang lumabas na ang Mama ni Trison sa terasa.

"Hija... Magmeryenda ka muna," nangingiti niyang sabi.

I nodded. Bumalik ako sa loob at nagtungo muli sa terasa. Inasikaso ako ng Mama ni Trison.

"Pagpasensyahan mo na itong bahay namin..." nangingiti niyang sabi habang inilalagay sa bilugang lamesa rito sa terasa ang mga meryendang nakalagay sa tray.

"Ayos lang po," sabi ko.

Her smile grew even wider.

"Ang galang mong bata..."

I smiled a little. Ano bang kumakalat na tsismis? Na bastos ako at walang modo?

"Teka at kakatukin ko si Trison sa banyo. Nakakahiya at pinaghihintay ka," pagmamadali niyang pumasok kaya hindi na ako nakasagot pa.

Tiningnan ko ang inilapag na meryenda. Nandito ang leche flan na sinasabi ni Trison. Orange juice, uh... cupcakes? But it's white with a cheese as a topping. White cupcakes perhaps. And violet... uh... rolls... what's this?

Kinuha ko ang tinidor para tikman iyon. It's fluffy. Kuryoso kong isinubo ang dahan dahang nginuya. It's not familiar... parang hindi pa ako nito nakakatikim.

Uminom ako ng orange juice at narinig ang tinig ni Trison na mukhang kinakausap pa ng kanyang Mama at pinapagalitan.

"Ferrarin pa ang pinaghihintay mo. Mahiya ka naman, hijo," ang kanyang ina na naririnig ko.

"Nagpapagwapo pa ako, Ma..." reklamo ni Trison habang lumalabas na.

Mukhang hinatak lang ata agad ng kanyang ina kaya hindi man lang nakapagsuklay at nababasa pa ang suot na t-shirt habang may dalang notebook at laptop.

"Akala mo naman papatulan ka niyan. Taas mong mangarap bata ka," hindi nakaligtas sa akin ang bulong ng kanyang ina.

Bumuntot ang kanyang ina at ngumiti agad sa akin.

"Tawagin niyo lang ako kung may kailangan kayo..."

I nodded and smiled. Naglakad si Trison at tiningnan ang meryendang hindi ko gaanong nagalaw.

"Hindi ka ba nasasarapan? Baka may gusto ka para—"

"No this is fine," sabi ko.

"Gusto mo ba ng cake, hija? Bibili ako. May malapit lang naman na bakeshop—"

"Ayos na po ito," sabi ko nang nag-aamba nang umalis ang ina ni Trison.

Sa huli, nakumbinsi ko rin naman sila na huwag nang mag-abala. The food looked weird but it's fine. Isa ata sa natutunan ko kay Lola ay huwag masyadong magdemand ng pagkain kung nasa ibang bahay ka.

Nagsimula na kami ni Trison sa aming project. Ibinigay niya sa akin ang notebook at hinayaan akong isulat doon ang sarili kong answers. Hinati niya na iyon at mukhang ginawa na rin ang parte niya kagabi.

Sa kalagitnaan ng aming ginagawa ay napansin ko ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Draven. Hindi man lang lumingon.

"Draven!" tawag ni Trison. "Bukas. Pumayag si Sanders!"

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon