Chapter 25

1.3K 42 3
                                    

"Alam mo---"



I was cut off because of the knock from the outside. Mabilis kong inayos ang aking sarili at kaunting lumayo kay Rence. He just looked at me before walking to the door. Sinundan ko naman siya ng tingin. Pinihit niya ang doorknob at kaagad na binuksan ang pinto.



Napalunok ako nang mapag-alaman kung sino ang kumakatok sa labas. It was Marco and behind him is Miss Deizel. I slyly clenched my fist. Tahimik lamang ako nang dumako ang paningin ng dalawa sa gawi ko. Si Miss Deizel ay alam na kung ano ang mayroon kami ni Rence, samantalang si Marco naman ay halatang pinagdududahan kami ni Rence.



"Good morning, Mr. Montes, and..." Rence greeted Marco before drifting his eyes to Miss Deizel. "Miss Faith Deizel."



"Gusto ko lang pong malaman kung tapos na kayong mag-usap ni Ellai, Sir," si Marco.



"Hmm... Lalabas naman si Miss Clarkson kung tapos na kaming mag-usap. She's still in my office, so we haven't done yet. Huwag kang mag-alala, Mr. Montes, susunod si Miss Clarkson, mauna ka na."



"Hihintayin ko na lang po si Ellai, Sir," pagmamatigas ni Marco.



"M-Marco, okay lang ako," I told him. "Hindi naman talaga ako pinagalitan ni S-Sir at... pinagsabihan niya lang naman ako 'tsaka mauna ka na rin sa room, susunod naman ako."



"I doubt it," he muttered. "Hihintayin lang kita rito sa labas. Hindi ka naman siguro magtatagal dito dahil nandito naman si Miss Deizel, hindi ba?"



Napatingin ako kay Miss Deizel. "Yes, hindi naman ako magtatagal dito."



"Okay, I will wait for you here then," ani Marco at nanatiling nakatayo lamang sa may harapan ng pintuan.



"Okay, wait for Miss Clarkson then," si Rence bago binalingan si Miss Deizel. "Miss Deizel, you can come in now," anyaya ni Rence rito 'tsaka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.



Nang pumasok si Miss Deizel, sumunod kaagad ako sa kaniyang likuran. Umupo siya sa may isang silya na kaharap lang ng desk ni Rence samantalang ako naman ay nanatiling nakatayo lamang. I just keep my mouth shut.



Rence was right, hindi na dapat ako pumatol pa kay Miss Deizel. I should avoid toxicity, I was so very toxic and I did not notice it. Tahimik lamang ako at tinanaw mula sa kinatatayuan ko sina Rence at Marco na nag-uusap nang masinsinan at hindi abot dito sa amin ni Miss Deizel ang kanilang pinag-uusapan.



"Miss Clarkson," Miss Deizel called me eventually.



I took a deep breath. Okay, dapat kong kontrolin ang sarili ko ngayon para hindi siya sagutin nang pabalang o nakakabastos. Dapat ay ihanda ko na ang aking sarili sa maaari niyang sabihin sa akin.



"Yes, Miss?" I asked and smiled at her. "May sasabihin po ba kayo sa akin, Miss Deizel?" I added a question.



"Sir CJ is always having a hard day," panimula niya na ikinapawi ng aking ngiti sa aking labi. I just keep myself calm. "Don't be selfish, Miss Clarkson. Kolehiyo ka na at sana mahiya ka naman, kahit sa sarili mo man lang. Isipin mong mabuti ngayon, tama bang makikipagrelasyon sa iyong guro? That's against the school rules, Miss Clarkson. Malaki ka na, alam mo kung ano iyong tama at ano iyong mali. Hindi ko nga alam kung ano'ng nagustuhan ni Sir CJ sa 'yo, eh. Lahat kasi ng masama at kamalian ay nasa iyo na, Miss Clarkson. Isipin mo, mawawalan ng lisensya si Sir CJ. Huwag mo namang hintayin na may iba pang makaalam tungkol sa inyo, lalo na ang Dean," mahabang pangaral niya sa akin.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now