Chapter 10

35.4K 1.3K 575
                                    

Odette








Ilang minuto akong natahimik matapos sabihin ni Ahtisia 'yon sa akin. Hindi ko din alam kung anong dapat kong gawin o isipin. Pilit ko pa ding tinitimbang ang sitwasyon. Hanggang sa mariin akong napapikit ng marinig ko ang mumunti niyang hikbi.

"Shh...everything's gonna be ok," pag-aalo ko sa kanya.

Hinila ko siya palapit sa akin para yakapin. Bukod sa pag-iyak ay ramdam ko pa din ang panginginig ng katawan niya dahil sa basa.

"Hindi ko sinasadyang saktan ang mga kaibigan mo, Hunter. Hindi ko gusto..." paulit-ulit na sabi niya sa akin kaya naman lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

Marahan akong tumango. "Alam ko...Alam ko, Ahtisia," paninigurado ko sa kanya.

Nai-intindihan ko kung ano yung nangyari. She's too nice and seeking for a friend that's why naging madali para sa mga babaeng 'yon na mapa-ikot siya.

"Hindi ko papalagpasin 'to," sabi ko. Magbabayad ang mga 'yon sa ginawa nila sa mga kaibigan ko lalo na sa girlfriend ko.

She keeps on saying sorry na para bang natatakot siyang magalit ako sa kanya o mag-iba ang tingin ko. I won't do that. Mas naniniwala ko sa sasabihin niya...sa sasabihin niya lang ako maniniwala.

"Lalong magagalit ang mga friends mo sa akin pag nalaman nila," takot na sabi niya sa akin.

Unti-unti na ding tumila ang ulan kaya naman maya-maya lamang ay pwede na ding kaming bumyahe ni Ahtisia para ma-ihatid ko na siya sa kanila. She needs to change her clothes dahil magkakasakit siya kung matutuyo siya ng ganito.

"Ako ang bahalang kuma-usap sa kanila. You don't need to worry about it," Paninigurado ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. Sobrang lamig ng kamay niya kaya naman kaagad kong sinalat ang leeg niya kung ma-init na siya.

"Iuuwi ma kita," sabi ko. She really needs to rest.

Naramdaman kong gusto niyang mag-protesta.

"Galit ka sa akin? Magtanong ka ng kahit ano, sasagutin ko. Ayokong magalit ka sa akin," sabi niya. Ramdam ko ang takot sa boses niya.

Marahan ko siyang hinawakan sa pisngi to make her calm even more.

"Hindi ako galit sa'yo. Nag-aalala lang ako na baka magkasakit ka lalo. You need to rest. Baby, you need to rest," sabi ko sa kanya.

I saw the relief on her face after kong sabihin 'yon.

Marahan siyang tumango at nagpa-ubaya na lang. Tahimik kami habang nasa byahe pa-uwi sa kanila. I even texted Kuya Wil para hindi na din 'to mag-alala kay Ahtisia. Hindi daw pwedeng makita na iba ang maghatid sa kanya pa-uwi kaya naman ilang kanto mula sa bahay nila ay nakita na naming naghihintay si Kuya Wil.

"Pwede kong kausapin ang Mommy at Daddy mo tungkol sa nangyari,' sabi ko kay Ahtisia.

Marahan siyang umiling sa akin. "W-wag na muna ngayon. Baka wala din naman sila diyan...hindi lang pwedeng makitang ibang sasakyan ang naghatid sa akin," sabi niya sa akin.

Tumango na lang ako at nag-paubaya. Ayokong dumagdag pa sa iispin ni Ahtisia. I know this is hard for her too.

"See you tomorrow then," sabi ko sa kanya bago ako humilid para halikan siya sa pisngi.

"Hey," tawag ko sa kanya nang makita kong hindi siya makatingin sa akin.

Matapos niyang tumingin sa akin ay kaagad ko siyang hinalikan sa labi.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon