Chapter 27

442 13 2
                                    

Chapter 27

"Akala ko ba ayaw mong umuwi sa impyernong bahay na ito? So what are you doing here?" May panguuyam na sabi ni Ali pagkarating ko sa bahay niya. Iyong sasakyan ko sa labas lang ng gate ko pinark.

Tinignan ko siya ng masama.

"Nandito ang mga anak ko Ali, At kahit nasan sila dapat nandon ako!"

Galit siyang humakbang palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. May diin ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya naman nakaramdam ako ng konting sakit.

"Bitiwan mo ako or else sisigaw ako at makikita ng mga anak mo kung paano mo saktan ang ina nila!" Pagbabanta ko sa kaniya.

Hindi niya ako binitawan sa halip kinaladkad niya ako patungo sa may hagdan at kinaladkad paakyat roon halos magkandatalisod pa ako dahil sa bilis ng pag-akyat niya. Iyong mga bata hindi ko nadatnan pero ang sabi ni Manang ay nasa playroom nila.

Pagkadating sa taas binuksan nito ang pinto ng kwarto niya at padaskol akong pinasok roon.

"Anong binabalak mo? Gagalawin mo na naman ako? Sasaktan? Fuck you ka Ali!" Sigaw ko sa kaniya.

Dahil sa soundproof ang buong kwarto ay pwedeng-pwede akong magsisisigaw at pagmumurahin ang lalaking ito.

Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang ilalim ng mukha ko.

"You are a fucking bitch Micay, alam mo ba 'yon ah? You are a fucking bitch!"

"At ikaw gago!" Hirap na hirap na sabi ko dahil sa mahigpit na paghawak niya sa ilalim ng mukha ko.

Pabalya niya akong binitawan.

"Ang tinatawag mong gago ay ang lalaking minahal mo, Micay." Sarkatiskong sabi niya. "Ang ama ng mga batang pinanganak mo!" Nangangalaiting sabi niya.

Pagak akong tumawa.

"Oo nga eh. Nagmahal ako ng gago at pinagsisihan ko 'yon. Alam mo ba 'yon Ali? Nagsisisi akong ikaw ang minahal ko. Sa dinami-dami ng lalaking gustong umangkin sa akin sa 'yo pa ako nagtiyaga. Bakit nga ba ikaw? Hindi ko din alam. Bullshit lang 'di ba?" Litanya ko.

"Because, You're stupid to think that I might fall in love with someone like you? Ikaw ang naglagay sa sitwasyon mong iyan!" Panunumbat din niya sa akin.

"Yes! Ako! Kaya nga ako nagsisisi hindi ba? Kaya nga ako nabuntis dahil sa katangahan ko sa 'yo! Sa panghuhumaling ko sa 'yo! At nang malaman mong may anak ka sa akin gusto mong angkinin at ilayo sa aking ang mga anak ko! Tangina Ali! Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa akin! Tangina mo!" Galit na sabi ko sa kaniya. "Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin ng mga kambal habang ikaw nagpapakasasa sa iba't ibang babae! Nang magbuntis ako sinubukan kong bumalik at puntahan ka sa opisina mo para sabihing buntis ako at ikaw ang ama. Pero tangina Ali! Kahit punong-puno ng takot ang dibdib ko. Kahit ang dami-daming negatibong pumapasok sa isip ko dahil baka hindi mo tanggapin ang pinagbubuntis ko at itanggi mong hindi ikaw ang ama. Sinubukan ko pa din gawin dahil ayokong matulad sila sa ibang bata na walang ama. Na walang kompletong kinagisnang pamilya. Ali, nagpunta ako sa opisina mo ng araw na iniwan mo akong magisa sa abandonadong lugar. Gusto kong aminin sa 'yo ang sitwasyon ko pero paano ko gagawin 'yon kung yung ama ng pinagbubuntis ko nasa ibabaw ng ibang babae. Sarap na sarap habang inuungol ang pangalan ng babaeng iyon. Alam mo ba kung anong mas masakit ah, Ali?" Garagal ng sabi ko sa kaniya. Iyong mga luha sa mga mata ko sunod-sunod na ang pagdaloy. Nakatingin lang siya sa akin. "Alam mo ba kung anong mas masakit? Iyon kaibigan ko pa ang pinakealaman mo Ali. Okay lang sana kung ibang babae 'yun eh. Pero hindi eh. That was my friend my best friend Ali!" Umiiyak ng sabi ko. "Gusto ko kayong sugurin at saktan pero hindi ko ginawa Ali, Nanahimik ako dahil ayoko ng gulo. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Nag bulag-bulagan ako at nagkunwaring walang alam sa nangyayari sa inyo. At isa pa, wala akong karapatan kasi tulad niya isa mo lang akong babae sa kama pero bakit siya pa?" Masama ang loob na sabi ko habang binabalikan ang araw na nasaksikhan ko sa opisina niya kasama ang bestfriend kong si Bonna. "Ali ang sakit-sakit na isiping hindi ko man nasabi sa 'yong buntis ako ng mga araw na iyon. Umalis ako ng opisina mong durog na durog. Nagpakalayo ako kahit alam kong walang kasiguruhang makakaya ko. Pinili kong lumayo sa lahat at huwag sabihin ang sitwasyon ko. Pero ang hirap Ali, dahil habang nagbubuntis ako ikaw ang nasa isip ko. Lagi kong pinagdarasal na sana maisip mo din ako. Na sana...maalala mo din ako at hanapin ako. Siyam na buwan na at malapit na akong manganak pero umaasa pa din akong hahanapin mo ako Ali. At alam mo ba kung anong hinihiling ko noong mga panahong nanganganak ako? Sana nandoon ka sa tabi ko hawak-hawak ang kamay mo at kumukuha ng lakas at tapang. Kino-comfort at pinalalakas ang loob ko. Pero hindi iyon nangyari. Tanging sa diyos lang ako kumukuha ng lakas ko ng mga oras na iyon. Hirap na hirap ako Ali. Nang magbuntis ako, Magisa lang ako. At nang manganak ako, Magisa uli ako. Tapos ngayon gusto mong ilayo sa akin ang mga bata? Tangina Ali, Sila ang buhay ko! Kaya hindi mo sila pwedeng ilayo sa akin!" Humahagulgol kong sabi.

MY BOSS 2: Hot and WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon